Chapter 1

131 2 0
                                    

------------------------------------------

JV's POV

"Ha?! Manila?" kasalukuyan akong nagbabasa ng libro nang maagaw ni Grandma ang atensyon ko. Napabalikwas pa ako ng upo nang sabihin nitong sa Manila na ako mag-aaral.

"Tumawag ang mommy mo at pinababalik ka na roon as soon as possible." sagot naman ni Grandma na bumalik na sa pagtatahi matapos kumausap sa telepono.

"Eh diba nakapagstart na po ng klase sila ate doon?" mahirap na kasi kapag late nang pumasok. Kailangan ko pa ng matinding adjustment lalo't bago ako sa school na iyon.

"Hindi mo ba sila namimiss ija? Isa pa, walang masama na gusto ka lang din naman nilang makasama." paliwanag ni Grandma. Makasama? Teka, oo nga, miss ko na rin naman sila eh. Pero...

"Pero pano na--"

"No buts JV." tsk. Hindi na naman ako pinatapos ni Grandma magsalita. Saka, ayan na ang "no buts" niya. Eh hindi naman 'but' ang sinabi ko, 'pero' naman hindi ba? :3 Kahit kailan talaga hindi ako mananalo kay Grandma.

Lumabas muna ako ng bahay para magpalamig sa ilalim ng puno ng mangga sa tapat ng bahay namin. Alas kwatro naman na ng hapon kaya hindi na rin masyadong mainit. Manila, Manila, Manila. Anong magandang kapalaran ang naghihintay sa'kin diyan?

Hay. Para naman akong sira e. Probinsyana lang? E doon din naman ako nakatira dati. Naloloka na yata ako. Ayt. (-.- ) ( -.- ) ( -.-)

Teka guys, ako nga pala si Jenny Vionette Saunders aka "JV", at dito sa Probinsya ako nag-iistay, sa bahay ng Grandma ko since 1st year highschool. Tapos ngayon ay mag-cocollege na ako.

Maganda kasi dito. Masarap ang simoy ng hangin at maaliwalas ang paligid. Masarap tumira dito. Malapit din kasi ako kay Grandma dahil madalas kaming magkalaro niyan noon. Siya rin ang bantay ko dahil parehong may trabaho ang parents ko. Nadalaw din naman minsan ang family ko, syempre, para magkamustahan, bonding at kung anu-ano pang events. Pero madalang lang din dahil busy sa trabaho. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit mas gusto kong mag-stay dito. Wala naman kasi sila sa bahay. And I hate being alooooone~ hindi naman sa natatakot 'no. Hello? Ang laki ng bahay namin dun tapos mag-isa lang ako? Ang creepy kaya, este, ang lungkot kaya. :3

Mayroon din nga pala akong alagang aso, si Suzy. Kaya lang ayaw ni mommy ng pet sa bahay kaya dito lang siya pwedeng maiwan. Ayokong iwan si Suzy, malulungkot ako. :(

"Aray! Ano ba?!" agad naman akong lumingon sa nilalang na nambato sa'kin ng bola. Kita nang nagmumuni-muni ako dito e.

"Ui JV, ikaw pala 'yan!" wika ng lalaking masasakal ko na maya-maya lang.

"Ano ba?! Ba't ka ba namamato diyan ha?" sigaw ko sa kanya.

"Sus, eto naman, nag-inarte pa, 'di naman talaga masakit." aba't talaga naman. Hindi naman siya ang tinamaan a!

"Anong hindi masakit? Ikaw kaya ang batuhin ko dyan! " akmang babatuhin ko siya ng tsinelas.

"O chillax. Sorry na. Ano ba kasing iniisip mo dyan, ha?" lumapit siya sa'kin at naupo sa tabi ko.

Ikaw.

Joke lang! :P

"Aalis na ako. Sa Manila na ako mag-aaral." malungkot kong sabi sa kanya. Hinihintay kong magulat siya o ano, pero tumingin lang siya sa'kin na nakakunot ang noo. Hindi ba siya malulungkot sa pag-alis ko? :(

"Last mo na 'yan JV ha?" kung hindi lang ako malungkot ngayon e natawa na ako sa mukha niya habang sinasabi iyon. Para siyang cartoon.

"Hindi ako nagbibiro! Mukha ba akong nag-jojoke dito?"

LOVE TROUBLE ♥ (update soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon