Nine

142 2 0
                                    

Danielle’s POV

“Ikaw nga kanina eh. Tatlo nga yung sayo. Meroon kang Ian, Martin at Nardo.” Sabi niya. Is he jealous? Oh please say yes. Pero bakit naman? Eh hindi niya naman ako girlfriend eh tsaka kaibigan ko lang yung tatlo.

“Ha? Yung tatlong yun? Eh ano naman? Bestfriends ko sila. Kaya natural lang na super close kami.” Sabi ko sa kanya. Ano ba ‘to para kaming mag syota na nag aaway.

“Eh kahit na. Siya nga pala, upload mo yung selfie natin ha.” Kita mo. Nakuha pang mag biro. Loko loko talaga ‘to.

“Okay po. Oh sige na. Thank you ulit ha. Bye. Ingat ka. Text ka pag na ka uwi ka na.”  sabi ko sabay baba ng sasakyan niya.

“Yes mam. Tatawag ako ka aagad. Bye. Get inside na.” Utos ng mahal kong crush, kaya sumunod naman ako. Pumasok na ako sa gate at nakita kong umalis na yung sasakyan niya. Pag pasok ko sa bahay, dumiretso ako ka agad sa kwarto ko at humiga. Woah. What a tiring yet super happy day with my crush.

 .

 .

 .

*phone beeps*

From: kristof pogi

“Im on my way home na. Na traffic lang ako. Take a rest babe. I know you’re tired. By the way don’t forget to upload yung picture natin ha?”

Aba. Ang mokong na ito, pinalitan yung pangalan niya. Di bali na, totoo naman eh.

To: kristof pogi

“Ingat po. Bakit ba babe yung tawag mo sakin. Baka masanay ako ha. Hahah. Dejoke lang. oh, huwag na munang mag reply. Concentrate na sa pag drive. I’ll upload it later.” Naks. Parang girlfriend lang yung peg ah? Hahahah. Teka ma upload nga yung picture namin sa instagram. Yun oh! Uploaded successful. Nilagyan ko ng caption na “A perfect day with this guy.” Minutes passed, hindi na siya nag reply. Siguro nag da-drive na yun.

*phone beeps*

From: Tricia

“kamusta yung “perfect day” ng maganda kong kaibigan?” mag re-reply na sana ako ng meroon pang nag text.

From: Kristine

“A perfect day with this guy raw pero ginutom ka naman kasama niya. Hahaha. Mag kwento ka dali!”

From: Gloven

“At anong kadramahan naman ‘yun? Paki explain!”

Napangiti naman ako. Hay nako. Mga kaibigan nga naman oh.

To: Gloven, Tricia, Kristine;

“I invoke my rights to self incrimination! HAHAHAHAH. Dejoke. I don’t need to explain anything bitches. Seeya tom! Love lots! :*” sent!

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Na gising ako sa alarm ng cellphone ko at laking gulat ko sa dami ng missed calls at text na galing kay Kristof.

From: kristof pogi

“Hi babe. Im home. Na upload mo na yung picture natin?”

“Hmm. Babe? Busy ka ba? Or nag cha-charge ka ng phone?”

“Uhmm. Danielle? Galit ka ba dahil sa pagtawag ko sayo na babe? Kung ayaw mo. Sabihin mo lang.”

“Danielle. Pick up the phone please. Im fvking worried about you.”

“So ganun? Hindi ka na mag re-reply? May sasabihin pa naman sana ako sayo.”

“Ge. Goodnight. :(“

Nako lagot na. Dali dali akong nag bihis, nag almusal at pumunta na sa school. Ngayon ang start ng summer class para sakin. Tuesday na. Ay teka. Ma text nga si Kristofer.

To: kristof pogi

“Goodmorning po. Sorry talaga. Naka tulog ako ka gabi. I’m on my way to school na. How ‘bout you? Ingat sa pag dadrive ha. Seeya later” sent!

From: kristof pogi

“Ok.” Oh no. yun lang yun? Lagot na. galit siya sakin. Nako. Hayaan niyo na nga. Magiging ok rin yan mamaya. Makikipag kita pa ako sa mga kaibigan ko.

To: Glove, Tricia, Kristine;

“Saan kayo?” sent!

From: Gloven

“Same place.” Ok. Alam ko kung saan ‘to.

Pagkadating ko dito. Tambayan namin ‘to mula pa nung first year college. Pag ka dating ko, inulan ako ka agad ng mga tanong nila. Kaya ikinuwento ko naman sa kanila lahat.

“7:50 na guys, tara. Pasok na tayo.” Gloven

“Girl! Si Kristofer ba ‘yun?” Turo ni Kristine sa kabilang kanto ng school. Mula dito, kitang kita ko na may kasama siyang babae. Ang sakit mga te! Kaya pla “Ok.” lang yung text back niya kasi masaya na siya na kasama yung ibang babae.

So ganun lang yun? Eh ang saya saya namin kahapon ah. Babe pa nga yung tawag niya sakin. Yan kasi Danielle, nag aasume ka kasi ka agad.

“Ah. Hayaan niyo na.” nagkasalubong naman yung mga mata namin. Paano ba ‘to. Eh mag ka klase kami sa mga subjects. >___<

“Ayan ba yung sabi mong “babe” ha? Hahaha. Tingnan mo ngayon.” Sabi ni Gloven.

“Ewan ko sa kanya. Wala naman akong paki-alam eh hindi naman kami. Tsaka buhay niya yan no. hayaan niyo na.” sabi ko habang papalapit na sa classroom naming.

“Sus. Selos ka lang. Sige na. Eto na yung room mo. Bye bitch. Seeya later.” Tricia.

“Huwag mong ipakita na nagseselos ka. Act like you did not see anything. Okay? Bye girl. Mua. ” Kristine

“Im fine. Ano ba kayo. Sige na. Andito na si Prof. Bye bitches. Seeya later. Mua!” sabi ko sabay pasok sa room at nakita ko naman na naka tingin sakin si Kristofer. Pero hindi ko na lang ito pinansin. Hindi niya na rin kasama yung babae kanina. Bakit nga naman ako magseselos eh hindi naman kami. Kaya dito ako umupo sa bandang likod. No choice eh. Kahit ayaw kong umupo sa tabi ng mga ka klase kong lalaki, titiisin ko na lang. Basta hindi lang ako tatabi sa kanya.

Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon