Kristofer’s POV
“Oh. Dyan ka lang ha. Huwag kang aalis. Bibili lang ako ng pagkain.” Sabi ko kay Danielle. Paano ba naman kasi. Hindi nag sasabi kung na gugutom na o hindi. Bigla bigla na lang na mumutla. Lagot ako kay Tricia nito.
“Opo.” Danielle.
Ay teka. Ano ba ‘yung gusto niyang pagkain? Eh hindi ko naman alam. Tss. Ah! Matawagan nga yung mga kaibigan niya. Hanap hanap hanap hanap ng number. Gotcha! Eto, si Kristine!
Calling Kristine A.
Kristine: Oh Kristof. Napatawag ka? Alam mo bang meroon akong pasok nga--
Ako: Anong paboritong pagkain ni Danielle? Dali-an mo! Namumutla na yung kaibigan niyo!
Kristine: Anoooo? Mag kasama kayo? Kristof pag may nangya---
Ako: Ano ba Kristine! Mamaya na yung sermon mo! Ano na kasi yung guston pagka—
Kristine: Sinigang na karne! Tsaka nakaka dalawang rice yan pag gutom. Ayaw niya ng softdrinks kaya tubig lang yung bilhin mo sa---
Ako: Okaaaaay. Got it. Thanks. Ako ng bahala sa kanya.
Then I cut the line. Dali dali ko naman binili yung mga sinabi ni Kristine dahil kahit ako na gugutom na rin. Habang pa balik na ako sa table naman ni Danielle, nawalan ako ng ganang kumain ng makita ko siyang tumatawa at may kinakain na tinapay kasama yung mga kaibigan niyang lalake.
“Oh Kris. Nandito ka pala.” Sabi ni Nardo.
“Oo. Ah. Danielle. Eto na yung pagkain mo.” Sabi ko sabay lagay ng pagkain ni Danielle.
“Oh paano ba ‘yan. Meroon ka ng kasama at hindi ka na namumutla. Ma una na kami Danielle.” Sabi ni naman ni Ian.
“Oo nga. Sa susunod kasi, huwag kang magpapagutom ha. Oh di kaya, tawagan mo agad kami.” Sabi naman ni Martin.
Haaay. Halatang mahal nilang tatlo si Danielle. Mabuti pa sila, napapasaya nila si Danielle.
“Oh pare. Ma una na kami ha. Ingatan mo si Danielle. Mamaya kakain pa ‘yan ulit” sabi ni Nardo.
“Hoy! Hindi kaya! Ano ba kayo. Pero salamat sa tinapay ha.” Sabi niya sabay tawa. Haaay. Nakakainis naman ‘to. Ako nga yung kasama, iba naman yung nag papasaya sa kanya.
“Sige pare. Ako ng bahala.” Sabi ko. Hala! Magsi-alis nga kayo. Nawawalan ako ng ganang kumain. At yun nga. Umalis na yung tatlong mokong.
BINABASA MO ANG
Last Summer
Novela JuvenilNagsimula ang kanilang kwento noong last summer. Paano kaya ito magtatapos?