I walked out of the car and looked around. Sinilong naman ako ni Mervin sa payong na dala niya dahil medyo umaambon ngayong umaga. It's bigger than what I imagined. Siguro may nasa apat na palapag din siya.
It's in the color white and pink. There was no gate or fences but instead, trees cover the entire school. Ang tanging daan lang ay ang tinahak namin kanina papunta. Korteng 'U' ang buong school at sobrang lawak ng harapan na pwede ka pang makapaglaro ng baseball sa gitna.
"Hindi mo naman nabanggit na ang lawak pala ng school na 'to," sabi ko. Nagpaalam kami kay Tita dahil one way ang binabaan namin, marami ang nakapila sa likod. Tapos na ang pagpapaalam namin sa loob pa lang ng sasakyan.
"Of course, Sue. This is a boarding school. May school at dorms para sa mga hindi umuuwi sa kanila," sabi niya na para bang obvious na obvious ang bagay na iyon.
"Ewan ko sa 'yo!"
"By the way, buti naman at naisipan mong hindi isuot ang killer shoes mo na 'yon?" aniya habang deretso lang ang tingin.
Napatingin ako sa sapatos ko at napangisi. "Ayoko namang mangyari na naman iyon, natuto na 'ko." Nakakahiya kayang magpapasan! Minsan nakaka-conscious sa weight. Hindi ko tuloy alam kung malakas lang ba talaga siya o sadyang magaan ako kahapon dahil kaunti lang ang nakain ko sa eroplano.
"So, tell me about this school, Abbey boarding school," I demanded. Gusto ko ring ibahin na lang ang topic dahil baka maungkat pa sa pagtatanong ng kung ano ang weight ko.
Nagsimula kaming maglakad sa malawak na field at may mangilan-ngilan na napapatingin sa 'min. It's either kilala nila si Mervin o talagang nagulat lang sila sa kagandahan ko. I won't blame them.
"Abbey boarding school was found by George Abbey, a hockey player from London. He visited our country and when he met different students who love hockey like he does, he started a small school and trained all of them. That was in 1873." He waved at the group of guys who I assumed were his friends but continued to escort me instead.
Siya kasi ang tour guide ko imbis na ang student council president. Tita Merced insisted on this.
"The classrooms are at the middle, male's dorms are at your right side while female's dorms are at the left side," aniya habang tinuturo ang banda ng mga building. "Mukha siyang maliit sa height pero malawak siya sa loob kaya marami ang mga rooms. Ang ilan pa nga ay hindi pa nagagamit."
"You mentioned the founder as a hockey player. Edi ibig sabihin ay may mga hockey players sa school na ito?" tanong ko. I enjoyed playing hockey when I started high school pero hindi natuloy. Wala naman kasing ganoon karaming players ng game sa lugar namin.
"Of course. Isa sa mga dahilan kaya dinadayo at gusto ng ibang players na mag-aral dito. Both female and male hockey have so many players. May scholar din ang ilang star players na naglalaro nito."
Excitement filled my system. Para tuloy gusto ko nang pumasok sa loob at mag-register as a hockey player.
"May iba pa bang sports dito except hockey?" I asked curiously.
Ang lawak naman kasi ng school na ito kaya nakapagtataka kung anu-ano ang mga ginagawa nila. At nakakapanghinayang kung hindi naman nagagamit.
"Not really popular but we have Basketball, Volleyball, Tennis, and Baseball. Sa likod madalas ginaganap sa tuwing nagkakaroon ng sports events."
"Ang lawak ng school pero wala namang masyadong sports events," hindi maiwasang sambit ko.
Sayang naman kasi kung hindi magagamit ang malawak na field sa harap ng school kaya nakakapanghinayang. Ang sarap tuloy taniman na lang ng mga halaman.
BINABASA MO ANG
Suzy Azarcon
Loup-garou[SHAPE SHIFTERS BOOK 1 SIDE STORY] Suzanne's the next heir of their family business. She grew up playing with guns and knives, and witnessed gruesome killings done by her grandfather. She thought it was just right. She thought that those werewolves...