__________________________
JV's POV
Hayy.. Anluko talaga nung lalaking yun. Hanggang dito ba naman nakasunod pa siya?!
Ano ba talaga kasi ang pakay niya sakin? Close ba kami? Hindi naman ah. Feelingera. Pakikitulog ang peg niya? Pasalamat siya mabait si Grandma. Eh ano naman pumasok sa utak nun ni Grandma at agad niyang pinatuloy si Kim eh hindi niya naman 'yun kilala. Ni ako nga hindi ko pa yun lubusang kilala tapos nandito siya kasama namin sa loob ng bahay?
PAMBIHIRA.
Panira ng gabi. Makatulog na nga.
________________________
Kim's POV
Nandito ako ngayon sa guest room ng bahay ng Grandma ni Jenny. Maganda siya .. ('yung bahay) at organized ang mga gamit. Parang dalaga lang ang nakatira dito.
Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ko siya sinundan , in fact galit nga siya sa'kin. Yes, naganti ako dahil sa suntok niyang yun. Alam ko naman kasi na palaban siya at malakas ang loob. Pero nakita ko ang other side niya, ang isang babaeng marunong din palang masaktan.
Oo alam ko lahat naman tayo nasasaktan , pero bakit ganun? Parang nung nakita ko siyang umiyak parang gumuho ang mundo ko to think na ako ang may gawa nun. Eh 'yun naman talaga ang plano ko eh. Pero iba ang dating ng mga luha niya sa'kin. .__.
Once, nakita ko siyang kasama ang kaibigan niya, si Denise at si..
Niko. Bakit parang close na sila agad? Madalas niya nga itong ipagtanggol eh, at doon naman ako naiinis. Nakita ko siyang masayang tumatawa, I can see the beauty on her face lalo na 'pag masaya siya. Parang gustong gusto ko lumapit at makisama sa tawanan nila. Madalas kasi si Tom lang ang kasama ko tapos minsan kasama niya pa yung gf niya, OP tuloy ako. Tss.
Naisipan ko na lang na ipagpatuloy ang pang-titrip ko sa kanya kasi ang cute niya 'pag naiinis. Para bang gusto kong mapalapit sa kanya. Kamukha niya kasi yung ex-gf ko. Pareho pa sila ng ugali. Teka. Hindi si Violet ang tinutukoy ko ha?
Nung araw na nabuhusan siya ng tubig, hindi ko naman talaga sinasadya 'yun. Nagkataon lang na nadali ko yung timba ng tubig na gamit nung janitor sa may second floor at sakto namang bumuhos sa kanya. Una natawa ako, pero I decided to follow her. Doon na kasi siya umiyak. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Hanggang sa nasabi ko na lang ang matagal na word ko nang hindi nasasabi sa iba. "sorry". Mahirap kasi para sakin ang pag-aapologize. Parang may kung ano sa salitang "sorry", pero nasabi ko yun sa kanya. Ewan ko ba. Iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. There's something about her na hindi ko maexplain.
At ngayon hindi ko na alam ang balak ko talaga at sinundan ko siya. Bahala na si Batman.
________________________
Kinabukasan....
"Goodmorning po. Nasan po si Jenny?" tanong ko sa Grandma niya. Kagigising ko lang kasi at hindi ko naman alam kung paano ako kikilos dito. Nahihiya din naman ako.
"Si Jenny? Ah.. nandon kila Sam, nagcocompose ng kanta. " sagot nito.
"Nagcocompose po?"
"Oo. Yun ang parati nilang ginagawa dito. Halika mag-almusal ka muna. Napasarap yata ang tulog mo dito. Pagkatapos ay pakitawag na rin si JV."
"Sino po?" Sino daw? JV?
"Si Jenny. Dyan lang sa kabilang bahay."
"Ah, si Jenny.. Sige po :)" lumabas na ako ng bahay nila. Pinuntahan ko agad yung bahay na sinasabi ng Grandma niya.

BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE ♥ (update soon)
RomanceBakit ba lagi na lang ang gulo ng pag-ibig? Gusto ka ng isa pero hindi mo siya gusto dahil may gusto kang iba na hindi ka rin naman gusto. Kagulo. Iyan ang buhay ang pag-ibig ni JV. Magulo pero pano niya kaya lalabanan?