Chapter 19: Madness

0 0 0
                                    


Dwane's POV

Pagkaalis ni Mira ay tumayo agad ako at astang susundan sya pero hinila ni Matthew yung kamay ko.

"What?" bagot kong tanong sa kanya.

"Tigilan mo na to Dwane."

"Huh?! Who do you think you ar to stop me?"

Hindi sya sumagot at diinan na lamang ang hawak sa kamay ko pero agad ko ding hinawi yung kamay nya.

"Kung ano mang ginagawa at balak kong gawin ay wala ka na don." madiin kong sabi sa kanya.

"I'm not going to stop you, pero babantayan kita."

"Go ahead, but don't you dare to stop me. At isa pa, diba sinabi ko na sayo na layuan mo na si Mira? Bakit sunod ka pa rin ng sunod sa kanya?"

"It's none of your business"

Pagkasabi nya nun ay lumabas na sya ng kwarto at iniwan ako dun.

Naiinis ako, gusto kong manapak pero di ko alam kung saan nanggagaling tong inis na nararamdaman ko. Nanggi-gigil ako at gusto kong manapak.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Jerome na prenteng nakaupo sa sofa at nakasandal ang likod at nakadiwatro pa.

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpaunang lumabas at ramdam ko na sumunod naman sya. Pagkasakay namin sa kotse ay pinaharurot ko na agad yun papunta sa tambayan ko.

"Fight. Blood. Anger. Dead." sabi ni jerome pero di ko na sya pinansin dahil alam ko na ang ibig nyang sabihin. Wala akong maramdaman kundi inis lang.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating nadin kami sa underground brawl na pag-aari ni Jason. Sigawan, amoy ng usok, halu-halong amoy ng alak ang sumalubong sa amin at pagpasok namin ay pinagtitinginan na kami.....ako.
Yes, itong brawl na to ang tambayan ko. 

Sinalubong agad kami ng maga kaibigan namin pero wala akong pinansin ni isa sa kanila at dumiretso sa upuan ko. May nakita akong nakaupo don kaya tiningnan ko lang ito ng blangko at ng mapansin nya ako ay sobrang gulat ang rumihistro sa mukha nya at dahan-dahan syang tumayo.

"B-b-b-boss" usal nya lang.

Hindi ako kumibo at tumingin sa upuan ko na inupuan nya kaya napatingin din sya dun at tsaka dali-daling pinagpagan yun. Nung matapos sya at hinawi ko na agad sya at naupo.

"Ano problema nun?" dinig kong bulong ni Jason kay Jerome.

"Beastmode yan kaya umayos kayo ngayon." tatawa-tawang sabi ni Jerome kaya tinitigan ko lang sya ng masama.

"Halata nga" bulong ni Charles.

"Give me your toughest fighter." sabi ko kaya namam napalingon sila sakin pero tiningnan ko lang si Jason at mukhang naintindihan nya na ang ibig kong sabihin. Tiningnan ko lang yung naglalaban sa ring.

Umalis sya saglit at may kinausap. Inom lang ako ng inom pero parang walang nangyayari, di manlang ako nahihilo. Nung matapos na yung naglalaban sa ring ay agad kong hinubad ang t- shirt ko at inihagis kay Charles at dumiretao sa ring at nanduon nadin yung makakalaban ko.

Charles POV

Pinanuod ko lang si Dwane na pumunta sa loob ng ring at nung makapasok sya ay nandun na yung kalaban nya. Alam kong lahat ng malalakas na fighter dito yung makaklaban nya pero di ako kinabahan para sa kanya, kinakabahan ako para dun sa mga makakalaban nya dahil alam kong alam nila kung paano lumaban si Dwane pero alam kong iba ang magiging laban nya ngayon dahil sa itim ng aura nya. Mahahalata mo talaga na galit sya.

*Ting- ting- ting*

Nagsimula na yung laban at pero hindi kumibo si Dwane na para bang inaantay nya lang na sumugod yung kalaban. Ilang sandali pa silang nagti-tigan at nauna ng sumugod yung kalaban nya. Iwas lang sya ng iwas sa mga suntok ng kalaban at mula dito sa kinau-upuan ko ay nakikita kong bumubuka yung bibig nila na para bang nagu-usap. Maya-maya pa ay nakita ko ang pangungunot ng noo ni Dwane na para bang hindi nagustuhan yung sinabi nung kalaban nya kaya sinuntok nya ito dahilan para mapaatras ito at si Dwane naman ay lumakad papalapit sa kanya na may ngising demonyo.

"Hindi maganda to" usal ni Dave dahilan para mapatingin kami sa kanya pero na kay Dwane lang ang paningin nya.

Nalilito ako, di ko alam kung anong dahilan nya para magka ganyan sya. Nakakatakot sya dahil aobrang dilim ng mukha nya at nakakakilabot ang ngisi sa mga labi nya.

Nung makalapit na sya sa kalaban ay sinugod nya agad to ng suntok, walang magawa kung kalaban nya kundi sanggain na lang ang mga suntok nya. Halata sa mukha nung kalaban nya na nahihirapan na ito at halata sa mga mata nito ang takot. Kahit yung mga nanuniod ay kinikilabutan na din at ang iba ay umaalis na dahil sobra na daw yun sa inaasahan nila at brutal na daw.

Napahiga yung kalaban nya dahilan para makahanap ng magandang pwesto si Dwane. Pumaibabaw sya sa kalaban nya at pinagsusuntok nya ito. Walang sawa. Nung magsawa sya ay hinila patayo yung kalaban nya at inihagis papunta sa sulok ng ring pero hindi parin mawala yung ngisi sa mukha nya at ang mas nakakakilabot pa dun ay puno na ng dugo yung mukha nya. Para syang demonyong ugaw na uhaw pumatay.

"Geez! Hindi naman ganyan lumaban si Dwane diba? Oo brutal sya pero hindi naman ganyan, nakakakilabot sya." rinig kong sabi nung isang tao sa kalapit na upuan.

"Ano bang nangyayari sa kanya?" di ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Hindi ko alam, ang alam ko lang ay galit sya" sambit ni Jerome.

Hindi na makagalaw yung kalaban nya-- hindi na gumagalaw yung kalaban nya pero parang wala syang pakialam. Lumakad sya papalapit dun sa kalaban nya at iniangat ito para tingnan ang mukha. Sinuntok nya ito at inihagis sa gitna ng ring. Dinaganan nya ito at pinilipit ang braso bago sya lumabas ng rin at dumiretso samin para kunin yung damit nya. Sandali pa syang tumingin samin bago umalis.

Naglakad ako papunta dun sa nakalaban ni Dwane para tingnan at ramdam kong sumunod naman sila at hindi nga ako nagkamali, napatay nya yung kalaban nya.

"Tsk tsk tsk" sambit ni Dave.

Hindi ko talaga alam kung anong dahilan o sino ang dahilan nya kung bakit sya nagkaka ganito.

Lovely FloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon