-Blaire-
-------
2 weeks...
2 weeks na akong hindi pinapansin ni Sharlot dalawang linggo na niya akong iniiwasan.Kahit nga tingnan ako hindi niya magawa eh ang mahalin pa kaya ako?
Hay..
Humuhugot nanaman ako kainis!
Kahit na nagkakasama namin silang magbestfriend minsan kapag break na nahahalata ko na iniiwasan niya ako.Tinetext ko hindi naman nagrereply,tinatawagan ko di sinasagot minsan pa nga pinapatay pa niya.Talagang iniiwasan niya ako.
Dahil ba yun sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman yung feelings ko wah?dapat pala hindi ko na sinabi eh edi sana okay kami ngayon.
Papikit na sana ako ng marinig kong tumunog yung phone ko nagtext lang pala si Drake
From: Drake
Blaireeey Saan ka? .
Puff.Parang bakla talaga toh.
Magrereply na sana ako ng may naramdaman akong tumabi sakin.Nakahiga kasi ako sa court ako lang magisa ang nandito since wala na kaming klase napagpasyahan ko na magpunta dito para mag practice saglit ng makalimot manlang kahit ngayun lang
Char. Kala mong ganun lang kadali
Sino pa ba?ade si Drake nyetang to pupunta din pala magtetext pa! -.-
"Napadpad ka dito? "Tanong ko sa katabi ko na nakahiga nadin sa court katabi ko
"Na bobored nako eeeh kaya nilayasan ko muna yung tatlo pinagtutulungan lang nila ako hmp!"
Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya panigurado binubully nanaman siya nung tatlo kaya ako naman ang bubwisitin into.
"Ako naman guguluhin mo Drake nako tumigil ka nga!kita mong nag iisa ako dito tapos dito ka pupunta"reklamo ko sa kanya nag pout lang siya
"Tigilan mo nga yan masagwa oy!bakla kaba huh?umamin ka nga."biro ko sa kanya.
"G*go anung bakla?! "
"Di kana mabiro! "
"Anyway kaya nandito ako aayain sana kitang pumunta sa mall mamaya."
Mall? may ano?
"Ano gagawin natin dun?"
"Nukaba birthday ni mama sa sat diba?"
Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya oo nga pala birthday ni tita Rina sa Saturday.
"Nakalimutan mo noh tsk sumbong kita kay mama "tila nagtatampong sabi niya sa akin
"Tado arte mo!"akmang babatukan ko na siya ng tumayo siya
"Tara na alis tayo wala naman ng klase eh maligo kana wait kita dali mo baho mo na!"
Biro niya pa bago ako pumunta sa may shower room dito sa gym.
After lang ng 10 minutes umalis nadin kami ni Drake dinaanan nadin namin sila Adam biniro pa nga ako na kailangan ko daw to para malibang naman ako ng makalimutan ko naman daw yung nangyari sakin,niloloko pa nga ako na busted nadaw ako.
Busted agad?
Nanligaw naba ako?Hindi pa naman wah!So meaning hindi pa!
Wow taas ng fighting spirit natin ha!
---------------
Kanina pa kami nagiikot dito sa mall wala pading nakikitang regalo tong si Drake sa mama niya samantalang kami eh tapos na.
"Hoy wala ka pa din bang mapili?kanina pa tayo dito ha jusko!"reklamo ko sa kanya sumangayon naman sakin yung tatlo
"Oo nga naikot na natin halos lahat wala kapa ding makita!"reklamo ni Sky sa kanya wala naman siyang nagawa kundi makamot ng ulo.
"Sorry na guys Ang hirap mamili eh!"katwiran niya sabay bahagyang pumadyak pa.
"Gusto ko ng ice cream guys Tara!"pangaaya ni Lyn sa amin sumunod na kami tutal kanina pa naman kami dito.
Hindi naman kami natagalan sa pagorder at nakaupo kami agad medyo nalilibang nga ako bukod sa masarap yung flavor nito favorite ko pa doon lang ako natigilan ng kalabitin ako ni Sky pagharap ko sa kanya nagtatakang tingin naman ang ipinukol ko sa kanya Hindi siya kumibo pero may itinuro siya na direksyon paglingon ko hindi ko inaasahang tao ang makikita ko
Sharlot..
Hindi siya nagiisa may kasama siyang lalake.Sino tong g*gong to kung maka akbay kay Sharlot akala mong boyfriend!
Hindi ko naman maiiwasan ang hindi magselos sa kanila malamang kahit naman hindi Kami eh Mahal ko naman siya kaya okay lang naman na magselos.Kaso hindi niya ako gusto..ang sakit lang!
Medyo nagulat pa ata siya ng makita din ako dito pero napalitan din ng coldness yung expression niya paktapos.
Hindi niya alintana yung presensya ko at nagtuloy-tuloy sila papasok sa loob at Talagang sa katabi pa naming table sila umupo na dalawa
Shit lang talaga
At dito pa talaga sa harapan namin maglalandian may pabulong-bulong pang nalalaman yung dalawa nato!
"Hinay lang Blaire napaghahalata ka eh"Bulong ni Adam sakin.
Nawalan ako ng gana kumain parang pumait ata yung kinakain ko.
Sus Bitter!
"Lets go guys"pang aaya ko sa kanila Hindi naman sila nagreklamo o nagtanong pa instead tumayo nadin silang apat at sinundan ako.
Hindi ko maiwasan yung pagtulo ng luha ko kahit anong pigil ko ayaw makisama nung katawan ko mas nangingibabaw yung nararamdaman ko kesa dito sa utak ko.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko pag harap ko mukha ng mga kaibigan ko ang nakita ko
Mukha ng may pag aalala"Shh Its okay Blaire nandito lang kami para sayo di ka namin iiwan hm "pag aalo ni Lyn sakin sabay yakap ng mahigpit sakin.
"Lyn's right Andeng."Nakiyakap nadin si Sky samin matamang lang naman na nakatingin yung dalawa samin.
Ako na ang kumalas feeling ko kasi ang drama na namin eh nakakahiya na.
"Kung gusto mo naman Blaire mag bar nalang tayo mamaya "bulong no Drake sakin sabay akbay pa nakatanggap naman siya ng batok kay Lyn mukhang narinig nila yung sinabi nito.
"Tse! Lubayan nyo yang si Blaire ha sinasabi ko sainyo wag niyo ngang igaya sa inyo yan matino yan di yan babaero Noh!" Sabay akay sakin ni Sky papunta sa kotse ko sakin kasi siya sumabay tinatamad daw siyang magdala ng kotse.Tatawa-tawang sumunod lang yung tatlo sabay sabay na kaming umalis sa mall
Hay...
Ilang minuto nakong paikot-ikot sa veranda ng kwarto ko hindi ako makatulog hanggang ngayon kasi naiisip ko yung nakita ko kanina paano ko matatahimik neto?
May pasok pa naman bukas at may training din kami kaya kahit hirap akong makatulog humiga na ako at tska dali-daling ipinikit ang mata ko
Goodluck sakin bukas....
----------------------
/finally tapos na hahaha
YOU ARE READING
Pain in Loving You
Teen FictionNaranasan mo na bang magmagmahal ng taong paulit-ulit ka naman na sinasaktan? Paano kapag hindi ka niya kayang ipaglaban sa iba kahit sa sarili niyang pamilya samantlang ikaw you are willing to do everything for that person because you really do lov...