Timing

8 0 0
                                    

Bakit hindi tayo nagkakilala nung mga panahong sana, pwede pa?

Pwede pang sumubok.
Pwede pang sumugal.
Pwede pang maging malapit na walang ibang maaapektuhan.

Bakit noon, lampasan lang ang tingin?
Bakit ngayon lang napagtuunan ng pansin?

Pero bakit ko nga ba to iniisip?
Ako nga lang pala ang puso'y nagsisikip.
Malay ko ba kung ano'ng epekto sayo
Nang magkakilala tayo?

Nakakatawa.
Wrong timing ang isinisigaw ng isip at puso ko.
Anong timing ba talaga ang pinaglalaban ko?

Random thoughts on random thingsWhere stories live. Discover now