Chapter 3

48 1 0
                                    

_________________

JV'S POV

Dumaan ang ilang linggo. Ganun pa rin naman ang ikot ng mundo sa school. Hindi pa rin nawawala ang pangti-trip sa'kin ni Kim. Hindi na nga nakakatuwa ang mga ginagawa niya eh, Hinahayaan ko na lang, magsasawa rin 'yan.

One time nga nilagyan nya ng bubble gum 'yung upuan ko. Ang hirap kaya tanggalin. Tapos nilagyan pa ng post na "I'm crazy and I know it" 'yung locker ko. Parang bata lang. Tss. -.-

Pero ang totoo, nakakainis na siya! Hindi niya ba talaga ako tatantanan?

Vacant namin.

Mag-isa ako kasi may ginagawa pa si Denise. Naisipan ko na lang mag-aral para sa quiz namin mamaya. Hirap pa naman ako sa Algebra na 'yun.

Edi ayun, lakad lakad ako mag-isa. Nang biglang...

*SPLASH*

O__O

Gahd.

Ano ba 'toh?! Bakit ba nangyayari sa'kn 'to?! For the nth time around pinagtawanan na naman ako ng lahat. Basang-basa ako! Pano na 'to? Anong gagawin ko?!

Whaaa!! Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tangi ko na lang nagawa ay ang tumakbo palayo, kahit na hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Hanggang sa nakarating ako sa rooftop. Doon ako nag-i-iiyak.

Ewan ko, yun na lang ang nagawa ko, ang umiyak! Hindi ko na talaga kasi alam ang gagawin ko eh. Ansama-sama niya!

Hindi ko namalayan na sumunod pala si Kim. Hindi na lang ako tumingin sa kanya.

"Ah, Jenny?" tawag niya. Pssh. Bahala siya! Ano? Pagtitripan na naman niya ako?

"Jenny... " tawag niya ulet. Tapos hinawakan ako sa balikat... nakaupo kasi ako sa may sulok.

"Bitawan mo 'ko!" Inalis ko 'yung kamay niya.

"Uhmm, Okey ka lang?"

"Tss. Lakas din naman ng trip mo noh?! Binuhusan mo ako ng *hik* tubig sa harap ng napakaraming tao, na halos *hik* mamatay ako sa kahihiyan tapos tatanungin mo ako kung okey lang ako?! Ayos ka rin noh!" This time tumayo na ako.

"Ano bang *hik* problema mo sa'kin ha?! Ngayon sabihin mo sa'kin kung pa'no ako papasok sa next class ko? Hindi mo alam kung gaano ko pinapahalagahan ang studies ko! Bakit mo ba 'to kailangang gawin sa'kin? Porke ba *hik* anak ka ng may-ari ng school 'to pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo? Palibhasa wala kang pakialam sa studies mo eh." tinulak ko siya palayo.

"Congratulations. You defeated me. Happy now?"

Oo na, ako na humagulgol sa harap niya. Eh kasi siya eh. Hindi ko na talaga kasi napigilan ang sarili ko. Oo, matapang akong tao. Kaya ko siyang labanan, pero studies ko kasi ang inaalala ko. Ayokong mamiss ang ano mang lecture. Ahuhu. Saka hiyang hiya na ako para sa sarili ko.

"Jenny..." huh, si Niko.

"Niko.."

"Nabalitaan ko nangyari sa'yo, so I've decided to look for you."

"Salamat."

" Halika, let's dry you up. May extra uniform pa sa office." yaya nito.

Maswerte pa rin ako at nakilala ko si Niko. Ang bait niya talaga!

Uwian! (Galit ako! :3 )

"Jenny..."

Hindi ko pinansin. Deretso lang ako sa paglalakad.

"Jenny!" wala pa rin.

"Jenny!!!!!" geez, nakakahiya ang lalaking ito e.

Lumingon na ako. "Bakit ka ba sumusunod?"

LOVE TROUBLE ♥ (update soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon