Chapter 8

69 2 1
                                    

___________________

JV's POV

"Nako, humanda sa'kin yang si Sam. Huwag niya maisipang magpakita sa'kin at lalamunin ko syang buhay!" nasa kotse kami ngayon ni Kim at ang ingay-ingay ko.

"Hayaan mo JV, hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya sa'yo." -Tita Sally

"Wag mo na ngang problemahin yun, tapos na eh. Ang isipin mo ngayon kung pano mo ako ititreat bukas. ^.^ " -Kim

"Ha? A, oo nga pala." I almost forgot.

Nakarating na kami sa bahay. Bumaba na kami ng kotse ni Kim.

"Sige Jenny, kita na lang tayo bukas." tapos nag-smirk siya. Pagkatapos nun pinatakbo na niya yung kotse niya.

Bago pa man ako makapasok ng bahay...

"JV."

"O, buti nagpakita ka pa." mataray kong sabi kay Sam.

"JV." ulit niya sa pangalan ko.

"Ano?! JV ka na lang ba nang JV diyan?! " naiinis kong sabi, JV lang kasi nang JV.

"Ano kasi JV. Sorry." tapos yumuko siya.

"Tss." Oo na , di ko alam ang sasabihin. Ngayon naka-cross arms na ako. "Sige, pasok na ako ha? Gabi na eh, saka pagod ako. Nagperform pa kasi kami eh." nagsmirk akong pilit tapos paalis na sana.

"JV naman eh. Hindi ko naman sinasadya. Naipit lang talaga ako dun sa party ng classmate ko. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Sorry na JV." paliwanag niya.

Humarap ako sa kanya. "Nakakainis ka! Akala ko pa naman bestfriend kita. Eh kung hindi dumating si Kim, edi magmumukha akong ewan doon. Hmmmp. "

Tumungo siya. "Buti naman pala dumating si Kim. Nahihiya na tuloy ako sa'yo. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. SORRY. Pano ba ako makakabawi?"

Hmmmm.

Pano nga ba?

"Hindi ko alam. Ewan ko sa'yo. Basta ang alam ko ngayon, galit ako sa'yo! Nakakainis ka!"

"JV, sorry na pls. Alam mo namang hindi ko kayang nagagalit ka sa'kin eh. Minsan na nga lang kita makita tapos magagalit ka pa sa'kin, Diba bestfriends tayo?" nag-papuppy eyes naman siya ngayon. Kyot. Oooops. Delete. Galit ako sa kanya.

"Eh yun naman pala eh. Bakit hindi mo yun naisip kanina? Kung bestfriend kita dapat dumating ka kanina at sinamahan mo ako dun sa stage. Practice practice pa tayong nalalaman tapos hindi ka naman pala sisipot!"

This time lumuhod siya. Hala.

"A-a-no ka ba? Tumayo ka nga diyan!" pilit ko siyang tinatayo. "Baka mamaya kung anong isipin nila eh. Tumayo ka na!" hindi pa rin siya tumatayo.

"'Pag tumayo ako, papatawarin mo na ako?" nyeh. Andaya naman nito eh.

"O--o na.. oo na, basta tumayo ka na diyan."

Tumayo siya. "Sorry na talaga."

"Pasalamat ka kaibigan kita." talagang pasalamat siya at mabait ako. At dahil ititreat ko si Kim bukas, gusto ko may mang-titreat din sa'kin. Bwahaha. "Ganito na lang. Treat mo 'ko."

" Treat?"

"OO. Ngayon na. :) Gutom na ako eh. Tara!" hinigit ko na siya.

Tahaha. Ayoko namang magalit kay Sam. Bestbuddy ko yan eh. Saka sayang naman yung ititreat niya sa'kin. Nagutom ako eh. Okey lang, nanalo naman kami eh. Eh kung natalo kami, kakainin ko talaga siya ng buhay!

LOVE TROUBLE ♥ (update soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon