♥5

65 3 0
                                    

Holly’s POV

Wahhh. Kainis talaga tong si Kelvin! Argg. >.< Naguguluhan ba kayo? Pano ba naman kasi………………….

*Flashback

Kagabi paguwi ko mga bandang 4:30 pm, sabi ni mama magbihis daw ako kasi may dadating na bisita. Dito daw magdidinner. Tinanong ko si mama kung ano ang isusuot ko, sabi niya magcasual dress nalang ako. Kaya natulog muna ako at nagalarm ng 6:00 pm kasi 8:00 pa daw dadating mga yun e.

Nung 6 pm na, naligo na ako. Tapos nagbihis. Nung bandang 8:00 na, dumating nayung bisita at sina Kelvin yon. Argggh. Badtrip.

“Hi Holly!” Bati niya sakin kaya nagsmile ako sa kanya.

Binati ko yung mga parents niya tapos sabay sabay kaming nagdinner. Kasama din nila yung nakababatang kapatid na lalaki ni Kelvin na si Kai. Parang baby Kelvin lang e. Parang Xerox copy.

 Habang kumakain …

“Nga pala, Holly. May bisuness trip kami nina tita at tito mo. Kasama si daddy. Iiwan namin sa inyo si Kai, ha?” Mom

“What?! Uhmm. I mean, pwedeng ako nalang po mommy?”

“Hindi. Anung gusto mo hayaan naming kayo ni Kai mag isa sa bahay?”Dad

Wow sabi ko mom diba? XD

“E yung mga maids po dad?”

“Nakaleave sila baby e. Kaya kailangan dito din si Kelvin. Tsaka sa kabilang kwarto naman siya matutulog e. Ikaw ha? Etchusera you!” Mom

E diba sabi ko dad? Argggh

“Fine.. How long?”

“1 month.” Dad

“What?! Antagal naman po?”

“Kailangan kasi baby e.” Mom

“Okay”

Pagtingin ko kay Kelvin na kasmile siya. What does that mean? >.<

*End of Flashback

Back to reality.

“Bakit?” Tanong ko sa kanya.

“Tumawag si Kai. Uwi na daw tayo..” Kelvin

“E? May klase pa e?”

“Tara na!” Kelvin

“Uhmm.Bye guys!” Kelvin

Napano kaya si Kai? >.<

Pagdating naming sa bahay, nakita naming si Kai na natutulog sa kama ko. Tabi kasi kami. Tsaka 3 years old palang siya kaya walang malisya. At marunong magcellphone. XD

Hinawakan ko yung noo niya at muntikan nakong mapaso kasi ang init niya.

“Wahh. Kelvin! Kuha ka ng gamot. Nilalagnat siya.” Utos ko kay Kelvin

Pagkakuha ng gamot, agad kong ginising si Kai para makainom na siya ng gamot. Pagkatapos non pinatulog ko na ulet siya.

Naligo ako tas pagkalabas ko ng cr, nakita ko si Kelvin na natutulog sa tabi ng kama. Hayy. Ang cute nila. Mapicturan nga. XD

*Click.

“Hoy. Kung mamimicture ka sabihin mo. Hindi yung nagnanakaw ka” Kelvin

Nyekk. Gising pala siya?

“Hindi naman ikaw pinicturan ko. Si Kai kaya.”

“We?”

“Tse. Alis na diyan. Dun ka sa kwarto mo! Chupeee!”

“Oo na nga. Aalis na ako diba?” Kelvin

“Babye!”

Habang pinagmamasdan ko si Kai na natutulog, naiiyak ako kasi parang nakikita ko ang sarili ko sakanya. Tinatawag niya ang mommy niya habang natutulog siya. Ganun kasi ako pag nagkakasakit ako. Never kong naranasan na alagaan ako ni mommy kasi sobrang busy niya sa work.

Kaya simula ngayon, promise ko sa sarili ko na aalagaan ko si Kai hanggang sa umuwi na sina mommy.

*To be continued

Three Words Can Change Everything ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon