Nagtatawanan kami nang papunta kami sa una naming room. We're classmates! Pare-pareho kaming Grade eleven at pare-parehong STEM ang kinuha namin. I've got to admit na hindi talaga sila mahirap makasama at maka-close. Lahat ng sasabihin ko ay may come back agad sila. Any topic! Nakakatuwang parang ang tagal na naming magkakakilala sa asta namin ngayon.
Our room was located on the fourth floor, which is the last floor. The elevator was a big help, really! Kung walang elevator ay baka wala nang pumapasok sa klase sa floor na ito. Maliban na lang syempre sa mga nasa third floor ang dorms tulad namin.
The room was spacious. Tulad ng sabi ni Mervin, mukha lang talagang maliit ang school pero malawak na siya sa loob. Para akong nasa isang malaking facility kapag nasa loob. May bulletin every room dahil tuwing gatherings ay may mga nabibigyan ng awards tulad ng, 'Most presentable Bulletin, Most Discipline, and Cleanest Classrooms'. Kahit kami ay mayroon para daw mapaghusay pa namin ang arts skills namin at iba pa.
This is quite a nice school... nicer than I thought it was.
"Good morning, class!" masiglang bati sa 'min ng aming guro.
Sa tingin ko ay siya ang magiging adviser namin sa buong school year. Maliit lang siya, maikli ang buhok at may rimmed-eyeglass. Medyo chubby rin siya at kahawig niya si Dora. Mas maputi nga lang siya.
"My name is Sandy Villarosa and you're right, I'm your adviser the whole school year!"
Nakakahawa ang kasiglahan niya ngayong umaga. Mapapangiti ka na lang talaga habang nakatingin sa kaniya. Para siyang isang happy virus. Mukhang magiging masaya ang taon ko.
"Ang iba sa inyo ay magkakakilala na, I assume?"
Tumango naman ang ilan kong kaklase sabay sagot.
"Kung gano'n, magsimula na tayo sa pagbotohan kung sino ang officers," aniya sabay palakpak.
Kumunot ang noo ko dahil unang araw pa lang at ito na agad. Pero ayon sa reaksyon ng iba kong mga kaklase ay normal na ito.
Sa likod kami umupo kahit na gusto ng dalawa sa harap. Sa ganitong paraan kasi ay maoobserbahan ko ang buong klase. Kahit ngayong araw man lang sana.
May mga nakikita akong tahimik lang na nakikinig, may ilang nagkukwentuhan tulad nina Larianne at Gerimhae, ang ilan naman ay pa-cool lang na nakaupo at nakikinig.
"So, any nominations?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong klase. Nang dumako ang tingin niya sa 'kin, para bang nagulat pa siya. "May bago pala tayong kasama, bakit hindi niyo naman sinabi? Miss, pwede ka bang magpakilala? And afterwards ay magpakilala na rin ang lahat sa kaniya."
Confident akong tumayo at naglakad sa harap na para bang wala lang. It looks like magkakakilala na sila at ako na lang ang hindi. Kailangan maalala nila ako bilang kanilang confident and beautiful classmate.
I put my award-winning smile and introduced myself. "My name is Suzy Berry Azarcon, sixteen. I'm from Bournemouth and because of some circumstances, my grandpa sent me here. I hope we'll get along well and let's have a wonderful year ahead of us!"
They all clapped their hands at my mini-speech. Contented with the outcome, I walked back at my seat and gave the two girls a high five. Nakangiti pa rin ako hanggang sa makaupo ako at napansin kong ang ilan sa kanila ay sinundan pa ako ng tingin. I knew it!
"Thanks for a very energetic introduction. Magpapahuli ba ang iba sa inyo? Let's start from you at the first row," aniya sa isang lalaki.
They all introduced themselves pero kaunti lang ang natandaan ko. It's fine, though. Mahaba pa naman ang panahon para mas makilala ko sila.
BINABASA MO ANG
Suzy Azarcon
Lobisomem[SHAPE SHIFTERS BOOK 1 SIDE STORY] Suzanne's the next heir of their family business. She grew up playing with guns and knives, and witnessed gruesome killings done by her grandfather. She thought it was just right. She thought that those werewolves...