-Chapter 12-

55 0 1
                                        

-Sharlot-

"Salamat sa paghatid Matt ingat ka!"paalam ko sabay kaway sa nakaawang niyang pang bintana

"No biggie couz Goodnight send my regards kela tito bye!" Pinaandar niya yung sasakyan niya bumusina pa siya bago umalis.

That's my cousin Matt we accidentally met at the mall kanina habang kasama ko si Mariel bibili sana kami ng gagamitin niya para sa major niya kaso wala kaming nakita kaya naman we decided na maglibot nalang tutal nandun na kami and sakto naman na nandun si Matt kaya naman sumama nalang siya samin ni Mariel na gwapuhan pa ang gaga.

Hindi ko makalimutan yung kanina We accidentally saw Blaire kasama ang mga kaibigan niya sa isang ice cream parlor.Its been two weeks simula nung napagpasyahan kong iwasan siya kahit sa mga text or tawag hindi ko siya pinansin simula nung inamin niya na mahal niya daw ako dun nagsimula yung pagiwas ko sa kanya.

Aaminin ko namimiss ko siya yung mga ginagawa niya for me sobrang namimiss ko yun ang hirap pala kapag nasanay ka sa isang bagay tapos bigla nalang mawawala kahit naman ako yung may kasalanan syempre namimiss ko siya.

Nung nag confessed siya may iba akong naramdaman hindi ko mapaliwanag para bang gusto kong tumugon sa kanya pero may pumipigil ang weird lang nitong nararamadaman ko.

Siguro kasi bago pa para sakin tong mga nangyayari hindi naman ako against sa mga ganung relationship pero parang kapag sakin na hindi ko alam kung anong mangyayari.

Kinabukasan sobrang inaantok ako paano ba naman kasi hanggang sa pagtulog ko kagabi kung nakatulog nga ba ako eh si Blaire ang nasa isip ko.Hindi ko alam kung bakit lahat ng nangyari sa amin pati nadin yung nangyari kahapon naalala ko lalo na yung paano siya tumingin sa amin ni Matt hindi ko makalimutan.

Yung mga tingin niyang alam mo na may pinapahiwatig yung bang bawat titig niya sakin parang may kung ano akong nararamdaman ewan ko ba hindi ko maexplain!

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung pain na nafefeel niya lalo na at ako ang dahilan pero anong magagawa ko?hindi ko naman siya mahal at isa pa straight ako.

Ows. Talaga ba?

Naman! Straight ako!

Papasok nalang ako kesa kung ano-ano naiisip ko dito naisstress lang ako.Buti nalang tanghali pa first class ko kaya okay lang kahit magmabagal ako.

Papunta na sana ako sa room ko ng sa di inaasahan may bumunggo sakin dahilan upang malaglag yung mga libro ko. Inis kong pinulot ito syempre di mawawala yung pag rereklamo ko bwisit lang.

"Naman! nakita ng may tao sa harap my God abala ka pa saki-"di ko na natuloy sasabihin ko nung makita ko kung sino ang naka bunggo sakin.

Blaire..

Bakit sa lahat ng mababangga ako siya pa... Yung taong pilit kong iniiwasan hay.

"I'm sorry...." Hingi nya ng paumanhin sakin.

Shet.. bakit kinakabahan ako!

"S-ge goodbye na..."

Mukhang may sasabihin pa sana siya yun nga lang umalis nako agad nakaka bastos man yung ginawa ko wala nakong pakialam kasi di ko kayang nakikita or makakasama siya ng matagal may iba kasi akong nafefeel sa sarili ko hindi ko maintindihan.

"Sharlot!"

Hanggang kelan ko kaya siya iiwasan?

"Sharlot!"

Ano ba tong nararamdaman ko...

Pak!

"Siraulo ka Mariell bakit mo ako binatukan?!"bwisit talaga tong bestfriend ko kahit kelan batukan ba naman ako hayup nato!

"Sorna bes nakatulala ka kasi eh. May problema ka ba?" Tanong nya sakin

Sasabihin ko ba? baka pagtawanan lang ako nito eh. Knowing her bully to.

Fine. Sasabihin ko na bestfriend ko naman si Mariel eh

"Bes kasi...ano....pano ba to..." Saan ko ba sisimulan shet!

"Bes tara sa canteen gutom nako" pagpigil niya sa sakin. Letse timawa nga pala to bwisit! Wala nakong nagawa kundi sumunod sa kanya alam kong makulit tong bruha na to eh.umorder muna kami ng makakain at tska naghanap ng bakanteng table.

"Ano ba problema mo bes?"agad na tanong nya pagkaupo palang naming dalawa.

"Iniiwasan ko kasi bes si Blaire eh." Simula ko sa kwento ko kay Mariel.

"Oo nga noh bes parang iniiwasan mo siya di na kayo magkasama eh bakit?"

Hindi nya nahalata?God sumasakit ulo ko sa kanya!  Napapaisip nalang ako kung bestfriend ko ba talaga tong bruha na'to o slow lang talaga siya .

Anyway itutuloy ko na..

"She confessed bes. Sabi nya mahal nya daw ako higit pa sa kaibigan."

"Talaga bes?ehhhhhh anong sabi mo sali tuloy moooo!" Parang kinikilig pa to?

"Sabi ko gusto ko din sya pero bilang kaibigan lang hanggang dun lang kako"

Sumenyas siya na ituloy ko lang yung kwento ko.

"Ayun bes two weeks ko na siyang iniiwasan."

"Bakit mo naman siya iniiwasan?"tanong niya.

"Hindi ko alam bes... Naiilang siguro ako sa kanya kasi straight ako at masasaktan ko lang siya lalo pag lumapit pa ako." Siguro nga ito yung nararamdaman ko ayoko lang siyang masaktan tama lang yung desisyon kong iwasan sya...

Hayyyy

_______________________________
Nakapag update din!

Pain in Loving YouWhere stories live. Discover now