_____________________
Kim's POV
Nandito ngayon sa bahay si Jenny. Hinihintay namin si Suzy na pinapaliguan pa ni yaya.
"Jenny, malapit na sem-break ah. What's your plan?"
*no response*
Tiinignan ko siya. Nakapalumbaba.
Tsk. Tulog na pala. Nakoooo.
Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Ganyan ka ba talaga kasipag sa pag-aaral at maging pagtulog ay hindi mo na nagawa? Ibang klase.
"Anak, baka matunaw 'yan."
Napalingon naman ako agad sa nagsalita.
Si Manang Dolor.
"Ha? Ah eh, manang nandyan po pala kayo." siya na lang yata ang taong ginagalang ko sa pamamahay na 'to. Para ko na kasi siyang nanay sa tagal naming magkasama.
"Sino ba siya? Girlfriend mo?" tanong ni Manang Dolor.
"Hindi po. Friend ko po yata." nag-aalangang sabi ko.
"Bakit naman yata? Hindi ka ba sigurado na kaibigan mo siya?"
"Madalas po kasi galit siya sa'kin."
"Siguro inaasar mo. ... Ganyan ka naman lagi sa mga babae eh." pinagmasdan pa niya si Jenny. "Buti naman at nagdadala ka na ulet ng bisita dito. "
"Ha? Ah, eh..." oo nga pala. Matagal na panahon na nung huli akong nagdala ng bisita sa bahay. Simula nung nawala yung girlfriend ko feeling ko mas gusto ko nang mapag-isa. Pero ewan ko ba kung bakit pumayag ako na pumunta punta dito si Jenny. Iba kasi siya eh. Iba sa mga babaeng sumusunod sunod sa'kin.
"Gisingin mo na siya at tapos na maligo ang alaga niya." -Manang at umalis na.
__________________________
JV's POV
*fast forward*
Yes! Sembreak na sa wakas! Makikita ko na ulit si Grandma saka si Sam! Excited na ako! Namiss ko na rin yung gitara ko!
Walang ano-ano eh pumunta na ako sa Laguna. Excited langs. :)
Sa Laguna!
"Grandma!" sinalubong ako ng yakap ni Grandma. "Namiss kita grandma!"
Tumawa si Grandma ng mahina. "Siyempre namiss ko din ang apo kong maganda."
"Grandma talaga."
"Tamang-tama ang dating mo. May ipapakita ako sa'yo, siguradong matutuwa ka!"
"Ano po yun?"
"Tara sa loob."
________________
"Acoustic Duet Singing Contest?" tanong ko kay Grandma nang ipakita niya ang isang stub.
"O diba, pwede kayong sumali ni Sam diyan."
"Oo nga! Siguradong magugustuhan din ito ni Sam." tumakbo ako palabas ng pinto. "Wait lang po Grandma." at dumiretso na ako sa bahay ni Sam.
_______
"O JV, nandito ka pala." si tita Sally, mommy ni Sam.
"Hello po tita. Si Sam po?"
"Nandoon sa loob, kasama yung mga classmates niya eh. Sandali, tatawagin ko lang."
"Nako tita wag na po. Mamaya ko na lang po siya kakausapin. Baka maka-istorbo pa po ako."

BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE ♥ (update soon)
RomanceBakit ba lagi na lang ang gulo ng pag-ibig? Gusto ka ng isa pero hindi mo siya gusto dahil may gusto kang iba na hindi ka rin naman gusto. Kagulo. Iyan ang buhay ang pag-ibig ni JV. Magulo pero pano niya kaya lalabanan?