Chapter 10: His plan

3 1 0
                                    

Davies POV

"Sige lang Mira, pakasaya ka lang dahil sisiguraduhin kong kapag nakita mo na ako hindi mo na magagawang tumawa pa dahil pati sa panaginip mo ay guguluhin kita"

Sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan si Mira mula sa malayo.

Siguro naguguluhan kayo kung bakit gustong-gusto kong sirain si Mira. Sikreto ko yun pero malapit nyo na ring malaman to.

Oras na makita ako ni Mira ay kahit pagngiti ay hindi na nya magagawa at unti-unti ko syang sisirain hanggang sa mawasak sya ng tuluyan.

"Boss" tawag sakin ng isa kong tauhan.

"Anong balita?" tanong ko sa kanya.

"Boss magagawa na sana namin yung pinagagawa nyo pero may dumating po para tulungan yung babae" sabi nya.

Sya kasi yung inutusan ko na bigyan ng napakatinding bangungot si Mira pero sino yung umepal sa mga plano ko?!

Binalibag ko ang lahat ng bagay na mahawakan ko, lahat ng bagay na maabot ng kamay ko.

"Ahhhhh! Sino yung walang kwentang nilalang ang tumulong kay Mira?!!" malakas na tanong ko sa kanya dahilan para mapaatras sya sa takot. Tss coward

"B-boss h-hindi po n-namin sya k-kilala pero sa nakikita ko po ay parang mahalaga sa lalaking yun yung babae na yun kasi po muntik na nya ako p-patayin buti po pinigilan sya nung babae" 

Napatigil ako ng marinig ang kanyang sinabi.

Mahalaga sa lalaking yun si Mira? Edi masaya, dahil hindi lang si Mira ang mawawasak kundi pati ang mga nagmamahal sa kanya.

Sabi ko sa sarili ko. 

"Umalis ka na kung ayaw mong mapatay kita dahil sa kapalpakang ginawa mo" mahinahon kong sabi sa kanya kaya kumaripas sya ng takbo.

Iniisip ko kung sino yung hinayupak na tumulong sa kanya at natigilan ako ng may isang tao ang pumasok sa isipan ko. 

Si Dwane. Sya lang naman ang kilala ko na pwedeng mag alala ng ganun sa babaeng yun. Paano ko nalaman? Simple lang, dahil matagal ko na syang sinusundan dahil pinagpaplanuhan ko kung paano sya sisirain at sa pagmamasid ko sa kanya ay nabalitaan kong nag-iisang anak lang sya at wala syang kuya para may mag alala sa kanaya ng ganun.

 "Humanda ka na ngayon Dwane dahil ikaw at yang babaeng pinakaiingatan mo ay wawasakin ko hahahaha" 

Third person's POV

Tumawa ng parang baliw si Davies pero sa di-kalayuan ay may nakamasid sa kanya. Isang lalaking galit na galit dahil sa kanyang mga narinig.

Naglagay sya ng device na maririnig ang pinag-uusapan ng mga tao na nasa loob ng silid kaya nya narinig ang pinag-uusapan ni Davies at ng kanyang tauhan kanina.

Nanggigigil na ito sa galit gustong-gusto na nyang patayin si Davies dahil nalaman nya sya pala ang nag-utos para saktan si Mira. 

"Hindi ako makapapayag na guluhin mo sa Mira magkakamatayan muna tayo bago mo masaktan si Mira you bastard" wika nito sa sarili habang naka kuyom ang mga kamao.

Umlis na ito sa kinaroroonan nya dahil baka makita pa sya. Pumunta ito sa tapat ng bahay ni Mira at pinagmasdan ito mula sa nakabukas na bintana ng kanyang kwarto.

Malaya nyang napapanood ang bawat kilos ng dalaga mula sa di kalayuan. Kinuha nya ang kayang cellphone at tinawagan ang dalaga gamit ang anknow number.

[hello sino to?]

'Matulog ka na gabi na'

[Eh sino ka ba tsaka paano mo nakuha number ko?]

'It doesn't matter. Go to sleep now' pagkasabi ko nun ay pinatay na nya yung tawag. Nakita nya na nagpalinga-linga ang dalaga ay nung wala itog makita ay nahiga na lamang ito sa kanyang higaan at natulog. 

Napangiti naman ang binata dahil nakita nyang sinunod sya ng dalaga. Nung nakita nyang tulog na ang dalaga ay umalis na ito sa tapat ng bahay nila at pumunta sa bahay ng kanyang kaibigan na makakaulong sa kanya.

*ding dong ding dong* 

"Oh tol anong meron at nadalaw ka sa napakaganda kong bahay?" nakangising tanong ng kaibigan nito sa kanya.

"Pwede ba papasukin mo muna ako kasi na ngangawit na akodito kakatayo" reklamo nya sa kanyang kaibigan

"Ay ganun ba? Eh hindi ka welcome sa bahay ko eh paano na yan?" sabi nya na at nilagay pa nito ang kanyang kamay sa kanyang baba na tila ba nag-iisip.

Someone's POV

Naiinis na ako dito sa kaibigan ko na to dahil ayaw pa nya akong papasukin sa 'maganda' nyang bahay nya.

Sinamaan ko lang sya ng tingin at mukhang nakuha nya naman ang gusto kong iparating kaya pinapasok nya din ako. 

"Ahh sabi ko nga pwede kang pumasok sa napakapangit kong bahay tara pasok ka" sabi nya at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ako.

"Tss" 

"Oh ano nga meron at napadalaw ka?"tanong nya at nangalumbaba pa.

"I need your help" diretsong sabi ko sa kanya.

"Oh talaga ano ba yan at kailangan mo ng tulong ko" tanong ulit nya

"I want to court someone" sabi ko sa kanya at sumilay naman nakakalokong ngiti sa mga labi nya.

"Hey! if you planning to do something stop it!" sigaw ko sakanya pero tumawa lang sya.

"Tol naman, ako ng bahala sa plano at paghahanada, kailan mo ba to gagawin?"

"Monday" sabi ko sa kanya sabay alis ng bahay nya.

----

AN: SOrry kasi bitin at konti lang yung UD ko ngayon pero sino kaya yung manliligaw kay Mira? si Dwane kaya or si Matthew? Leave comments and please vote if you like this chap thanks :)

Lovely FloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon