Chapter 9

53 1 0
                                    

JV's POV

"Ahhh!"

Tumakbo palapit sakin si Kim. "Jenny, anong nangyari?"

Sinisipsip ko ang daliri ko. "Hehe, wala 'toh." Nahiwa lang naman ako ng kutsilyo habang naghihiwa ng sibuyas.

"Tsk, sisigaw sigaw ka dyan tapos wala?" lumapit pa siya sa'kin. "Patingin nga." kinukuha niyang pilit ang daliri ko. "Tignan mo, dumudugo."

*pout* "Maliit lang naman po 'yan. 'Wag kang OA."

"Maliit o malaki, nahiwa ka pa rin. Akin na nga gagamutin ko."

OA naman talaga masyado 'tong lalaking 'to eh.

"Wag na, huhugasan ko na lang. "

"Sige hugasan mo muna, gagamutin natin pagkatapos."

"Opo." ayaw ko na makipag-talo. Oo na lang Kim.

Ayun, kinuha niya yung first aid kit tapos nilagyan niya ng alcohol at betadine ang sugat ko. Grabe, ang hapdi ah. Tapos nilagyan niya ng band aid.

Magpapatuloy na sana ulit ako sa paghihiwa nang pigilan niya ako.

"Hep. Ako na diyan." pigil niya.

"Anong ikaw? Marunong ka?"

"Oo naman noh. Magvo-volunteer ba ako kung hindi ako marunong?"

"Aba, malay ko ba. Baka kasi gusto mo lang makigaya sa sugat ko. HAHA." tapos iba na yung pinagkaabalahan ko.

"Ano ba kasing lulutuin mo?" tanong niya habang naghihiwa ng sibuyas. HAHAHA. Halatang nagluluha na siya ngayon! Ayaw niya tumingin eh.

"Hindi pa ba halata sa mga ingredients? My favorite white spaghetti. :)" yah, favorite ko ang white spag. Nung pinagluto kasi kami niyan ni mommy noon nasarapan ako, kaya nagpaturo ako.

"Ahh. O heto, tapos na." tapos iniwan na niya yung hinihiwa niya. Nagpunas na ng luha! AHAHA.

_____________________

Kim's POV

Natapos nang magluto si Jenny. Grabe ang bango. Mukhang masarap.

Nakaupo na kami ngayon sa dining table nila. Kumuha na ako ng niluto niya at tinikman. Kaharap ko ngayon si Jenny at hinihintay ang reaksyon ko.

"O ano? Masarap ba ha?" tanong niya.

Nagkunwari akong maduduwal. Pero ang totoo masarap! Ansama na tuloy ng tingin niya sa'kin. Ang cute niya, para siyang bata.

"De joke lang, masarap. Hindi ka na mabiro dyan eh."

"Che. Grandma, pupuntahan ko lang si Sam, papatikman ko ng luto ko." tumayo na siya ngayon.

"Teka, wag na." pigil ko. Teka, bakit ko pinigilan? Tss.

"Anong 'wag na? Ikaw nagluto?"

"Wala, sige na puntahan mo na." tumakbo na siya palabas.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganun ako kay Jenny. Masaya ako 'pag nakikita ko siya. Sa isang babae ko lang naramdaman ang ganito.

Sa ex ko.

Hindi si Violet ha. Hindi ko naman talaga naging gf yun, napagkatuwaan lang. Masyado kasi akong naging pasaway nung mga nakaraang linggo. Wala lang, ang sarap lang pagtripan ng mga babae. Simula kasi nung nawala yung ex ko feeling ko gumuho ang mundo ko. Tumamlay ang buhay pag-ibig ko. Wala na akong pakialam sa nararamdaman ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE TROUBLE ♥ (update soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon