Eight

151 1 0
                                    

Kristof’s POV      

“Oh ano? Pagod ka na ba? O na gugutom ka na ulit?” tanong ko. Pero hindi niya ako pinapansin. Anyare dito? “Hoy Danielle!” sabi ko sabay tusok sa tagiliran niya.

“Ay anak ng tipaklong!” gulat na sabi niya. “Ano ba Kristof?!” Ay? Bakit parang galit siya? Eh kanina lang ang saya-saya namin habang naglalaro ng arcade eh.

“Aww. Sorry. Eh kasi kanina pa ako nag sasalita dito. Hindi mo ako pinapansin.” Sabi ko sa kanya ng mahina.

“Eh kasi. Sino ba yung Amanda? Kung ma ka haplos sa braso mo. Akala mo kung sino.” Ano daw? Nag seselos siya kay Amanda? Si Amanda na pinsan ko galing states? Hahahaha. “May pa regards regards pa siyang nalalaman. Nag beso pa kayo. Girlfriend mo ‘yun ano?” Wait. Hahah. She’s acting like a jealous girlfriend and I like it. No! Scratch that. I LOVE IT.

“Pfft. Hahahahahahahaha” hindi ko na pigilan ang pag tawa ko.

“Oh? Anong nakaka-tawa dyan? Para kang timang. Tawa ng tawa.” Naiiritang tanong niya. Nako kung alam mo lang Danielle. Ang cute mo pag nagagalit ka.

“Wala. Ang cute mo pag nagagalit ka. Tara na nga. Nagutom ako sa paglalaro dito. Saan mo gusto baby?” Fvck. Na sabi ko ba ‘yung baby?! Di bali na. Aamin rin naman ako eh.

“Baby mo mukha mo. Uuwi na lang ako at doon kakain.” Aw. Hindi siya kinilig sa sinabi kong baby. Nag seselos talaga ‘to.

“Baby naman eh. Huwag ka ng mag selos. Tara, treat kita. Milktea tayo.” Sabi ko sabay hawak sa kamay niya at hinalikan ito.

“H-haa? O-okay.” Hahah. Na-uutal at na mumula na naman si Danielle. Ang ganda niya talaga. Nandito na kami ngayon, kumakain ng cake at milktea. Halatang na gutom siya eh. Ayaw ko na kasing mangyari ulit yung kanina. Hindi ko gusto na makita na merong nag papasayang ibang tao sa kanya.

“Oh. Busog ka na ba?” tanong ko sa kanya dahil mukhang nag iba na yung mood niya eh.

“Oo. Thanks ha. But first, let us take a selfie.” Hahaha. Na tawa naman ako ‘dun. Kaya eto, nag selfie kami sa iPhone niya at syempre sakin din para meroon rin akong kopya. Tapos naming kumain, bumili kami ng notebook at ballpen para gagamitin bukas tsaka hinatid ko na rin siya pa uwi.

“Thank you sa pag sama sakin sa pag enrol, pag treat ng lunch, sa arcade at sa meryenda ha. Pa sensya ka na kanina sakin ha.” Sabi niya at akmang baba na ng sasakyan pero pinigilan ko muna siya. Kasi parang away ko pang umalis siya sa tabi ko.

“Ahh. Wala ‘yun. Anything for you babe.”  Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nakita ko naman na namumula yung pisngi niya.

“Babe mo mukha mo. Dun ka sa Amanda mo. Dyan ka na nga. Bye.” Kita niyo. Nagseselos na naman. Hay Danielle. Kung alam mo lang kung gaano kita ka mahal.

“Nag seselos ka pa rin ba?” tanong ko.

“Selos? Ako? Eh bakit naman? Unang una, hindi naman tayo. Wala naman akong karapatan di ba. At mas bagay kayo ni Aman—“ pinutol ko yung sinabi niya.

“Amanda. Amanda. Amanda. Puro na lang Amanda. She is my cousin from states who went here for vacation. Okaaay? So please. Huwag ka ng magselos.” Sabi ko sa kanya at natigilan naman siya. Yumuko na lang siya at hindi na nag salita. “Babe, wala kang dapat na pagselosan.” sabi ko sa kanya pero hindi niya ako tinitignan. “Hey, look at me.” Hinawakan ko naman yung chin niya at hinarap yung mukha niya sakin. “Ikaw nga kanina eh. Tatlo nga yung sayo. Meroon kang Ian, Martin at Nardo.” Reklamo ka sa kanya.

Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon