Chapter 3

66 5 0
                                    

"Sigurado ka na ba talaga? Baka naman kasi mainit lang ang ulo ni lolo kaya niya nasabi 'yon. Pwede mo pa naman silang makausap," ani Lyra sa kabilang linya.

Mukhang hindi ko na maaabutan ang pag-uwi niya dahil magsisimula na pala ang klase sa boarding school na aattendan ko. Handang-handa na pati ang uniform ko na para bang matagal na nilang napagplanuhan ang bagay na ito. 

Napapailing na lang ako at hindi na nagkomento pa.

"Hindi na kailangan, Lyra. Ito na rin naman ang gusto ko. I don't want to hear the word stubborn again from grandpa. I'm so tired of it. Susunod na lang ako sa gusto niya," sabi ko. 

I zipped my bag and arranged my travel bag. Unfortunately, the boarding school grandpa was talking about is located in a rainy province. Tiniyak kong marami akong dalang sweater and raincoats in case.

"Pero hindi naman yata makatarungan 'yan. Hindi pa nga tayo nagkikita ulit tapos ilalayo ka pa lalo sa bahay. I'll make sure to visit you. I promise, Ate!"

"Okay, I'll look forward to that. Alam mo namang namimiss na rin kita. Ilang buwan na rin tayong hindi nagkikita."

"I know! Bakit ba naman kasi nangyari 'to?" I can tell by her voice from the other line that she's frowning. Oh, dear!

"Ask that to grandpa, Lyra. Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya lalo na nitong mga nakaraang araw. I barely know him now."

"Kahit naman ako, Ate. Alam kong kahit si papa ay hindi rin alam kung ano ang nasa utak ni lolo. Kaya nga hindi sila magkasundo simula pa lang noong una, 'di ba?"

"Right."

"By the way, I'll tag Devin and Andrea along on my visit. Tawagan na lang tayo para sa date." I smiled with that thought. Alam kong sila na at hindi na ako nagulat. I can see some chemistry between them since the first time I saw them together. Hindi na nakapagtatakang magkasama na talaga sila ngayon.

"That's a good idea. I badly wanted to meet Andrea again. Nevermind Devin." I rolled my eyes because of the guy. I can't really stand guys like him. He seemed weak and fragile. Boys are supposed to be manly but him? Nah-uh. I really hate weak guys.

"Magugulat ka kapag nakita mo siya. He's changed. I don't know what but there's something in him that changed. You just have to see him again, Ate." Natawa na lang ako dahil sa excitement sa tono ng boses niya. She sounds like a kid on Christmas days opening her Christmas presents.

"Okay, okay. I'm gonna hang up now. Papa's here to say something to me. You know him." I said when I saw papa downstairs; looking at me worriedly like I'm going to get married and this is the last time he's going to see me single.

"I know right. Take care of yourself, Ate. Kilala pa naman kita, you trouble seeker." I rolled my eyes again kahit na hindi naman niya nakikita. I'm not really a trouble seeker, trouble just loves me kaya lagi siyang nakadikit sa 'kin. Well, everyone loves me!

"Hi, 'Pa," I greeted him and gave him a hug. 

He hugged me tighter and squeezed me a little. Para talagang ewan si papa kung minsan. Masyado siyang protective pero hindi naman ako nagsisisi. Kung hindi siguro siya protective sa 'kin ay baka hindi ako ganito ngayon. Well, I'm braver than before because of him.

"Mag-iingat ka roon, anak. I'm not there to look after you but I'll make sure to call as often as I can. Don't silent your phone so you can hear my calls, okay?"

"'Pa, I can't do that. Syempre kailangan kong i-off minsan ang phone ko lalo na kapag nasa klase ako." 

Ngumuso naman siya dahil sa sinabi ko kaya natawa ako. 

Suzy AzarconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon