Chapter 20: Other side

0 0 0
                                    


Mira's POV

Nakakakaba, nakakalungkot, nakakatakot. Ayan yung mga nararamdaman ko ngayon pero hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay maraming mata ang nakamasid sakin, pakiramdam ko ano mang oras ay may hihila sakin palayo, pakiramdam ko...nasa panganib ako, pakiramdam ko hindi ako safe.

Safe. Hindi ko alam kung pano ko nasabing safe ako nung mga nagdaang araw. Hindi ko din alam kung pano ko nasasabi na parang nasa panganib ako. Hindi ko alam. Wala akong maintindihan.

Nag-ayos lang ako at ng makuntento na ako sa itsura ko ay saka lang ako bumaba.

"Good morning" bati ni mama.

Tipid lang ako ngumiti at saka naglakad papuntang pinto.

"Alis na po ako"

"Kumain ka muna, baka magutom ka"

"Busog ako ma" malamya kong sabi tsaka ako naglakad palabas ng bahay.

Pasakay na sana ako sa kotse ko ng bigla ako matigilan. Parang may nakita ako kakaiba. May nakita akong black na van at sa driver seat ay may tao. Nakalawit ang kamay nito at parang kumakaway sakin. Pero maya maya ay itinaas nya ang gitnang daliri nya tsaka nya pinaharurot yung sasakyan palapit sa direksyon ko. Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo. Gusto kong humingi ng tulong. Nang malapit na sya sakin at bigla nyang inihinto ang sasakyan at halos isang dangkal na lang ang layo nito sakin. Hindi maipaliwanag na kaba ang bumalot sa aking katawan. Pati ang aking paghinga ay parang nahinto dahil sa ginawa nya. Tinakot nya ako at natakot ako. Bulis ang paghinga ko ng makita kong umabante yung sasakyan at ng malayu-layo na ito bigla na naman nito ipinaharurot ang sasakyan papunta sakin at iinigil nya ng malapit na sakin. Sumilip yung driver ng van na iyon at saka ngumisi ng pagkaloko-loko.

"Nagustuhan mo ba ang munti kong regalo?"

Hindi ako nakasagot at pilit na ibinabalik sa katinuan ang aking sarili. Para akong mababaliw

"Wag kang mag-alala dahil madami pa akong regalo sayo, intayin mo lang" sabi nya tsaka humarurot paalis.

Habol ko ang hininga ko ng tuluyan na syang makaalis.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi parin ako nakakabawi sa nangyari. Ilang saglit pa ay napag desisyunan ko ng umalis at pumasok sa school. Pagpasok ko ay masasamang tingin agad ang ipinukol nila sakin. Hindi ko alam kung bakit nila ako sinasabihang malandi pero wala nadin akong ganang alamin pa. Pagpasok ko sa room ay sinalubong ako ng yakap ni Yza.

"Good morning"

"Morning" malamyang tugon ko at tsaka nagpatuloy sa paglapit sa upuan ko.

Lumipas ang pangumagang klase ng tahimik ako. Nagsasalita si Yza pero hindi ako tumutugon. Pagnagtatanong sya ay tango at iling lang ang sinasagot ko.

"Uy may problema ba? Kanina ka pa tahimik."

Sasabihin ko ba? Pero natatakot ako,natatakot ako na baka bumalik ulit yung lalaki at idamay sya. Wag na lang singuro.

"Wala, pagod lang to"

"Sigurado ka?"

"Hmm"

"Sige. O sya tara na at lunch break na"

"Sige"

Naglalakad kami papunta sa canteen ng may humarang samin na grupo ng kababaihan. Hinawakan ko si Yza at initago sya sa likod ko.

"Hi, di ko akalain na pati si Dwane ay nalandi mo na din. Nakakabilib," nakangisi nyang sabi.

"Tabi, wala ako sa mood para makipag-usap sa mga tulad nyo na walang magawa sa buhay"

Lovely FloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon