Flash back
*Last Week
*Megan’s POV
Andito ako ngayon sa park ng kabilang subdivision. Merong gym dun e. Isa yun sa mga tambayan ko nung pagkamatay ni ate. Nakasweatshirt at sweatpants lng ako. Nakahood ako tapos nakamask kaya di nila kita mukha ko. Hindi rin nila pansin na nakamask ako.
“Hoy gago! Tumayo ka nga diyan!” Panget 1. Ngayon ko lang sila nakita ah?
“Pre, weak pala mga players dito e.” Pangit 2 sabay sipa ng lalaki dun sa kinalaban nila.
Kawawa naman. Ganun kasi talaga. Pero 1 on 1 to e? Bat dalawa sila. Ang tahimik pa ng mga tangang nanonood e alam naman nila na wala sa mechanics ng laro yung paglaban ng dalawa sa isa. Hmmmp.
Naglakad ako papunta dun sa court. Naghahanap ata sila ng katapat nila e. Edi kalabanin. Isa tong larong to sa mga favourites ko. Street Basketball.
Nilapitan ko yung binugbog nila. Grabe. Di na naawa.
“Hoy Miss! Ang lakas ng loob mong lumapit diyan ha? Gusto mo bang ikaw naman isunod naming sa kanya? Ha??” Pangit 2
Wadapak. Ang pangit talaga nila. Mukha silang adik. Andami nilang tattoo. Laki nga katawan wala namang abs. Feeling gwapo lang e?
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Inalis ko dun sa court yung kinalaban nila at pinakiusapan ko yung isang lalaki na nanunuod bandang gate na idala siya sa ospital. Inabutan ko na din ng 3k.
Kinuha ko yung bola na puno ng dugo nung lalaki kanina, Kailangan kong magpabili ng isang dosenang alcohol. Hihi. Nagsimula na akong maglakad papunta dun sa mga panget.
“Baa. Antapang mo ha?” Pangit 1
“Alam niyo bang against sa rules dito ang paglaban ng dalawang tao sa isa?” Tanong ko sa kanila ng hindi pinapansin yung tanong sakin nung panget.
“Oo malamang, Sinabi kanina pero di kami nakinig.” Pangit 2
Binaba ko na yung hood ko.
“Diba si Dark Rose yon?”
“Woah.”
“Hala. Magdasal na sila.”
Tignan mo mga to. KAninang may nabubugbog wala silang imik. Nakita lang ako umingay na. Kairita no?
“O? Sikat ka pala ditto miss? Kaya pala hindi kita kilala.” Pangit 1
Anu daw?
“1 on 1 lang pwede dito pero kung gusto niyo kayong dalawa kaya ko naman kayong pagsabayin e.”
“Pre, ikaw nalang. Antok nako.” Pangit 2
