Chapter 2

84 5 0
                                    

Suzy

Hinila ko ang kumot ko para mas lalo akong matabunan nito. Napakalamig ng gabi ko ngayon. All I want to do is stay in bed and sleep... but I can't. I can't sleep after all that's just happened a while ago. I can still remember the exact same scene from that time. Nakatatak na ang mga senaryong iyon sa utak ko. Pakiramdam ko ay may trauma pa ako pero hindi pwede iyon. I am a hunter's daughter; I need to get used to that sight.

Kahit na alam ko sa sarili kong ayokong mangyari iyon. Kahit na ayoko talaga sa ideyang maging hunter, wala akong magagawa. I can't let Lyra inherit the business for me because she's still too young for this - younger than me.

I still hate my Grandpa. How could he do that? That's so unreasonable! Bakit niya kailangang pataying ang lobong iyon kung pwede naman namin siyang i-turn down sa nakatataas? I'm sure that they can do something about her. I really don't want to tolerate my Grandpa's selfish act.

Hindi naman pwedeng ang dahilan niya ay dahil ang mga lobo ang pumatay kay mama. For pete's sake, hindi naman lahat ng mga lobo ay kayang gawin iyon sa mga inosenteng tao! They should have known better! 

Kung nandoon kaya kanina si papa ay pipigilan niya si Grandpa? I know that papa loves werewolves kaya nga siya naging hunter. Alam niya kung ano ang pinagka-iba ng ibang mga lobo sa mga killer werewolves. Not all of them are killers! Even rogues have hearts.

I just want to sleep and escape from everything that's happening.

Naitalukbong ko ang kumot ko nang marinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto. I don't want to talk to anyone right now but myself. Ayoko munang kausapin ang kahit sino lalo na si Grandpa. Alam kong kahit na hindi niya ako natitiis minsan ay may limit pa rin iyon. I don't want to know and experience that limit.

"Anak, can papa come in?" tanong ng lalaking kumatok. 

Natanggal ko kaagad ang kumot ko sa pagkakatalukbong at saka tumayo. Tumakbo ako palapit sa pinto upang pagbuksan si papa. I know he would understand me! He knew right away every time I'm having a hard time.

"Papa!" I immediately hugged him. 

Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero niyakap pa rin niya ako pabalik. This is all that matters to me now. Yakap lang ni papa ang kailangan ko ngayon. I know that everything's going to be fine.

"What's wrong? Manang Celestia said that you're not eating anything that she brings here. Is there something wrong?" tanong niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko.

I looked up to him and frown. "I'm not hungry."

Huminga siya nang malalim at saka ako nginitian. "But that's not right. Ayokong mangayayat ka. I know Lyra would scold me when she sees you thin and pale," aniya. 

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Malapit na ring umuwi rito si Lyra. Isang buwan din siyang mananatili before going back to the U.S. for her studies.

"Okay, I'll eat. But I'm just going to eat here in my room."

"Why? Ayaw mo ba kaming makasabay sa ibaba?" tanong ni papa.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "I don't want to see Grandpa right now."

"Why's that? Did he do something wrong?" tanong ni papa.

Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita ko sa kaniya kanina. Alam kong hindi sinabi iyon ni Grandpa sa kaniya kaya hindi niya iyon ino-open sa akin. Papa's against the idea after all; the idea of me being a hunter like them.

"I saw it all, Papa," sabi ko. 

Saglit pa siyang natahimik at kumunot ang noo. Nang ma-realize niya ang ibig kong sabihin ay napamura na lang siya nang mahina.

Suzy AzarconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon