Chapter Three - Caught Up

2.8K 120 16
                                    

"So kumusta ang buhay may asawa huh?" Tanong ni Juby.

"Masarap ba?" Tanong ni Pa In. Muntik ko ng maibuga ang ice coffee na iniinom ko sa tanong niya. Sira ulo to.

"Huli ka na Armie!" Sigaw niya.

"Anong kaguluhan ang ngyayari dito?" Tanong ni Daehye kakalabas niya lang ng kwarto niya. Dumalaw kasi ako dito sa condo. Wala naman kasi si Jin-hyung. Jin na yung tawag ko sakanya! Kasi pagkarating namin dito sinundo na siya kaagad ng manager niya kaya ako nalang magisa yung pumunta sa bahay na regalo ng parents niya at dahil bored ako hinanap ko yung videong pinapanood niya sakin. Nandun pala yung mga pangalan nila. Naalala ko nanaman yung sinearch ko nung hinahanap ko yug kantang yun. Haha. Sinearch ko lang naman 'abs ni Jimin' tas buti naman lumitaw yung MV.

"Hey Daehye." Sigaw ko.

"Bat ka nandito?"

"Hindi nako welcome dito?"

"Welcome naman. By the way, nung minsan tinawagan kita asawa mo yung sumagot ikwekwento ko sana sayo yung tungkol dun sa.... Basta! Hahahaha"

"Yan kasing si Daehye nakakainis siya. May nakita siyang gwapong lalaki pagkatapos ng party nung kasal mo. Bee ata yung pangalan." Sabi ni Pa In.

"Oh?"

"Oo tas nagdate na nga sila nung minsan ee. Sinama niya ko kaya nakilala ko si Oppa." Sabi ni Juby.

"Oppa?" Tanong ko.

"Oo. Hehehe. Yung lovelife ko yun." Sagot niya.

"Grabe kayo ah. Tayong dalawa nalang yung walang kalabllayp lablayp,Pa In!"

"Hep hep hep. Meron kaya ako!" Sagot ni Pa In.

"Period?" Tanong ko.

"Gagi! Love life!"

"Meron ka rin? Pwera sa Standee ni L dun sa kwarto mo?"

"Asawa ko nga si L!! Nakilala ko siya dun sa coffee shop malapit dun sa myeongdong."

"Ee.. Grabe kayo! Nawala lang ako saglit nagkalovelife kayo."

"Meron ka naman din ee."

"Eeh~ sino?"

"Si Jin!" Sabay sabay nilang sagot.

"Hindi ko love life yun! By the way, Juby turuan mo kong magluto ah." Magaling kasi magluto si Juby. May gourmet sila ee.

"Bakit?"

"Kasi ano.. Hindi ba ako lang naman magisa sa bahay at sa katapusan pa lang naman kami magstastart ng trabaho ni Pa In. Para lang sana hindi ako mabored."

"Kung sabagay. Sige tara." At tinuruan niya na akong magluto kasi naman nagbasa din ako ng facts about sa BTS at napagalaman ko na ideal type pala ni Jin ang babaeng marunong magluto. Naconcious naman ako. Wala akong alam lutuin ee. Pritong itlog nga hindi ko pa kayang lutuin ee. Tinuruan ako ni Juby na magluto ng KimChi Stew,Beef Brocoli, at Pork Bbq.

"Wow ah. Dami nating ulam." Sabi ni Daehye.

"Oo wag mong hahawakan! Iuuwi ko yan."

"Dyahe. Abnormal ka talaga."

"Kaibigan kita ee. I've stayed long enough. I'll go home now bago ko pa mauwi yung standee ni L kasi wala akong lovelife. Bye girls!" Umuwi na ko sa bahay namin ni Jin. Bakit kaya nakabukas yung mga ilaw? Linabas ko na yung pagkaing nahakot ko. Linabas ko na sa Mustang ko. Pinindot ko na yung code. 1-0-0-4. Bumukas na yung pinto.

"Oh. Nandiyan ka na?" Nakita ko si Jin nasa sala nagbabasa ata ng libro.

"Oo buti umuwi ka?" Tanong ko.

"Teka! Hindi ikaw si Jin! Bakit ka nakasalamin?"

"Ah. Ito? Wala to." Kaagad niyang tinanggal.

"Hep hep hep! Hintayin mo ko!" Sigaw ko. Tumakbo ako sa kusina para ilagay yung pagkain na hinakot ko.

"Bat andaming pagkain?" Sumunod na pala si Hyung sakin.

"Ah... Pumunta kasi ako ng condo ko dati. Tas nagluto kami."

"Oh? Sakto gutom na ko."

"Hep hep hep! Bakit mo tinanggal yung eye glasses mo?"

"Ayoko ng isuot yun. Ang pangit pangit ko pagsuot ko yun ee." Ngayon ko lang narinig na nainsecure lalaking to.

"Ano ka ba! Ang cute mo kaya pag nakasalamin ka!" Tumakbo ako sa sala at kinuha ko yung eye glasses niya. Bumalik ako sa kusina.

"Ito oh! Isuot mo!"

"Ayoko!"

"Dali na!"

"Tawagin mo muna akong Oppa."

"Ayoko nga!"

"Well, Ayoko din."

"Sige na kasi!"

"A.Yo.Ko!"

"Sige na Oppa!" Sinabi ko ng pasigaw na sobrang bilis.

"Anong sabi mo?"

"Narinig mo na hindi ba? Ngayun isuot mo na to!"

"Ulitin mo! Hindi ko naman nafeel ee."

"Hindi mo talaga kailangan ifeel. Ano isusuot mo ba yan oh.. Hindi kita bibigyan ng mga pagkain na dala ko?"

"Arghh! Akin na nga yan!" Wala na siyang choice. Sinuot niya na!

"Kekekekekekekekeke... Ang kyoot mo!" Lumapit ako sakanya tas pilit siyang lumalayo. Hanggang macorner ko siya kasi nasa likuran niya na yung fridge. Linagay ko yung isa kong kamay sa side ng ulo niya.

"A-ano b-bang g-ginagawa mo? U-umalis ka na nga!" I cupped his cheeks. Tas kinurot ko.

"Ang kyoot mo! Hahaha. Flappy ka! Haha. Oppa! Ang cute mo!"

"Hyung! Hyungseo! Nandito na kami!!!"

Nagtinginan kami ni Jin. Parehas kaming nanlaki yung mata.

"Hyung!! Hyungseo!! Asan k--"

PATAY!!! 

~I dedicate this Chapter to URNUNA. She's the author of MARRIED TO BTS' JUNGKOOK. I decided to continue Bullsh*tproof because of her story. More power Miss Author and please update soon. 

VOTE/COMMENT

BULLSH*TPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon