Sa dinami-rami ng tao bakit kailangan siya pa ang makabangga sa akin?
"Samantha! Kamusta ka na? Bakit ganyan ang itsura mo?" Bakas sa mukha nya ang matinding pagtataka.
"Pasensya na. Nagkakamali ka! Hindi Samantha ang pangalan ko." Tanggi ko.
Akma ko na sana syang tatalikuran ngunit mabilis nyang hinawakan ang braso ko. Madiin akong napapikit.
"You can't fool me, Sam. Kilalang kilala kita! Boses mo, mata mo at labi mo. Hinding hindi ko makakalimutan yan. Nag iba man ang buhok mo at naka eyeglasses ka man, alam kong ikaw yan!" Siguradong sabi nya.
Humarap ako sa kaniya. Mukang di ko sya matatakasan.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Who's with you.. James?" Tanong ko.
Mahigpit nya 'kong niyakap at hinayaan ko lang sya.
"Yaya?" Hinila ni Carl ang damit ko kung kaya't napatingin ako sa kanya.
Shit!
"Mag usap tayo, Sam. Hihintayin kita sa table na 'yon." Turo nya sa isang bakanteng table.
Tumango ako at lumingon kay Cade na ngayon ay papalapit na sa amin.
Hinila ko na si Carl patungo sa table namin. Tahimik lamang si Cade. Nang dumating ang order namin ay nilagyan ko agad ng pasta at pizza ang plato ni Carl.
Si Cade naman ay nakatitig lamang sa pagkain. Hindi ko alam kung nakita nya ba si James na nakayakap sa akin.
"Kumain ka na." Sabi ko sa kanya.
Nag angat sya ng tingin sa akin.
"How'd you know him?"
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya.
"Sino?" Tanong ko kahit alam ko naman na kung sino ang tinutukoy nya.
"James! James Alvarez! Paano mo nakilala ang taong 'yon?" Madiin na tanong nya.
"You know him?" Balik tanong ko din.
Shit! Hindi nya pwedeng malaman na magkakilala kami ni James.
"I asked you a question at sasagutin mo ako ng tanong din?!" Iritadong sabi nya.
Nag isip ako ng idadahilan sa kaniya. Hindi ko pwedeng aminin na Ex-Boyfriend ko si James at hindi ko din pwedeng sabihin na kaibigan ko siya. Sigurado akong magtataka si Cade kung paano 'yon nangyari.
Tumingin ako sa kaniya na nakatitig sa akin at mukang naghihintay ng isasagot ko. Fuck!
"Uhm.. Ano.. Anak siya nung.. nung kaibigan nung.." sandali akong nag isip. "pinagsilbihan ni Nanay Cora. Tama! Yung tita ko.. Nanilbihan 'yon dati sa kaibigan ng Mommy ni James, kaya doon ko sya nakilala. Sumama kasi ako minsan kay Nanay Cora doon tapos nandoon naman siya." Pagsisinungaling ko.
Sana lang maniwala sya!
"Nagka-gusto sya sayo?!" Nanliliit ang mga mata na tanong nya.