Chapter 7: The good guy

7 1 0
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Dwane ay lagi na ako kinakabahan para kasing madaming umaaligid sakin eh.

Nandito ako ngayon sa first class ko. Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si sir ng may biglang sumipa ng pinto, at walang iba kundi ang mayabang na Dwane lang na yun.

"What's your problem mr. Buenavista?" May halong pagka inis ang pagkakasabi ni sir nun.

"Wanna die?" He coldly said.

Umiling lang si sir. Nabubwisit na talaga ako ng Dwane na to! Pati ba naman teacher ay pagbabantaan nya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na ako.

"Hoy walang modo na lalake! Kung nandito ka lang para takutin kami at ang teacher namin pwede ba umalis ka na lang kasi nakakaistorbo ka sa mga taong gustong matuto!"

Napatingin sakin lahat ng tao dito sa loob ng room at pati na rin si Dwane. Nung nakita ako ni Dwane ay ngimisi sya sakin.

Argh! I hate that smirk!

"There you are" he said smirking.

Seriously? What's wrong with him?

"So what?" I said then rolled my eyes.

Lumapit sakin si Dwane at hinila nya ako palabas ng room. Nagpupumiglas ako sa kanya hanggang sa nabitawan nya ako. Huminto sya at tumingin sakin.

"Saan mo ba ako dadalhin ha? Tingnan mo dahil sau nakapag cutting tuloy ako." Singhal ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sakin tapos yumukod sya sa harap ko at...... binuhat ako!

At hindi yung pang bridal style kundi binuhat nya ako na parang isang sakong bigas.

"Hoy ibaba mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya at pinaghahampas ko pa siya pero parang wala syang naririnig.

"Hoy lalakeng walang modo ang sabi ko ibaba mo ako!" Pagkasabi ko nun ay huminto na sya sa paglalakad at ibinaba ako. Gusto nya pang natatawag ng ganun bago sya tumigil.

"Titigil ka din naman pala eh gusto mo pang tinatawag ng ganun" sabi ko sa kanya pero hindi sya kumibo at pumasok sa.......kotse? Bakit may kotse dito?

Tumingin ako sa paligid at tsaka ko lang napagtanto na nandito pala kami sa parking lot. Hindi ko manlang napansin. -______-

"Ano pang ginagawa mo dyan?" Tanong nya.

"Ha? Eto nakatayo eh ikaw anong ginagawa mo dyan?" Balik tanong ko sa kanya

Umirap muna sya sakin bago sumagot.

"Sumakay na ka dito, stupid" sabi nya tapos umirap ulit sya. Ano bang problema nya at irap sya ng irap? Nababakla na ba sya?

Sumakay na lang ako sa kotse nya. Teka kanya ba to? Kagabi kasi nung muntik na nya akong sagasaan ferraru ang gamit pero ngayon iba na. Ibang klase talaga.

"San tayo pupunta?" Tanong ko kasi nakapagtataka kasi kahapon lang ay magkagalit kami tapos ngayon close na kami? Ano yun mood swing?

"Mamamasyal tayo para sa mga nagawa ko sau" cold nyang sabi.

"Ehh paano na---"

"Shut up"

Tunahimik na lang ako kasi gutom na din ako.

Nasa kalagitnaan kami ng daan ng biglang huminto yung sasakyan nya.

"Anong nangyari?" Tanong ko pero hindi sya sumagot at pilit na inis-start yung kotse.

"Shit! Bakit ngayon pa kung kailan kami magkaka-ayos tsaka ka pa masisira!" Bulong nya pero narinig ko parin yun.

"Nasiraan tayo?" Tanong ko

"Ayaw lang mag start pero try ko parin" sabi nya sakin.

"Uhmm gusto mo tulungan kita? Ano ba maitutulong ko?" Tanong ko.

"Ah sige i start mo lang to tapos ako ang magtutu--"

"Wait!"

"Oh bakit?"

"Uhmm hindi kasi ako marunong mag drive eh" nahihiya kong sabi.

"What! You don't know how to drive? Great! Just great now were stuck in here!" Sabi nya at hinampas pa nya yung manibela. Tsk kawawang manibela.

"Uhmm kung gusto mo ako nalang ang magtutulak then ikaw ang mag start" suggest ko.

"Seriously? Are you crazy? Sa payat mong yan?" Sabi nya sabay tawa. Tsk mamatay ka sana sa kakatawa.

"Tingnan mo!" Sabi ko sabay labas ng kotse. Pumunta na ako sa likod ng kotse at inumpisahang itulak ito, naka-kalahating minuto na ako pero hindi ko pa nagagawang pagalawin manlang tong kotse na to eh halos mamatay na ko kakatulak eh pero hindi parin gumagalaw pero hindi parin ako sumuko at tuloy parin sa pagtulak medyo umuusad na kaya ibinigay ko na ang buong lakas ko maitulak lang to. Nang umuusad na ay inis-start na nya at tulayan na ngang umandar.

"Yes-- hey wait!" Sigaw ko sa kanya pero tuloy parin sya sa pagmamaneho hanggang sa tuluyan na nya akong iwan.

Iniwan nya ako dito sa maliblib na lugar ng nag-iisa. Hindi ko na namanlayan na umiiyak na pala ako kasi takot akong mag-isa sa isang lugar.

Ilang minuto na akong nakaupo dito sa gilid ng kalsada at umiiyak, naghihintay ako kung may dadaan bang sasakyan pero wala kanina pa ako dito nakaupo. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad sa kung saan nang may biglang may bumusina sa likod ko.

"Uhmm miss naliligaw ka ba?" Tanong sakin nung lalaki. Mukha naman syang mabait at ang gwapo nya. >_____<

"Uhmm oo eh hindi ko kasi alam kung paano ako lalabas sa liblib na lugar na to eh" medyo nahihiya kong sabi sabay kamot sa batok ko.

"Uhmm miss wala ka bang kasama? Napansin ko kasing nag-iisa ka eh" tanong nya.

"Ahh iniwan kasi nya ako dito eh" medyo nalungkot ako nung sinabi ko yun at napansin nya ata yun.

"Ahh ganun ba? Gusto mo hatid na kita?" Suggest nya pero nag aaalangan pa ako kasi hindi ko pa sya kilala at baka may masamang balak sya sakin.

"Uhmm sa tingin ko ay nag aalangan ka pa kasi hindi mo pa ako kulilala so magpapakilala muna ako I'm Matthew and i want to make fruend with you" sabi nya tsaka ngumiti.

"You are?" Tanong nya

"I'm Mira nice meeting you" i said then smile.

"So hatid na kita pauwi sa inyo kasi aabutan ka na ng gabi tsaka wala masyadong dumadaan na sasakyan dito" sabi nya na totoo naman.

"Sige" sabi ko at sumakay na kami sa kotse nya.

Nagkwentuhan lang kami about random things. At hindi sya boring kausap kaya magaan na agad ang loob ko sa kanya at hindi ko na namanlayan na nandito na pala kami.

"Oh nandito na tayo bye Mira and see you when i see you" sabi nya at kumaway pa sakin.

"Bye din tsaka ingat sa pag da-drive" sabi ko sa kanya at kumaway ako pabalik sa kanya. Nung nakaalis na sya tsaka palang ako pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay bumungad agad sakin si mama.

"Boyfriend mo?"tanong sakin ni mama.

"Hindi po"sagot ko ata parang nakita kong nanghinayang si mama.

"Sayang naman gwapo pa naman" sabi ni mama sabay pout hahah ang cute talaga ng mama ko.

"Ma, friend ko po sya" sabi ko ng nakangiti.

"Ahh sayang talaga" sabi ulit ni mama.

Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay naghilamos agad ako tapos nagpalit ng damit then nahiga na ako sa kama ko.

Habang nakahiga ako ay puro mukha nya lang ang nakikita ko kahit nakapikit na ako kaya nagpatug-tog nalang ako para antukin ako kaya nagpatyg-tog ako ng Say you won't let go ni James arthur. Maya maya ay dinalaw narin aki ng antok at tuluyan na nga akong nakatulog

AN: Pucture po ni Matthew yung nasa taas at na love at fist sight kaya si Mira sa kanya? Hahahaha. Hope you like it guys tsaka paramdam naman oh pls vote and comment kubg nagustuhan nyo >_______<

Lovely FloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon