Four

197 3 0
                                    

A/N: Hi po. Isa rin po kayo sa mga Author na nag bibigay inspirasyon sakin. Gustong gusto ko po kasi yung Summer of Love 1 and 2. :)

Kristofer’s POV

“Wala ka bang kasamang mag enrol?” tanong ko sa kanya.

“Ahh. Eh. Wala! Wala pa kasi si Tricia eh.” Gotcha baby! Hahah. Hindi na darating si Tricia kasi nakita ko siya kanina at pinaki-usapan na kung pwede kami na lang muna ni Danielle ang mag kasamang mag-enrol. Oh diba? Galing ko ano? hahahah. :D

Flashback earlier….

Papasok ako sa gate ng makita ko si Tricia.

“Kris!” bati ni tricia.

“Oh Tricia. Kamusta?” Ako.

“Eto, papuntang business office. Hinihintay kasi ako dun ni Danielle. Mag eenrol pa lang kami.” Tama ba ang narinig ko? Danielle? As in si Danielle Athena Alcantara soon to be Ocampo? Yung babaeng crush ko mula noong first year college kami?

“Danielle? Alcantara? Akala ko ba hindi mag sa-summer yun?” tanong ko naman.

“Ewan ko. Eh bigla namang nag text dito kanina eh.” Tricia.

“Ah.. Tricia? Hehe. Pwedeng humingi ng favor?”  paki usap ko sabay puppy eyes at pa cute. Nako sana mag work.

“Ok. Ano ‘yun?” ah yes! Ang cute ko talaga!

“Ano kasi. Uhmm. Pwede bang huwag kang sumabay kay Danielle na mag enrol? Pwede bang ako na lang muna yung kasabay niya? Total, matagal naman kayong mag kaibigan. Palagi naman kayong magka---“na putol yung sinasabi ko nung nag salita siya.

“Sinasabi ko na nga ba eh. Gusto mo ‘yung kaibigan ko 'no?” tanong niya. Masyado bang halata?

“Ah ehh.. hehe.”sabi kosabay kamot sa ulo ko.

“Oo na. Basta ingatan mo ‘yun ha. Tatanga tanga rin kasi minsan ‘yun eh.Tsaka pag sinabi niyang nagugutom na siya. Kumain na kayo ka agad. Mabilis kasi ‘yang mahilo pag nagutom eh.” Tricia.

“Yes po! Maraming salamat! Sige, una na ako. Puntahan ko na siya.” Paalam ko sabay salute sa kanya. Ay sa wakaaaas! :D

Back to present…

“Ah. Si Tricia ba? Hahah. Hindi na darating ‘yun!” Ako.

“Ha? Paano mo nalaman? Kasi dito kami mag-kikita at sabay mag-eenrol eh.” Sabi niya. Na tila mukhang na lungkot.

“Ah. Eh. Wala. Ah..Sa palagay ko lang naman. Hehe. Oh. Huwag ng malungkot.” Sabi ko sabay pisil sa pisngi niya at na mula naman eto. Hahah. Ang ganda niya talaga.

Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon