LWFW 13

28 2 0
                                    

"Iyon pala ang dahilan." sambit niya nang sabihin ko sa kaniya ang lahat. Kung ano ang totoong pagkatao ko at kung paano ako umabot sa puntong ito.





"Aaminin ko din po ang lahat sa tamang panahon. Sa ngayon, kailangan ko munang magpanggap. Sana po manatiling sikreto natin 'to hanggang sa dumating yung araw na 'yon." Sabi ko.





Titig na titig sya sa mukha ko at parang namamangha. Ngumiti sya at bahagyang tumango.






"Napaka-ganda mo. Alam kong simula palang may kakaiba na sayo. Wag kang mag alala. Makakaasa kang itatago ko ang sikreto mo, basta ipangako mo sa akin na aaminin mo 'rin ang lahat ng ito sa tamang panahon." Ani niya.





"Opo, Nay Linda. Salamat po."






Ngumiti sya at nakampante na ako. Alam kong mapagkakatiwalaan siya. Pero sa pagdating nang panahon na aaminin ko na ang lahat, sana maintindihan nila. Lalong lalo na si Cade.






"Bakit nga po pala kayo nandito? Okay ka na ba, Nay Linda?" Tanong ko.






"Maayos na ako. Pinapunta ako ni Maam Carla para kamustahin kayo."





Tumango ako. Mabuti nalang at si Nanay Linda ang pinapunta ni Maam Carla.






Nagtungo si Nanay Linda sa kusina upang ipagluto kami ng hapunan ni Cade. Itinuloy ko naman ang paglilinis ng buong sala.





Nang matapos ako ay bumaling ako sa orasan na nakasabit sa wall. Alas sinko na. Sabi ni Cade ay ganitong oras daw ang uwi niya.






Nakaramdam ako ng lungkot nang maisip kong kasama niya si Hanna kaya wala pa siya.






"Ynna. Aalis na ako. Initin mo nalang sa oven yung niluto ko pagdating ni Cade. Mag iingat ka dito."






Lumapit sya at hinaplos ang wig ko.






"Parang totoo." Namamanghang sabi niya.






Natawa ako sa reaksyon ng mukha nya.





"Human Hair po kasi yan." Sabi ko.

--

Nang makaalis si Nanay Linda ay nakaramdam na naman ako ng lungkot lalo na ng maalala ko ang text ni Nikki. Marahil nagkasakit si Dad noon dahil sa sobrang pag iisip sa akin.




Kamusta na kaya si Dad?





Sumilip ako sa bintana. Makulimlim ang langit at mukhang uulan mamaya.






Nahiga ako sa sofa at bahagyang pumikit. Sa pagpikit ko ay mukha ni Cade ang nakita ko. Dumilat ako kasabay ng malalim na buntong hininga.






"Gusto ko nga sya! Hindi.." tanggi ko. "Gustong gusto ko sya."






Ipinikit ko muli ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok.



--

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naka-idlip ng may maramdaman akong bagay sa braso ko. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Cade.






"I'm sorry. Late akong nakauwi." Sabi nya.




Bumangon ako at nag iwas ng tingin.






"Bakit ka nagso-sorry? Hindi mo dapat sa akin sinasabi yan. Dapat kay Hanna." Mapait na sabi ko.






Nanatili syang nakatitig sa akin. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang iba't ibang klase ng emosyon sa mga mata nya.






Bumaba ang tingin nya sa braso ko. Akma nya itong hahawakan ngunit mabilis ko itong inilayo sa kanya.






"I'm sorry sa nangyari sa amin ng.. G-Girlfriend mo. Alam kong wala akong karapatan na maging ganon sa kanya. I'm sorry." Sabi ko kahit ang totoo ay gusto ko na talagang patulan si Hanna kanina.





Nag iwas ako ng tingin ng pumungay ang mga mata nya. Naramdaman ko ang haplos nya sa braso ko.






"Masakit pa ba?" Malambing na tanong nya.




Napapikit ako sa sobrang banayad ng mga haplos nya. Para akong hihimatayin.





"H-Hindi na." Sagot ko.






Sa simpleng haplos nya ay parang nababaliw na ako. Hindi ko akalain na ganito katindi ang magiging epekto nya sa akin.







"N-Nagugutom ka na ba?" tanong ko.





Tumango sya.







"Kain na tayo?"





Ngumiti ako at naglakad na patungo sa kusina. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Gusto ko si Justin noon, pero iba ang nararamdaman ko kay Cade ngayon.







Hindi ko maiwasan ang matakot. Alam kong kaunti nalang at tuluyan na akong mahuhulog sa kaniya. Alam ko 'rin na hindi iyon maganda at ayokong dumating ang araw na masaktan ko sya.






"Ikaw nagluto nito?" Tanong nya nang magsimula na kaming kumain.





"Hindi. Si Nanay Linda nagluto nyan. Galing siya rito kanina." sagot ko.






Tumitig ako sa mukha nya.






Ano kayang mararamdaman mo kapag nalaman mo ang tunay kong pagkatao? Sigurado akong magagalit ka at kamumuhian mo ako.






"Ynna. May gusto ka bang puntahan bukas? Rest day ko kasi tomorrow. Gusto mo bang lumabas tayo? Ilang araw ka nang nakakulong dito. Alam kong naiinip ka na." Nagulat ako sa sinabi nya.





Gusto nya bang mag-date kami?





"Huh? Uh.." nag isip muna ako.





Hindi ako pwedeng magpagala-gala. Kung mabilis akong nakilala ni James noon, marahil mabilis din akong makikilala ng iba pang makakakita sa akin. Lalo na si Daddy.





"Uhm.. Okay lang naman ako. Bakit hindi na lang si H-Hanna ang yayain mo? Sigurado akong matutuwa 'yon." Sabi ko.






Binitiwan nya ang kubyertos na hawak nya at seryosong tumingin sa akin. Naaninag ko ang pagka-irita sa mga mata nya.





"Ikaw ang gusto kong makasama kaya wag mo akong itulak sa iba." seryosong sabi niya.




Napakagat ako sa aking labi.






"U-Uhm. H-Hindi naman sa--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita syang muli.





"Kung ayaw mong lumabas. Mag movie marathon nalang tayo. Bibili ako ng maraming CD's bukas." Pinal na sabi nya.

Love Will Find WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon