Alas otso na ng umaga ako nagising. Nakaamoy ako ng mabango kaya nagtungo ako sa kusina. Naabutan ko si Cade na nakasuot ng apron at nagluluto.
Nakikita ko ang lapad ng likod nya dahil wala syang suot na t-shirt. Pinagsawaan kong pagmasdan ang likuran nya mula sa kinatatayuan ko. Ang ganda ng katawan nya! Ang swerte ng girlfriend ni Cade na nagagawang yakapin ang mala-adonis nyang katawan.
Ano ba yan, Samantha! Nagiging pervert ka na!
Kasalanan 'to ni Cade.
"Goodmorning." Bati niya ng bumaling sa akin.
Bahagya pa akong nagulat. Gosh!
"G-Goodmorning." Lumapit ako at tinignan ang niluluto nya.
"Maupo ka na dyan. Last batch na ng bacon 'to." Sabi nya habang inilalagay ang nalutong bacon sa plato. "Maayos ba ang tulog mo?"
Tinitigan ko ang pasa at sugat sa mukha nya.
"Ayos lang. Ikaw? Maayos ba ang tulog mo?" Tanong ko.
Tumango sya at naupo sa upuan sa harap ko.
"Hindi ko kayang magluto ng may sauce or sabaw. Hanggang fried lang ang kaya ko." Sabi niya.
Ngumiti ako at tinusok ang hotdog gamit ang tinidor.
"Pwede naman kitang turuan ng mga alam ko." Sabi ko nang hindi sya tinitignan.
"Talaga?"
Tumango ako.
"Oo. Anong oras ang pasok mo?" Tanong ko.
"10am then 5pm ang uwi ko. Malapit lang ang office ko dito. Tawagan mo lang ako kung sakaling may problema."
Tumango lamang ako at hindi na muli pang nagsalita.
Matapos namin kumain ay naligo na sya. Ako naman ang naghugas ng mga pinagkainan.
Nang matapos ako ay bumalik ako sa sala at hinintay ang paglabas niya.
Hindi parin mawala ang pangamba sa isip ko. Gusto kong malaman ang nangyari sa kaniya kagabi ngunit alam kong kahit anong pilit ko ay hindi nya iyon sasabihin.
Bumukas ang pinto ng kwarto nya. Suot ang puting longsleeves na itinupi nya hanggang siko at itim na pants ay talagang napaka gwapo nya. Tinitigan ko sya habang naglalakad palapit sa akin. Aminado nako na sobrang attracted talaga ako sa kaniya. Gwapo, matipuno at mabait. Ano pa bang kulang sa kanya? Ang swerte ng babaeng mahal nya.
"Aalis nako, Ynna. Wag kang magbubukas ng pinto hangga't wala ako ha?" Utos nya.
Tumango ako at inihatid sya hanggang pintuan.
--
Nang makaalis si Cade ay bumalik ako sa sala. Binuksan ko ang bulsa ng travel bag ko kung saan naroon ang cellphone ko. In'open ko ito. Ang daming messages and missedcalls. Karamihan ay kay Kuya Steve, Justin, Patricia at Nikki.
Binasa ko ang iba sa mga text nila.
"Are you okay, Sam? Where are you? I'm so worried about you. Please, Call." -Kuya Steve.