-BLAIRE
Hindi pa nga ako nakakapasok ng may biglang tumama sa ulo ko shit!Ansaket! Sinong unggoy ang gumawa nun sa akin?!Kapal ng mukha.Inis na pumasok agad ako at tska hinanap ang nambato sa akin paglingon ko sa may bandang hulihan nakita ko ang mga kaibigan ko na halatang pinipigilang tumawa.Aba't nagawa pa nila akong pagtripan huh.
Dali dali akong lumapit sa kanila at isa isa silang binatukan aba ano kala nila makakaligtas sila sakin never!!!
"Aray naman Blaire!Bakit kaba nambabatok di naman ako yun."Agad na daing ni Adam.
Hinarap ko naman si Dustin at akmang babatukan ng pinigilan niya ako "A-ko yun B-blaire sorry hehe.peace na"
Langyang mga to Ka lakaking tao takot naman pala mabatukan bakla ata tong mga to.Mas babae pa samin nila Sky eh minsan nga nung naglalakad kami sa labas ng university para kumain may nakasalubong kaming aso aba tong mga to kay bibilis tumakbo sukat ba naman iwanan kami?!taena!nakatikim nga sa akin ng tigisang sipa eh.Buset na mga to!
"Saan kaba galing Andeng?"tanong ni Dustin sakin. Umupo muna ako bago sumagot "Dun sa library,wait nga sila Sky asaan nga pala?"
"Lumabas sila ni Lyn bibili ata."tumango ako bilang sagot tska umupo na.
"Saan kaba talaga galing Blaire?" Tanong ni Adam.
"Dun lang sa library."plain na sagot ko sa kanya.
"Baka naman may pinopormahan ka dun Andeng ha kaya pumunta ka."
",Pinopormahan mo yung Librarian Andeng?!"OA na sabat ni Dustin.
Taenang mga to ginawan pa ako ng tsismis
Maya maya pa ay dumating na yung next prof namin.
"Okay class we will have a long quiz today so be ready."
Ilang minuto lang ng magsimula na ang quiz isa isa hang binigay ni sir ang testpaper.Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasagot ng may pasimpleng kumalabit sa akin hindi narin ako magtataka sino yun for sure yung dalawang mokong lang yun."Psst Blaire."mahinang tawag sa akin ni Adam.Sila kasi ni Dustin ang katabi ko samantalang sila Sky at Lyn ay medyo malayo sa amin kaya ako tuloy kinukulit ng dalawang to!
Hindi ko sila pinansin hmp bahala sila sa buhay nila Mga di nagrereview tapos ako peperwisyuhin.
Natapos ang klase na Lulugo-lugong naglalakad yung dalawang katabi ko hahaha akala nila hah
"Anyare sa inyo ha?"Baling ni Sky sa dalawa.
"Di kasi nakakopya yung mga yan sa akin kaya ganyan itsura"ako na sumagot sa tanong niya
Lihim akong napangiti ng batukan ni Lyn yung Dalawa sa aming apat kasi si Lyn ang strikto lalo na sa pag aaral kaya medyo takot si Dustin at Adam dyan.
Samantalang si Sky at Ako naman ay Sakto lang di katulad ng dalawang yan tamad talaga mag Aral.Pauwi na kami ng may mahagilap akong pamilyar na pigura ng isang babae
Ang lalim shet wushu
Si Sharlot...
Okay I admit nung una ko palang siyang nakita may kakaiba na akong naramdaman sa kanya nung una hindi ko iyon pinapansin kasi nga medyo di maganda ang first meeting namin remember? Nagalit siya sa akin sinungitan pa nga ako eh..
Pero habang tumatagal na nakikita ko siya tas minsan medyo nakakasama ko pa siya kahit saglit lang doon ko na rerealize na gusto ko na pala siya.
I really like her....
Yung simpleng pagsusungit niya ata sa akin ang nagustuhan ko sa kanya eh ang cute niya kasi pag ganun lalo na pag nagsasalubong yung kilay niya.
Doon lang ako nagbalik sa katinuan ko ng may kumalabit sa akin
"Huy nakatulala kana dyan anyare sayo?"Doon ko nalang din napansin na nasa harapan na pala namin su Sharlot nakakahiya!!
"Ha?may sinasabi kaba Lyn? "Thank God di ako nautal sa harap niya
"Kinakausap ka ni Ganda ohh tsk"sabay akbay sa akin ni Adam
"Oo nga naman Andeng nakatulala ka lang dyan eh tulo pa ata laway mo patingin nga "sabay pahid niya kunwari sa akin akala mo naman totoo!
"Shut up Dustin baka gusto mong.."makahulugan ko siyang tiningnan tumahimik naman agad siya may pang blackmail kasi kami ni Adam sa kanya hahaha
"Sabi ko nga tatahimik na eh."sabay taas niya ng kamay na parang sumusko siya see? Ang torpe kasi eh.Pag sa kalokohan ang galing niya pero pag kay Lyn tumitiklop siya.
Yes tama kang nabasa may gusto si Dustin kay Lyn actually matagal na since highschool pa kami pero sadyang dakilang torpe itong kaibigan namin kaya hanggang ngayun hindi pa alam ni Lyn na may gusto sa kanya si Dustin hahaha poor Dustin hihintayin pa ata na may mauna kay Lyn bago gumawa ng paraan eh.
"Ano ba sasabihin mo Sharlot? "Tanong ko sa kanya napapansin ko kasi na kanina pa siya natatawa eh.
"Uhm I just wanna say Thankyou.."sabay ngiti niya sa akin.
Sh*t.Her dimples...
"For what? " syempre magpapanggap ako na cool lang pero deep inside kinakabahan ako noh ikaw kaya pag nasa harapan mo na yung taong gusto mo di ka kakabahan diba ganun din!
"About earlier nakalimutan mo na? Haha " ohh yung pagtulong ko sa kanya sa library kanina ba ang tinutukoy niya?
"Yun lang ba,wala lang yun no biggie!"nginitian ko nalang siya sabay kamot sa batok ko huuu naiilang po ako!!
"Cute... " bulong niya pa akala niya di ko narinig so cute pala ako taena kinikilig ako!!!!
Ehem... narinig naming tikim nung apat may kasama nga pala ako nakalimutan ko HAHAHA.
"Okay na?tapos na ba? Pwede ng umalis Blaire?parang ayaw mo eh."asar ni Sky sa akin na sinangayunan naman nung tatlo
Natawa naman si Sharlot sa kanila samantalang ako di nalang ako kumibo ma bad shot pa ako sa kanya eh mahirap na di pa nga ako umaamin ma busted na agad diba?
Nagpaalam na siya sa amin sinusundan no lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko hindi naman ako nilubayan ng asar ng mga kaibigan ko hanggang sa makauwi na kami pare-pareho....
Magiging akin ka din Sharlot hindi man ngaun pero dadating tayo doon...
Soon.

YOU ARE READING
Pain in Loving You
Teen FictionNaranasan mo na bang magmagmahal ng taong paulit-ulit ka naman na sinasaktan? Paano kapag hindi ka niya kayang ipaglaban sa iba kahit sa sarili niyang pamilya samantlang ikaw you are willing to do everything for that person because you really do lov...