A/N: Katulad po nila. Isa ka sa mga Author na nag bibigay ng ibat ibang kasiyahan sakin. Hahah. Ang ganda po kasi talaga ng LWFAW niyong kwento.
Kristof’s POV
Aba, hindi man lang ako pinansin. At nakuha niya pang umupo doon sa likuran sa mga ka klase naming lalake. Ugh. Iniinis niya talaga ako. >____< Mabuti na lang at lumabas yung prof naming kalbo. Kay hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko. Tumayo ako, pinuntahan ko si Danielle at hinatak papalayo sa mga ibang ka klase namin.
“Ano ba Kristofer?!” Galit na siya. Aba, siya pa talagang may ganang magalit sakin ha.
“Bakit doon ka umupo? Di ba na pagusap na natin na magkatabi tayo? Hinintay kitang umupo dito Danielle.” Sabi ko sa kanya.
“Eh ano naman sayo? Dyan mo pa upuuin yung babaeng kasama mo kanina. Yung babaeng haplos ng haplos sa braso mo na parang linta kung maka kapit.” Great. She’s jealous again. Oh gad. I really love this girl.
“Lets talk about that later. Andyan na si prof.” pinaupo ko siya sa tabi ko at nakinig sa klase. Mabuti naman at mabait si prof. nag pakilala lang siya ng sarili niya samin, nag bigay ng kunting rules at nag dismissed.
“Danielle…” tawag ko sa kanya.
“Bakit?!” ang taray naman nitong sumagot.
“Look babe. Im sorry kanina kung bigla kitang hinatak papunta dito. Tsk. Ayaw ko kasing nakikita ka na may kasamang iba.” Ako.
“Kung ako may kasamang iba, hindi pwede. Pero kong ikaw ok lang? Aba ang bobo naman nun Kristofer.” Danielle. Naks. Parang mag syota lang kami ah.
“Kasamang iba? Si Nathalie? Don’t tell me sa kanya ka na naman nag seselos?” tanong ko sa kanya.
“Ah. So Nathalie pala yung pangalan ng lintang yung. Ewan ko sayo!” sabi niya sabay alis. Kaya dali dali ko namang hinawakan yung kamay niya.
"Eh ikaw nga eh. Hindi ka ang re-reply sa mga text ko kagabe. Tapos hindi mo rin sinasagot yung tawag ko. Marami ka sigurong ka text kaya hindi ka nag re-reply sakin." sabi ko.
"Pa sensya na po ha. Nakatulog po kasi ako. Nakakapagod rin kasi kahapon eh. Tsaka nag explain naman ako sayo ah. Yung reply mo nga "ok" lang. Kasi nag eenjoy ka kasama yung babae mo! Dun ka na nga sa kanya." Siya. Haaa? Ako? Kaya dali dali ko tiningnan yung cellphone ko at doon ko na alala na hiniram pala ito kanina ni Nathalie. Lagot sakin yun mamaya.
“Makinig ka nga muna Danielle!!” Oh crap. Nasigawan ko yata siya. Nakita ko naman na nagulat siya at parang naluluha yung mga mata niya. Noooo! Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak ng dahil sakin.
“For petes sake! I’m not deaf Kristofer! You don’t need to shout!” sabi niya sabay patak ng luha mga luha niya. Sinusubukan niya ring alisin yung kamay niya na hawak ko.
“I-I’m sorry Danielle. I’m sorry. Please. Listen to me first. I didn’t mean to shout at you. Im really s-sorry” sabi ko sabay yakap sa kanya. “Let me talk first okay?” she nodded. “Nathalie and Amanda were just my cousins. Nathalie was here because she is going to enrol next school year. So she went to school with me.” Sabi ko sa kanya.
“Eh bakit ba kasi ang sweet palagi ng mga pinsan mo sayo?” tanong niya. Ang cute niya dahil na mumula na naman yung pisngi niya.
“Eh kasi. Gwapo po ako."sagot ko sa kanya.
"Leche! Kapal ng mukha mo!" Danielle.
"Tsaka nag iisa lang akong lalake na pinsan nila dito sa Pilipinas. Kaya tuwing uuwi sila, ako ang palagi nilang kasama. Kaya please, huwag ka ng mag selos. Ikaw nga eh. Ang close mo sa lahat ng ka klase nating lalake. Tapos meroon ka pang tatlong bestfriend na lalake.”. Ako.
“Oh eh bakit? Nag seselos ka? Tanong niya sabay taas ng isang kilay.
“Hahahahahahahahahahahahah! Ako? Ang gwapong ako? Ang cute na si Kristofer Brian Ocampo? Nagseselos? Hahahahahahaha.Tangina! Oo Danielle! Nagseselos ako! Bakit ba?!” pag-amin ko sa kanya. Hindi ko na kasi matiis eh. >____< Nakita ko naman na nagulat siya at parang tatawa.
“Pfffft. Hahahahahahahahaha. Ikaw? Magseselos? Bakit naman? Boyfriend ba kita ha?” sabi niya. Aray ha. Ang sakit ha.
“H-hindi nga.” Sagot ko sa kanya. Napayuko na lang ako at binitawan yung kamay niya.. grabe mga tol. Ang sakit. Oo nga naman Kristofer. Ano ka ba ni Danielle? Wala naman di ba?
BINABASA MO ANG
Last Summer
Novela JuvenilNagsimula ang kanilang kwento noong last summer. Paano kaya ito magtatapos?