( Cade POV )
Hindi ko magawang makatulog dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko. I looked at my wrist watch. Alas dos na ngunit gising parin ang diwa ko. Kinuha ko ang remote upang patayin ang aircon. Bumangon ako at sumilip sa bintana. Ang lakas ng ulan.
Mahimbing na sigurong natutulog si Ynna. Napahawak ako sa aking sintido nang maalala ko ang nangyari kanina. I guess, I really need to break up with Hanna. I didn't love her, though. I actually used her just to get rid of that fucking Leo!
Huminga ako ng malalim ng maalala ko ang itsura ni Ynna kanina. Nakaramdam ako ng galit ng makita ko ang braso nyang dumudugo dahil sa kalmot ni Hanna. Pero ang tanging nagawa ko lang ay ang hilahin si Hanna palayo sa kaniya.
Isang malakas na kulog ang nagpasya sa akin upang tignan siya. Paglabas ko ng pintuan ay agad akong nagtungo sa sala. Hindi ko na inabala ang sarili kong buksan ang ilaw dahil baka magising lang sya.
Lumapit ako sa sofa ngunit wala siya.
"Ynna!?" Tawag ko.
Nagmamadali akong lumapit sa switch upang buksan ang ilaw. Wala nga siya sa sofa. Agad akong nakaramdam ng kaba.
Saan sya pupunta ng ganitong oras?
"Ynna? Ynna?!!"
Nagtungo ako sa bathroom upang icheck kung naroon siya ngunit wala.
Nagmamadali akong bumalik sa kwarto upang kunin ang cellphone at susi ng kotse ko. Shit! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kaniyang hindi maganda.
Kasunod ng malakas na kulog ang isang sigaw na nanggagaling mula sa kusina. Agad akong tumakbo patungo doon. Nakaramdam ako ng kaba ng makita syang isinisiksik ang sarili sa gilid ng ref. Habang ang mukha ay nakasubsob sa mga tuhod nya.
Lumapit ako at lumuhod upang lumevel sa kaniya.
"What are you doing here? Are you okay?"
Nag angat sya ng tingin at kitang kita ko ang takot doon. Dahan dahan syang umiling.
"N-No.." Umiiyak na sabi niya
"May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Natatarantang tanong ko.
"N-Natatakot ako.. N-Natatakot ako Cade."
Dahan dahan ko syang niyakap.
"Sshh.. Calm down, Baby. I'm here! No need to worry. I won't let anything bad happen to you. I promise!"
Lalong humigpit ang yakap nya habang patuloy ang paghikbi. Nang kumalma sya at masiguro kong okay na sya ay inalalayan ko sya patungo sa kwarto.
Hindi mapakali ang mga mata nya habang nakahiga sa kama. Fvck! She's so damn scared!
Nang tumayo ako ay agad nya akong pinigilan. Mahigpit ang kapit nya sa aking kamay.
"D-Don't leave me! Please, d-don't leave."
Bumalik ako sa pagkakaupo bago tumango. Marahan kong hinaplos ang pisngi nya.
"Don't worry.. I'll stay."
--
( Ynna POV )
Nagising akong mahigpit na nakakapit sa kamay ni Cade. Dahan dahan kong binitiwan ang kamay nya at bumangon sa kama.
Huminga ako ng malalim.
Noong bata ako, sa twing matatakot ako ay hinahanap ko si Justin. Kapag nasa tabi ko na sya, giginhawa na ang pakiramdam ko pero nananatili parin ang takot. Ngunit kagabi, nang maramdaman ko ang yakap ni Cade sa akin, nawala lahat ng takot ko. Pakiramdam ko, sobrang safe ako sa mga bisig nya.
Tinitigan ko muna sya bago nagpasyang lumabas. Sigurado akong napuyat sya kakabantay sa akin kaya magluluto nalang muna ako hanggat hinihintay ko syang magising.
Habang hinahango ko ang fried rice sa kawali ay naramdaman ko ang presensya nya mula sa aking likuran. Agad akong humarap at gwapong mukha ni Cade ang sumalubong sa akin.
Nakahalukipkip sya habang nakatingin.
"Kanina ka pa?" Tanong ko.
Umiling sya at ngumiti.
"Maayos ba ang tulog mo?" tanong nya.
"Oo. Salamat."
Nag iwas ako ng tingin ng makita kong sobrang titig na titig sya sakin.
"Uh-- Uhm.. Maupo ka na. Matatapos na 'ko dito.." Sabi ko matapos syang talikuran.
Kinuha ko ang mga kubyertos para sa aming dalawa at sinimulang ayusin sa lamesa. Lalong nanginig ang mga kamay ko nang makita kong titig na titig parin sya. Aksidente kong naibagsak ang kutsara dahil sa pagkataranta. Nagmamadali ko itong pinulot mula sa sahig.
'You lose your confidence just because of him? That's not good, Samantha! Straight your head and put your shit together! Si Cade lang yan!'
Habang pinapagalitan ko ang aking sarili ay narinig kong nagsalita sya.
"Tutulungan na kita." Akmang tatayo na si Cade ngunit mabilis ko syang pinigilan.
"Hindi! Maupo ka lang dyan. Ako na!" Sabi ko at iniayos ang lamesa.
Nang mailapag ko na ang lahat ay naupo na ako sa tapat nya at nagsimula na kaming kumain. Panay ang sulyap nya sa akin at halos kapusin ako ng hininga sa twing ngumingisi sya.
'Oh my.. Bakit ako nagkaka-ganito? Ayoko ng ganito!'
"May naisip ka na bang panoorin? May mga CD ako dyan. Baka sakaling may magustuhan ka." Basag nya sa katahimikan.
Tumango lang ako at hindi na 'rin sya muli pang nagsalita.
--
Nang matapos kaming mag almusal ay nagpresinta si Cade na siya ang maghuhugas ng mga pinag-kainan. Habang hinihintay syang matapos ay pinagsawaan kong tignan ang likuran nya.
Kahit nakatalikod sya ay ang ganda nya paring tignan. Bumaba ang tingin ko sa bandang pwet nya.
'Oh! Duck-butt!'
Hindi ko mapigilan ang matawa sa naisip.
"Why are you laughing?"
'Oh my! Hindi naman malakas ang tawa ko ah?'
"N-Nothing.."
Tumaas ang kilay nya nang tumingin sa akin.
"Are you making fun of me?"
Agad akong umiling.
"No."