-BLAIRE-----------
Saktong malapit na ako sa may gate namin ng mapansin agad ako ng isa sa mga guards sa bahay kaya agad niya akong pinagbuksan nag thank you muna ako kay manong bago tuluyan ng umalis pababa na ako ng masalubong ko si mommy kasama si daddy mukhang lalabas ata sila
"Saan kayo pupunta ma?"agad na tanong ko sabay halik sa kanilang dalawa."Maglalakad lakad lang anak kakatapos lang namin mag dinner ikaw kumain kana ba hm?"si daddy ang sumagot sakin.
"Why are you late Blaire?Saan ka galing?"tanong ni dad habang naka akbay naman siya kay mommy. "It's pass 7 pm na huh."gatong naman ni mom sa kanya."Lumabas lang po dad kasama ko naman sila Drake don't worry."sasagot pa sana sila pero inunahan ko na saka nagpaalam na papasok na nakita ko naman na iiling-iling lang sila sakin.
Hindi na ako kakain busog naman na ako eh kaya dumeretso na ako sa kwarto ko.After ko magbihis humiga na agad ako tsaka ko kinuha yung phone ko at naisipang mag bukas ng fb.
Busy ako mag scroll ng mga post mula sa mga friends ko ng may mahagip ako dahilan para mapahinto ako.May ni-like kasi si Lyn na post na syang dahilan para mapansin ko iyon.
Friend pala niya si Sharlot? Bakit di ko Alam.Nakita ko naman na nagpalit siya ng profile ang ganda niya talaga shems
Sinimulan kong istalk ang fb niya medyo mahilig siya magpost ng pictures huh.Hindi namang sinasadya na napindot ko yung Add friend
.
.
.
.
.
.
.
.
At potek! Napindot!shemay naman talaga ohh!!! No choice nako neto kundi hayaan nalang na ganon.Nakakahiya naman oh!!!Maya-maya lang eh tumunog yung notif ko pagtingin ko nakalagay
Sharlot Fortalejo accepted your friend request.
Ayon! Hahaha.
Active siya messege ko kaya? Bahala na pakapalan na ng mukha to!
Makapal naman talaga mukha mo.
Shut up!
You: Psst...
Magrereplay kaya siya?baka nga isnob lang ako neto eh masungit eh! Hahaha.
Hinayaan ko na lang nagpatuloy nalang ako sa pag scroll ng fb ko ng biglang tumunog nanaman Ito this time galing sa messenger koSharlot: Hey! Ikaw pala! :)
Unfairness may smiley si ate hahaha.
You: Ganda mo naman po Miss ;-) hmp..
After mga 5 minutes siguro nag replay na siya
Sharlot: binobalo moko! Hmp.
Hanggang sa nagtuloy tuloy na pag uusap namin pagkatapos nga ay kinuha ko ang no. niya siempre makakalimutan ko ba yon mag-aaral pa daw kasi siya.Kaya after naming magusap nagpasya na akong matulog na, but syempre iba ngayon ngiting-ngiti akong matutulog Haha.
-----+-----+-----+-----+-----+-----+-----+
Kinabukasan maaga ako nagising hindi na kasi ako makatulog kaya I decided na mag jogging nalang tutal Saturday naman walang pasok.Pagbaba ko nagpaalam lang ako sa mga maids tutal tulog pa naman sina mama niyan sinabi ko nalang na sabihin nalang na umalis lang ako saglit at babalik din mamayang breakfast.
Huminto muna ako saglit sa may park para maupo saglit nang mapansin kong wala pala akong dalang tubig Tatayo na sana ako ng may humarang na bottled water sa mukha ko
Bastusan lang?
Pag angat ko isang ngiting-ngiti na babae ang bumungad sakin medyo nagulat pa nga ako kasi Hindi ko naman siya kilala tapos nakangiti siya sakin? Muntanga lang teh!
"Take this"sabay abot sa akin ng bottled water na hawak niya.Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka"Don't worry safe yan"
Kinuha ko nalang sa kanya yung tubig tska nagpasalamat tumango lang siya sabay naman akong tinabihan.
Maganda siya tska maputi yung dating niya pang model eh,matangkad din siya yun nga lang mas matangkad ako sa kanya.I think hanggang baba ko lang siya .
"Done checking me out? "Naka ngising sabi niya sakin
"Uy Hindi naman ahh.kapal neto!"
"Tinatanong ko kung ano pangalan mo di ka naman kumikibo eh." Arte niya sa akin.
"Blaire."simpleng sagot ko sa kanya.
"hm,nice name huh" puri niya sa pangalan ko.
"How about you?what's your name?"balik na tanong ko naman sa kanya.
Ngumiti naman siya bago sumagot"I'm Trixie." Napansin ko naman na pinaglalaruan niya yung mga daliri niya habang sumasagot siya kanina
Baka mannerism niya na yun?
"Nice to meet you Trix--" do ko pa natatapos yung sinasabi ko ng tumunog bigla yung phone ko agad ko iyong kinuha at tiningnan yung tumatawag so mommy pala ang tumatawag sakin.
Nagpaalam lang ako saglit kay Trixie bago sinagot yung telepono ko.
"Hello mom pauwi napo" sabi ko sa kanya
"Saan kaba ha Blaire malapit ng magbreakfast umuwi kana!"
Hala beastmode si mother hahaha.
"Pauwi napo eto na po aalis na"agad na sagot ko nalang sa kanya.
"Sige na I'll hung up na ingat ka pauwi hm?love you "
"Love you too po Sige na mom bye! "Agad na pinatay ko na yung phone ko.
Bumalik agad ako kay Trixie at Nagpaalam na aalis nako
"Bye,I hope this won't be the last time I will see you Blaire."sabi niya sakin bago ako umalis tumango ako tska nagpasalamat sa kanya.
Pag uwi ko ng bahay nadatnan ko na ang parents ko sa lamesa ako nalang pala talaga ang kulang.
After kumain Nagpaalam nako na mamahinga lang saglit at maliligo pagkatapos pumayag naman ang mga magulang ko bago ako maka alis sinabihan pako ni Dad na isasama daw niya ako next week sa Batangas para daw medyo mahasa nako sa negosyo namin tutal ako naman daw magmamana non someday
Hindi nako umaangal pa nakita ko naman ang tuwa sa mga labi ni Dad ganun din naman si Mom.
Humalik na muna ako sa kanilang dalawa bago dumeretso na sa kwarto, napag isip ko na matulog nalang maghapon kesa naman gumala ng weekend tutal may pasok nanaman sa Monday maiisstress nanaman ako panigurado hindi lang sa pag aaral kundi sa mga kaibigan ko kamo.
Makita ko nga lang mga yun sumasakit na uli ko lalo na yung tatlong pugo jusko!
Pagkatapos ko maligo siempre marunong naman ako pakialaman yung mga notes ko kaya nagbasa-basa muna ako Hindi.naman kasi ako tamad pagdating sa pag aaral sadyang ayoko lang talaga minsan nagbabasa eh
Umabot din siguro ng mga isang or as mahigit bago ko naisipan na lumubay na at nagpasyang matulog na.
---------
Keep reading thanks!!!! Muahh

YOU ARE READING
Pain in Loving You
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magmagmahal ng taong paulit-ulit ka naman na sinasaktan? Paano kapag hindi ka niya kayang ipaglaban sa iba kahit sa sarili niyang pamilya samantlang ikaw you are willing to do everything for that person because you really do lov...