____________________
Violet's POV
Katabi ko ngayon ang kapatid ko at gusto niya malaman kung bakit ako umiiyak. Well, she's my sister. At sa ngayon siya lang ang malalabasan ko ng sama ng loob.
Niloko lang naman kasi ako ng supposed to be boyfriend ko.
Grabe, hindi ko naman kasi akalaing mala-love at first ako sa lalaking 'yun. Sino ba namang hindi, eh ang gwapo niya kaya. Isa pa, he's very popular sa school. As in, ghad, habol tingin ang lahat ng girls sa kanya.
Isang araw kasama ng kaibigan kong si Jessa ang boyfriend niya at mga kabarkada nito. Noon ko siya unang napansin. Nakausap ko siya, nakakwentuhan, tawanan at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama siya.
Then one time, niyaya niya akong magdinner. At doon niya tinanong sa akin na kung pwede ba siyang manligaw. Um-oo naman ako. Grab the opportunity na 'to 'teh! Tapos 2 weeks lang ang nakalipas sinagot ko na siya kasi gustong gusto ko talaga siya at sobrang saya ko dahil boyfriend ko na ang isang Kim Harrison na isang hearthrob sa school!
Ilang araw ang nakalipas, narinig kong pinaguusapan ako ni Jessa at ng boyfriend niya. At hindi ko ineexpect na makakarinig ako ng ganito... "pustahan lang ang lahat ng 'yun" at sa mismong kaibigan ko pa iyon narinig. Grabe. Ang SAKIT lang. I tried to talk to Kim para malaman ang totoo. Kaso, mas masakit pala 'pag sa kanya na mismo nanggaling. Masyado lang ba akong nagbulag-bulagan at hindi ko napansin na lokohan lang ang lahat?
Pero hindi. Hindi ako makapapayag. Minahal ko na siya, tunay iyon at umaasa akong mayroon na rin siyang pagmamahal sa akin. Pero wala eh. Umasa lang talaga ako sa wala. Di ko siya magawang kalimutan. Hindi ko magawang magalit nang lubusan sa kanya, bakit ganun? Haist. Tapos ngayon umiiyak ako.
JV's POV
"Hi." bati ko sa isang di ko kilalang babae dito sa school. Pumasok na kasi ako at ngayon ang first day ko sa school. "Kilala mo ba si Kim?" tanong ko pa.
"Si Kim? Kim Harrison?" parang gulat niyang tanong, err?
"Ahh, oo sya nga. Nakita mo ba siya?"
"Parang nakita ko siya kanina doon sa 2nd floor malapit sa EE lab." sagot naman nito.
Nagpasalamat na ako at umalis. Maya-maya, napag-isip-isip ko na bago nga lang pala ako dito, at hindi ko alam kung saan 'yung lab na 'yun. Ang laki pa naman nitong school. :3 Balik tuloy ako.
"Uhmm, excuse me, san 'yung lab?" kamot ulo kong tanong muli sa kanya. Buti hindi pa siya nakakaalis. "Bago lang kasi ako dito eh."
"Halika sasamahan na kita." buti naman at mabait ang isang 'to. "Ano bang kailangan mo kay Kim at parang dali-dali ka?" tanong niya.
"May gusto lang akong sabihin sa kanya." sagot ko.
Nang makarating kami sa may tapat ng lab, tinuro niya agad sa'kin si Kim. Pagkakita ko kay Kim, sinugod ko agad siya kahit na kasama niya yung mga barkada niya!
"Ikaw ba si Kim?" sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
"Ako nga, bakit?"
*BOOOGSH*
Guess what? Sinuntok ko lang naman siya ng pagkalakas-lakas, as in yung to the highest level na talaga na kulang na lang e tumilapon ang ulo niya hanggang ground floor! Kaya naman nabigla silang lahat, lalo na 'tong mokong na 'to.
"Sino ka ba ha?! Ano bang ginawa ko sa'yo?!" galit na galit niyang sabi habang hawak hawak ang kaliwang pisngi.
"Eh loko ka pala eh! Bakit mo kailangang lokohin ang ate ko?! Bakit mo kailangang pagpustahan ang mga babae ha?! Bakla ka siguro noh!" lakas loob kong sigaw sa kanya. Pansin ko rin ang pagtitinginan ng iba pang mga estudyante, pero wala pa rin akong pakialam.

BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE ♥ (update soon)
Storie d'amoreBakit ba lagi na lang ang gulo ng pag-ibig? Gusto ka ng isa pero hindi mo siya gusto dahil may gusto kang iba na hindi ka rin naman gusto. Kagulo. Iyan ang buhay ang pag-ibig ni JV. Magulo pero pano niya kaya lalabanan?