...

7 0 0
                                    

Kung malalaman mo ba,
Ako rin kaya'y makikita?
Kung sasabihin ko ba,
May magbabago ba?

Maraming kuro-kuro
May iba't ibang kwento.
Pero kung alam mo lang ang totoo,
May patutunguhan ba ito?

Hindi ko alam, laman ng 'yong isipan-
Kahit katiting ba'y mayroon ding nararamdaman?
Ah, marahil pinipigilan-
'Yon ang nais kong paniwalaan.

Dahil kahit papaano'y may pag-asa
Na sa bandang dulo, tayong dalawa.
Basta lang mapatunayan
Na ito'y dapat nating ipaglaban.

Kaya, ang tanong sa'yo
Pag ang pagsinta'y aaminin ko,
Maaari bang mabuo ang ating kwento?

Random thoughts on random thingsWhere stories live. Discover now