Three Words Can Change Everything ♥

454 7 0
                                    

All Rights Reserved

Story of batgirllove

Please don't plagiarize! 

Enjoy.. ^_^

Dedicated to her kasi EXOtic din siya. Wahaha. ^___________^

--------------------------------------------------------

--------------------------------------------------------

Prologue

Lahat ng tao sa mundong ginagalawan natin ngayon ay may iba’t ibang ugali.

May mababait, magalang, masipag, at mauunawaing tao.

Pero syempre may masasama ding tao, mga masusungit, walang galang at batugan.

Lahat ng tao dito ay may sari-sariling pananaw sa buhay at  mga pangarap.

Ang iba ay nagsisikap upang makamit ang kanilang mga pangarap ngunit ang iba naman ay hindi napagkalooban ng pagkakataon na makamit ang kanilang mga pangarap.

Subaybayan ang kwento ng isang babaeng nangangarap na maging isang sikat na fashion designer.

Siya ay si Megan Paige Park, 19. Wala na siyang ibang ginawa sa buhay niya kundi magbasa, maglibot, magshopping, mantrip at mangarap na maging sikat na fashion designer.

Mabait siya pero sa mga kaibigan lang niya ito ipinapakita. Dahil sa kanilang bahay, lagi nalang siyang pinagagalitan ng kanyang tiyahin na si Auntie Betty. Para sa kaniyang auntie, isa siyang pasaway at walang kwentang dalaga.

Ang kanyang mga magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa at may dalawa siyang mga kapatid. Ngunit ang kanyang ate na si Bree ay pumanaw na dahil sa isang aksidente.

Si Bree ay ang kanyang idolo at inspirasyon simula pa ng siya ay bata. Ang ate niya isang sikat na fashion designer kaya gusto niyang sumunod sa mga yapak ng kanyang ate.

Ang kuya naman niyang si Alex Park ay mas matanda sa kanya ng isang taon. Alagang alaga siya ng kuya niya at ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sakanya.  

Si Megan ay kasalukuyang nag aaral ngayon sa Sy Academy kasama ang kanyang kuya at mga kaibigan. Sa paaralang din kayang ito siya makakahanap ng kanyang  

Ka – Ibigan?

Please support my new story!

Bare with me because I’m not a pro writer. But I promise to do my best! ^_^

Thanks for reading!

Three Words Can Change Everything ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon