Chapter 4: Getting close

9 0 0
                                    

Mira's POV

Nandito ako ngayon sa room at pinipilit ko ang sarili ko na makinig sa tinuturo ni Sir sa harap pero bigo pa rin ako. Simula kasi nung nakita ko sa may cafeteria ay hindi na ako mapakali feeling ko kasi ay laging may nakasunod sakin palagi.

Buti nalang at nag bell na, ibig sabihin ay lunck time na yeheyyy!!!!

"Mira!"

Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala si Yza. Aish! nakakhiya.

"Ha? May sinasabi ka? Paki ulet nga hind ko kasi narinig eh hehehe" tsk kainis talaga yung lalaki na nakita ko dun sa may cafeteria hindi sya mawala sa isip ko pero tuwing maiisip ko sya natatakot ako para kasing may balak syang masama sakin eh. Hindi nya naman siguro ako ri-rapin ano? Pero ngayon na kasama ko si Yza ay kakalimutan ko muna sya at ilalaan ko tong araw na to kay Yza para naman magkaroon kami ng time sa isa't-isa.

"Ang sabi ko pasyal tayo mamaya after class para makapag-bonding naman tayong dalawa" ngumiti pa sya sakin.

"Ahh sure but before that i think we should eat now because i'm hungry" sabi ko tsaka ko sya hinila papuntang cafeteria.

Mabilis lang natapos yung class namin kasi may meeting yung mga teachers ngayon.

"Yza let's go" sabi ko nung nakalapit na ako sa kanya.

"Ahh hintayin mo na lang ako dun sa parking lot at saka kotse mo yung gagamitin natin ngayon ah? may call of nature kasi ako ehh"

"Fine" i said then walked away.

Naglalakad ako ngayon dito sa parking lot papunta sa kotse ko.

Shit! nandito na naman sya!

"Who are you?!" sabi ko sa kawalan pero nag e-echo lang yung boses ko.

Shit. Natatakot na talaga ako.

Nakarating na ako sa kotse ko pero wala pa din si Yza. Maya-maya ay dumating na din sya. Haayyy salamat at dumating na sya.

"Why take you so long?" may halong irita sa boses ko.

"Ganun talaga hehehe"

"Psh"

Sya na yung pinag-drive ko dahil wala ako sa mood mag drive. Shit akala ko mahinhin at dalagang pilipina tong si Yza pero kung magpatakbo ng kotse akala mo sakanya yung daan ehh. Akala ko naiwan yung kaluluwa ko dun sa parking lot sa sobrang bilis nyang magpatakbo. Tapos nung nag red light na ay nakahinga na ako ng maluwag kasi hihinto na din sya. Pero akala ko lang pala yung kasi nagdere-deretso sya at maslalo nya pang binilisan at wala syang pakialam kung tinatawag na kani nung pulis. Mas lalo pa nyang diniinan yung pagmamaneho nya nung nakia nya na hinahabol na kami ng mga pulis. Susko po lord! Help me po ayoko pang mamatay huhuhu!

Nilito nya yung mga pulis sa pamamagitan ng pagliko nya sa isang iskinita na patungo sa kung saan. Nung tumingin ako sa likod ko ay wala na yung mga puis na sumusunod samin kanina.

Sa wakas ay nakarating narin kami dito sa...

MALL?!

"Hoy pangit na nilalang! Anong ginagawa natin dito sa mall?"

"Syempre nandito tayo para mag... SHOPPING!!" ang sakit sa tenga nung pagsigaw nya,tsk.

"-_______-"

"Hehehe, tara na kasi marami pa tayong pupuntahan"

"Tss"

Hinila na nya agad ako papasok sa loob. Tss kung makapanghila akala mo sa kanyang braso eh, pasalamat talaga sya na kaibigan ko sya kung hindi baka nanina ko pa sya nabatukan.

Pagpasok namin sa loib ay hinila na NAMAN nya ako papunta sa loib ng isang shop at namili sya ng mga damit na babagay sa kanya.

Umupo lang ako sa sofa at naggbasa nalang ng magazine.

"Mira" ang ganda pala talaga ng mga damit dito ayon sa magazine.

"Mira" kaya nga lang ang mahal kaya nanghihinayang tuloy akong bumili pero ang gaganda talaga nila hehehe.

"Mira!" Ay anak ng teteng naman oh! Kitang nag iisip pa ako ehhh.

"Oh?"

"Anong 'oh' tinatanong kita kung gusto mo netong nakuha ko hulindinkasi bagay sakin ehh"

"Ahh hindi na kaila--" naputol yung sasabihin ko nung makita ko yung damit na sinasabi nya. Ito yung damit dun sa magazine! Ito yung maganda pero mahal. Alam nyo ba kung magkano yan? Halagang 10,000 lang naman. Mayron akong pambili nyan pero nanghihinayang kasi ako eh tdaka hindi ko din hilig ang mag-shopping.

"Kyaaaa! Ito yung nasa magazine eh yung maganda pero mahal. Wag ko na nga lang bilin atleast nakita ko ng personal." Sabi ko tsaka naglakad papalabas sa shop na yun.

"Huy! Ano ka ba bilin mo na kaya tsaka isa nalang to wala nang stocks sa loob kaya bilin mo na to tsaka balita ko hindi ka mahilig mag-shopping kaya dito kita dinala. Dinala kita dito para makapag-shopping KA" pinagdiinan nya pa talaga yung salitang KA.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Nandito tayo para gawin ang mga bagay na hindi mo gustong gawin kaya magiging memorable tong bonding nating dalawa at kung ayaw mong mabawasan yang pero mo wag kang mag alalala ako nang magbabayad ng lahat ng bibilin mo"

Tiningnan kong mabuti yung damit tapos napagisip-isip ko na dapat ay subukan ko din gawin yung mga bagay na hindi ko gustong gawin.

Lovely FloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon