One

432 7 0
                                    

Danielle’s POV

“Ano ba ‘yan. Nalulungkot ako kasi hindi ako maka pag summer class. Eh required pa naman yun. :( Hindi ko na makikita si crush, yung mga classmates kong maiingay. Mamimiss ko yung paghahanap namin ng gwapo. Hay nako. Buhay nga naman ano.” Reklamo ko sa sarili ko habang naliligo.

“Danielle? Anak?” si Mama. Kumakatok sa pinto.

“Ano po yun ma? Pasok lang po. Hindi pa kasi ako tapos maligo.” Sagot ko naman sa kanya.

“Ano kasi anak. Makaka pag-enroll ka na sa summer class mo.” Mama.

“Talaga po?! Eh saan po kayo kumuha ng pera?” Tanong ko kay Mama kasi alam kong wala talaga kaming pera ngayon.

“Pinahiram ako ni Auntie Jo mo, kasi nalaman niya hindi ka makaka pag summer.” Mama.

“Hay salamat. Pero ma, tapos na yung enrolment.” sabi ko habang papalabas na ng banyo.

“Ha? Eh paano na ‘yan anak? Hindi na ba pwedeng humabol? Nako, sayang naman ‘tong pera na pinahiram sa’tin.” Natatarantang tanong ni mama.

“hahaha. Ma, calm down. I can manage it. Pwede pa rin po ‘yon. Kaso nga lang ba ka maging irregular student lang ako.” Sagot ko kay mama.

“Ah ganon ba. Eh di mabuti. Oh eto na yung pera. Mag pasalamat ka kay Auntie Jo mo ha.” Sabi ni mama sabay labas ng kwarto ko.

-----

Kinabukasan, umaga akong gumising kasi lunes ngayon at magsisimula na yung summer class. Pero eto ako, mag-eenrol pa lang. Sana meroon akong makasabay. Nakapag-text na rin ako kay Auntie Jo. Nagpasalamat na ako sa kanya.

Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon