Chapter 16: Jealous?

7 0 0
                                    

Jerome 's POV

Nandito ako ngayon sa bar kasi balak ko kasing mambabae ngayon kaya eto ako sa bar at nag ha-hunting ng magagandang babae. I saw a sexy girl so i follow her at nakita ko syang lumapit sa isang lalaking nagpapakalunod sa alak, teka si Dwane ba yun? Lumapit pa ako para mas makita ko ng malapitan ang nangyayari dun sa table nya kaya  narinig ko yung pinaguusapan nila nung babae.

"Hey pretty boy"

Hindi tumingin si Dwane dun sa bababe kaya parang nairita ito sa inasal ni Dwane. Actually ganyan talaga yan makitungo sa mga babae.

"I said hey" may halong pagkainis sa boses nung babae pero hindi parin ito pinansin ni Dwane at parang wala syang naririnig.

"What the?! Are you deaf? I said--"

"SHUT THE FUCK UP BITCH!!" sigaw nya at ibinato ang bote sa babae pero buti nalang at nakaiwas ito kundi baka nasa ospital na sya ngayon.

"Woah"

Tiningnan lang sya ng masama ni Dwane at mukhang natakot na ito sa tingin nyang yun kaya umalis na sya sa harap ni Dwane at dumiretsong cr.

"Tol kamu--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng balibagin nya ako ng upuan pero dahil lasing na ata sya kaya hindi ako tinamaan. Sya nga pala nag palipat na ako sa VIP room para duon ay pwede nyang gawin ang gusto nya kahit magbasag pa sya ng mga gamit ay pwede nyang gawin at hindi ko sya pipigilan dahil sya naman magbabayad nun eh. ^____^

"Am i look alright?! Ha?! Tell me?!"

Putcha pala dapat pala di na ako lumapit dito dahil mukhang ako pa ang mapaginitan nitong mokong na to.

Btw, bakit ba sya nagkakaganito?

"Tol ano bang problema mo at nagkakaganyan ka?" nilagyan ko ng konting pagkainis ang boses ko para mapansin nyang hindi na ako natutuwa sa ginagawa nya.

"That Mira bitch! Napaka landi nya pumayag na nga sya magpaligaw dun sa Matthew na yun tapos nung nag-away kami nung Matthew ay ako pa ang mukhang masama! Ako pa yung mali at si Matthew na naman ang tama!"

Nagulat ako sa sinabi nya at sa tinawag nya kay Mira.

"Woah! Bro, chill si Mira yung sinabihan mo ay hindi ibang bababe. Tinawag mo na syang bitch at tinwag mo pa syang malandi! Alam mo kung narinig ni Mira yang sinabi mo paniguradong masasaktan yun kaya kahit gano pa kalagi ang galit mo kay Mira ay wag mo naman syang pagsabihan ng ganun!"

"Psh, she's not here so she cant hear me ok?"  

Tsk naiinis na ako sa lalaking to ah. Kasi nung sinabi namin na flat si Mira ay nagalit tong mokong na to at binugbog kami tapos ngayon sasabihan nya ng ganun si Mira? May saltik na ba tong lalaking to?

"Kahit na wala ka paring karapatang sabihan sya ng ganun dahil hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya. Ay bakit ko nga ba to sinasabi sayo ehh hindi ka naman nakikinig kasi wala ka namang pakielam sa nararamdaman ng iba, puro sarili mo lang ang iniisip mo"

Parang natauhan sya sa sinabi ko, parang ngayon nya lang nalaman na nasasaktan nya yung damdamin ni Mira.

"Teka nga kaya ka ba nagkakaganyan kasi pumayag magpaligaw si Mira kay Matthew at mas ipinagtanggol ni Mira si Matthew sayo?"

Hindi sya nagsalita at parang alam ko na ang dahilan ng pagkakaganito nya.

"Don't tell me na nagseselos ka?" sabi ko na may halong pang-iinis.

"What? Me? Nagseselos? Sa Matthew na yun? Huh of course not!"

"Really?"

Tiningnan nya lang ako ng masama pero di parin ako nagpatinag dahil nag e-enjoy ako sa ginagawa ko ngayon dahil ngayon ko sya maiinis at sigurado akong mapipikon yan ng todo. Bwahahahaha *evil laugh*

"Ahh so hindi ka nagseselos? Mabuti naman kung ganun kasi nakita ko sila ni Matthew kanina na nag de-date--"

"What? Where--"

"Akala ko ba hindi ka nagseselos? Bakit parang umuusok na yang ilong mo?"

Sya nga pala kaya ko nalaman na nag de-date sila Matthew at Mira kasi........madami akong mata na nagmamasid at alam ko lahat ng nangyayari.

"Tsk, shut up!" sabi nya sabay tayo. Wahahaha mukhang umaayon ata sa akin ang plano kong bwisitin ang lalaking to.

"Oh? Saan ka pupunta? Hahanapin mo sila Mira noh? Akala ko hindi ka nagseselos yun pala--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng may makita akong lumilipad na baso papunta sa direksyon ko. Hala! Kailan pa nagkaroon ng lumilipad na baso pero but nalang at naiwasan ko yun kundi masisira pa ang gwapo kong mukha.

"I'm going to find them you moron!'' sus kunwari pa ang lolo nyo.

"Ahhh cge alam ko pa naman kung nasaan sila nasa--"

"Where?" huh? hindi pala ahh.

"Sa puso ko hahahahahaha"

"WHERE?" sabi nya sa nakakatakot na tono pero dahil sa bato ako kaya hindi ko parin sya tinigilan.

"Nasa bituka ko pala, nandun sila may clown panga ehhh" sabi ko habang nagpipigil ng tawa dahil yung mukha nya ay paang kakain ng buhay.

"I SAID WHERE?!" kitam hahanapin nya din pala ehh.

"Akala ko ba hindi mo hahanapin?" nangiinis kong sabi.

"Just tell me where are they?!" inis nyang sabi. Wahahahahaha gumagana konting ire nalang at aamin na yan na nagseselos sya bwahahahahaha.

"Sabihin mo munang nagseselos ka"

"No" 

"Sabihin mo na"

"No"

"Sabihin mo na"

"NO"

"Sabihin mo na"

"YES, i'm so damn jealous. Now tell me where are they" 

Napangisi ako dun sa sinabi nya. Aamin kadin pala ehh bwahahaha 

Lovely FloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon