-SHARLOT-
ARAW ng linggo, I woke up early para magkapagsimba ng maaga after kong gawin lahat ng morning routine ko ay umalis na ako isinama ko na si Nay Merly magsimba tutal naman ako lang mag-isa sa bahay
tska magpapasama nadin ako sa kanya pumunta ng mall after ng misa.
Medyo napaaga ata kami ng dating kasi medyo konti palang yung tao sa simbahan pero okay din naman iyon bakit?kasi makakapili pa kami ng magandang pwesto.
Wala pa si father kaya naman medyo naiinip ako palinga-linga lang naman ako na tila ba may hinahanap.
Paglingon ko sa may pintuan nagulat pa ako ng makita ko si Blaire na papasok ng simbahan may kasama siya baka family niya.
Dito din pala siya nagsisimba?bakit ngayun ko lang nalaman? Wahhhh!
Papaupo na sila ng makita niya ako nginitian niya lang ako tska pasimpleng kumaway sa gawi ko sakto namang dumating si father kaya nagstart na ang misa.
----------------------
MAG tatanghalian na ng makauwi kami ng mansyon nagpaalam lang muna ako na magpapalit muna ng damit bumaba din naman ako pagkatapos
After kong maglunch I decided na pumunta muna sa may garden wala naman na kasi akong gagawin halos natapos ko na kahapon kaya naman marami akong time para magpahinga.
Busy akong nagbabasa ng tumunog yung phone ko may nagtext
Napakunot noo naman ako number lang kasi hindi naman nagpakilala.
090675-----
Sharlot right???
Weird bakit niya ako kilala?
Me:
Who's this?
090675-----
Blaire. Sorry nakalimutan ko magpakilala hahaha
Saan naman niya nakuha number ko? Magrereplay na sana ako ng magtext siya ulit.
090675-----
Sa friend mo,If I'm not mistaken Mariel ang name niya.
Siraulo talaga yun pinamimigay number ko di manlang nagpaalam!
Tinananong ko kung saan niya nakita si Mariel at ayun nga aksidente lang daw na nagkita sila sa mall at ayun nga medyo nagusap sila hanggang sa hiningi niya daw nga number ko.
Maghapon lang kaming nagkwentuhan ni Blaire hanggang sa matutulog na nga lang magkausap padin kami eh.Nakakatuwa siyang kausap actually medyo may alam na nga ako sa kanya.Hindi ko alam kung bakit angsaya saya ko kapag kausap ko siya hindi ko alam ,ngaun ko lang naman naramdaman to.
Break namin ngayon at sakto naman na pinalabas kami agad medyo gutom na kasi ako kaya dumeretso kami kaagad sa canteen para bumili.Mahaba pa namam ang oras mayroon pa kasi kaming dalawang oras na vacant kaya napagpasyahan namin na tumambay nalang muna sa canteen.
Doon lang ako bumalik sa ulirat nang kalabitin ako ni Mariel"psst!si Blaire oh kinakawayan ka"turo niya kay Blaire na ngiting-ngiti at patuloy padin sa pagkaway sa gawi namin.
Hindi ko maiwasang humanga sa kanya lalo na ngayon,aaminin ko ang hot niya sa suot niyang jersey habang may bitbit na bag sa balikat niya
Bagay na bagay sa kanya kaya hindi maiiwasang maraming humanga sa kanya mapa lalake man o babae halatang may gusto sa kanya lingid din naman sa kaalam ng lahat na bisexual siya kaya siguro ganoon na lamang nilang ipakita yung feelings nila sa kanya.
Hindi din naman ako against sa mga ganun wala naman kasi akong karapatan na humusga ng iba dahil tao lang naman din ako diba?tska kung doon naman sila masaya eh.
"Break time niyo na?"tanong niya samin sabay upo sa katapat naming upuan habang umiimom ng tubig.
"May practice kayo Blaire? "Tanong ni Mariel sa kanya.
"Meron humingi lang ako ng water break kaya lumabas ako.Tska nakakapagod kaya."sabi niya sabay tawa.
"Anong oras next class mo?"narinig kong tanong niya teka,para sakin ba yung tanong niya?
"M-mamaya pang 2pm."ngumiti naman ng nakaloloko si Mariel sabay palipat-lipat na tumitingin samin ni Blaire
Pinandilatan ko lang siya buti nalang tumigil na kaaasar samin!Hindi din naman nagtagal nagpaalam na si Blaire samin na babalik na siya sa gym baka daw kasi hinahanap na siya ng couch nila siya pa naman daw ang team captain.
Pagkaalis ni Blaire kinurot ko nga sa tagiliran yung katabi ko buset nato!
"Hoy umayos ka may kasalanan kapa saking babae ka!"
"Aray naman bes,wala naman akong ginagawa ahh grabe to!"dispensa niya habang hinihimas yung nasaktang tagiliran kunwari patong babaeng to! Hmp!
"Kunwari kapa dyan Binigay mo lang naman number ko kay Blaire di ka manlang nag paalam!"pagsusungit ko sa kanya
"Sorry na bes hehe.piece! "Sabay piece sign niya sakin pasalamat lang talaga siya at bestfriend ko siya naku!
"Tara bes nuod nalang tayo ng practice ng basketball girls"aya niya sakin magsasalita pa sana ako ng hilahin niya ko papuntang gym.
Hanggang sa pagupo hinila niya ako napili niyang maupo sa bandang gitna kung saan medyo magandang pwesto para sa panonood ng game.
Saktong pag upo namin ay lumabas na ang mga players kasama si Blaire syempre hindi pa nga nagsisimula yung laro eh maingay na sa loob ng gym kasisigaw nung mga studyante karamihan ay mga babae kapansin-pansin na mas maraming nag checheer para kay Blaire.
"Grabe bes daming fans ni Blaire oh."makikita mo sa mukha ni Mariel yung pagka mangha,tumango nalang ako sa kanya.
Naguumpisa na yung game nila agad namang nagpakitang gilas si Blaire since siya yung team captain at kasali pa siya sa first six nila.
Lalong umingay sa gym ng maka 3 points agad si Blaire,hindi naman kataka-taka eh bukod kasi sa sikat siya ay kilala pa siyang MVP pagdating sa larangan ng basketball kahit nga daw sa ibang bansa ay varsity siya at dala dala padin niya iyon maging dito sa school nila.
Mabilis natapos ang oras ganun din yung game nila Blaire hindi na nakakabigla na panalo yung team niya halos magagaling sila eh.
Saglit akong tumingin sa orasan ko 15 minutes nalang pala bago ang next class ko inaya ko na tong katabi ko mukha kasing walang balak pumasok eh tsk kaya walang natututunan to eh puro bulakbol laman ng utak.
"Hoy tara na Mariel late na tayo!"hila ko sa kanya sabay Alis pa labas sa loob ng gym.Sabay na kaming umalis papunta sa next class namin.
----------------------------------------------

YOU ARE READING
Pain in Loving You
Teen FictionNaranasan mo na bang magmagmahal ng taong paulit-ulit ka naman na sinasaktan? Paano kapag hindi ka niya kayang ipaglaban sa iba kahit sa sarili niyang pamilya samantlang ikaw you are willing to do everything for that person because you really do lov...