Seven

163 2 0
                                    

Danielle’s POV

“Wow. Sinigang! Paborito ko ‘to ah. Paano mo nalaman?” sabi ko sabay higop ng sabaw.

“Wild guess lang.” Sagot niya. Pero bakit parang matamlay siya? Eh kanina lang ang lakas ng energy nito.

“Ooh. Okaaay. Tara kain na tayo.” Gutom na talaga ako eh.

Nakaka dalawang kanin na ako pero parang wala siyang ganang kumain. Ano kaya nangyari dito. Matanong nga.

“Hoy. Kristofer Brian Ocampo! Ok ka lang?! tanong ko. Na gulat yata. Hahah

“Ay anak ng tokwa! Nagulat ako dun ah.” siya.

“ Ay. Nagulat ba kita? Parang wala ka kasing ganang kumain eh. Ok ka lang ba?” sabi ko sabay haplos ng noo nya. Eh kasi baka may lagnat eh.

“Ah. Wala. Ok lang ako. Tapos ka na ba? Teka. Uubosin ko lang ‘to.” Sabi niya na parang biglang nag ka baterya yung katawan. Hindi naman siya mainit. Wala namang lagnat. Bipolar yata ‘to eh.

Yun nga. Inubos niya yung pagkain niya at umalis na rin kami. Nandito kami ngayon sa mall. Magpapalamig lang. Ang init init kasi eh. Natural summer, ang bobo mo talaga Danielle.

“Arcade tayo!” sabi niya sakin sabay hatak papunting arcade.

“Haa? Oh sige. Hehe.” Yun lang ang nasabi ko. Kasi naman po ano, hawak niya po yung kamay ko. At eto naman po ako, namumula na naman yata ako.

“Basketball tayo” Kristof.

“Ha? Eh hindi ako marunong eh.” Ako

“Sus. Eh di tuturuan kita. Halika dito.”  Sabi niya sabay hatak ulit sakin. So ganito yung pwesto namin. Ako nasa harap tapos nasa likod ko siya at tinuturuan niya akong mag shoot ng bola. Sweet namin ano? Ma-inggit kayo please! Hahaha.

“Hi Kristof!” sabi ng isang babae. Takte. Sino ba to? Ang sweet na namin. Tapos eepal ka pa.

“Oh. Hi Amanda! Kamusta na?” sabi nito sabay beso sa babae. Aba, meroong beso pang nalalaman ha?

Pero bakit ba ako nagkakaganito? Ano? Nagseselos ako? Nako, hindi pwede. Wala naman akong karapatan eh. Hindi naman kami. Magkasama lang kami ngayon dahil nag enrol lang. Hay nako Danielle. Kaya palagi kang nasasaktan eh. Nag aasume ka kasi ka agad. Psh. >___<

“I’m good. How about you? Hmm. Who is she?” I also know how to speak English kaya. Sabi niya sabay tingin sakin mula taas hanggang baba. Ugh. Nakaka insecure ka na ha. Pasalamat ka dahil maputi, maganda at.. at.. at... sexy ka. -____-

“Ah. She’s Danielle Athena Alcantara, my girl”. Sabi ni kristof. Ohha. My girl daw.

 .

 .

Wait what?! Did he say that I’m his girl? Like seriously?! Ulitin mo nga Kristof!

“Oh really? Akala ko ba ako lang?” sabi niya sabay haplos sa braso ni Kristof. Like duh? Ang landi landi nya ha. Nakaka-inis. “Hahaha. I’m just kidding. Oh by the way, I have to go na. Give my regards to Tita and Tito! Ok? Bye Kristof!” Hay salamat. Umalis na rin yung epal. Nakatalikod na kami ng biglang, “Oh wait. Nice meeting you Danielle.” Sabi niya sabay beso.

“Nice meeting you too Amanda.” Sabi ko at sabay alis niya.

Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon