Balang Araw... Eto na ang araw

15 0 0
                                    


Kapag nasaktan ka,

Lagi nalang sasabihin sayo,

Makakalimutan mo rin sya,

Mawawala rin ang sakit sa'yong puso.

Balang araw, sasaya ka nang muli,

Balang araw, matatagpuan mo rin ang magiging dahilan ng pagngiti.

Darating ang araw, tatawanan na lang ang pagkakamali.

Pero kailan nga ba 'yon naging madali?

Yung isipin na ang puso mo'y muling makakaramdam ng kiliti.

Kung ang kasalukuyang nararamdaman mo ay dalamhati?

Dalamhati na sa pagsapit ng gabi,

Kalungkutan ay hindi maikubli?

Kalagayan ay iniisip lagi,

Bakit nga ba wala akong katabi?

Tuloy, maiisip mo na lang,

Ang tamang tao ay darating din yan.

Sa takdang panahon,

Sa tamang pagkakataon.

Pero kailan nga ba yon?

Nakakapagod hintayin kung kailan aayon

Ang tadhanang mukhang ayaw akong ilabas sa kahon.

Ilang taon na nga ba akong nakakulong?

Mayroon pa kayang sa akin ay tutulong?

Nang makalabas na sa pagkakagumon,

Sa isang dalamhating minsan ay dala na lang ng imahinasyon.

Nasaktan ako pero hindi naman talaga masakit.

Umiyak ako ngunit luha ay hindi mapait.

Kumirot ang puso, pero iba ang dahilan.

Naging mahina ako pero yun ay dahil natakot akong lumaban.

Labanan ang sariling kahinaan.

Emosyon minsan ay nanlilinlang lamang.

Dahil nasa loob tayo ng isang kahon,

Na kinapapalooban ng ilang ilusyon.

Kapag nawala ang isang laman nito,

Akala natin katapusan na ng mundo.

Pero subukan mong lumabas ng kahon mo,

Makikita mong marami pa palang bagay na nakapalibot sayo.

Kaya sana, eto na ang araw.

Na ang ating kagandahan ay maaari nang lumitaw,

Sa isang mundong malawak ang saklaw.

At nang lumaya sa bagay na mababaw.

Eto na ang araw na ako ay lilipad.

Dahil sa gaan ng pakiramdam na wala nang iniisip na kasawiang-palad.

Eto na ang araw na ako ay lalaya,

Sa problemang isipan ko lang ang kumatha.

Eto na ang araw na pagtutuunan ng pansin,

Sa halip na pag-iisa ay ang mga nagagawa habang nag-iisa.

Eto na ang araw na magiging masaya ako,

Dahil ito ang nararapat sa bawat tao sa mundo. 

Random thoughts on random thingsWhere stories live. Discover now