Diary Entry # 5

130 1 12
                                    

Wow, di ako mapakali sa mga nabasa kong comment. Thankyou guys :D Iloveyou so much,please read my other story :) Anw, this chapter is dedicated to HER. thankyou again :D

****************************************

Diary Entry # 5

Dear Diary.

Maniniwala ka ba kung nai-inlove na ako sa isang bagong kaklase namin? yung transferee. Alam mo ba ang pangalan niya? Ang pangalan niya ay Canon Tot. Ang gwapo niya diary at ang katawan, pak na pak! Half-filipino at half-korean. May muscle at malaki ang.....alam mo na! HAHA. Lande ko noh diary? pakeelam mo ba?

Alam mo ba may Good news ako sayo at bad news. Good news, Katabi ko si Canon. Eeeeh..Kinikilig ako.Parang feeling ko dito na magsisimula ang lovestory ko pero yung 'bad news'  nang di ko na matiis yung kilig ko, agad akong naihi sa kinauupuan ko. Buti na lang puti yung ihi ko, nagtanong ba naman siya.

"Uyy, ano yan, basa oh" sabi niya sabay turo sa kinauupuan ko diary.

"Ahh oo, natapon lang yung tubig ko, hayaan mo matutuyo yan" sabi ko sa kanya. Sheeet diary, kinakausap niya ba ako. Ganda ng boses niya diary.

Mukhang kumagat naman siya diary kaya nanahimik na lang ako at nagtuon ng atensyon sa pakikinig kahit alam kong maiihi ulit ako anytime kapag kinikilig ako :''>

After nang 3rd subject namin, medyo nagkagulo na sa room diary,

"Anu yun? amoy mapanghi" sigaw nung isang kaklase namin.

"Oo nga, nakakahiya may bago tayong kaklase tapos may nangangamoy pekpek" sigaw nung isa ko pang kaklase na ang bastos ng bunganga.

"Baka si Sonia" sigaw pa nung isa.

"Hoy anong ako?" pagsisinungaling ko.

"Oo nga, baka ikaw." sabi pa nung isa kong klasmayte. Punyeta ba't ako agad?

"Wow ha? kapag mabaho ako agad?" pagtatanggol ko.

Agad-agad naman silang nagsitango.

"Diba pwedeng si Neneng?" maayos kong tanong.

"Eh panong si Neneng. eh absent siya dahil sa nalunod siya kahapon" mataray na sabi nung isa kong klasmayte.

"Tsaka, panong si Neneng, ano yun, lakas naman ng amoy nun?" mapang-asar na sabi nung mga kaklase ko. Wow diary pinagtutulungan ako.

"Ewan ko sa inyo, P4kYu S464D !" tsaka ako tumayo pero wrong timing naman. Nahalata nila yung palda ko nabasa kaya alam na nilang ako ang umihi at higit sa lahat, hindi ko na maitatanggi yun. Bat ba kase ako nagpaapekto sa mga sinasabi nila? Lalo tuloy akong napapahamak!

Nang dahil sa kanila, nasira ang aking inspirasyon sa aking pagsilay sa mga ngitin  ni Canon Tot. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko yung mukha niya. Yung mga cute niyang mata at kissable na lips.Panu kaya kung maging asawa ko siya, ang apelyido ko ay Sonia Tot. Haha :)

Hayyy buhay! Sana may magbago diary :D SANA NGA............

KINABUKASAN

Sa araw na ito, gusto kong pumatay ng sandamakmak na tao gamit ang bra at panty ko. Sabihin mo nga sa akin kung makatarungan ba yung ginawa ng nanay ko? Yung ginawang pat-holder yung bago kong biling panty nakahuhubad ko lang nung isang  araw. Akala niya daw hindi ko na kailangan dahil sa masang-sang na amoy. Like WADAPAK lang diba? Lagi na lang bang issue ang panty ko dito palage?

Tapos idagdag mo pa si Negra na kakapasok lang at kung landiin si Canon Tot. Tapos ang lande-lande ng mga tanong niya.

"Gusto mo akong i-Canon Tot?" malandeng tanong ni Negra, Sapakin ko'to eeh.

At dahil sa hindi ako makatiis kalandian nitong babaeng 'to. Kinuha ko yung dalawa kong medyas at sinalpak sa dalawa nilang bunganga pero joke lang yun, masyado nang brutal yun.Dahil sa sobrang imbyerna ko sa kalandian nila. Dahan-dahan kong kinuha ang bag ni Negra at tinago sa pinakasulok ng kwarto namin na may nakaharang na malaking aparador na lagayan ng mga walis tambo.Haha. bad ko noh?

Nung uwian na namen, lahat kami paalis na pero natataranta parin kakahanap si Negra sa bag niya.

"Oh my gosh, where's my bag?" maarteng tanong niya na halos mangiyak-ngiyak na siya.

Halos binaliktad niya na yung mga upuan para lang mahanap diary,

"Yan kasi, ang paglalande nasa oras hindi katulad mo walang pinipiling oras, ayan tuloy di mo napapansin sa paligid mo na habang lumalande ka, lalong may maglalaro sayo sa paligid mo" Matapang kong sagot sa kanya tsaka lumabas ng room. Bahala siya diyan.

Paguwe ko sa bahay, nagopen agad akong ng twitter at ang bumungad sa akin ang mga hater ko, daming rants at ang dmaing nagba-bash sa akin. Bat ba kase ang ganda ko? Onting push na lang at malalaglag din ang brief ni Canon sa akin. Ahihi. kenekeleg ako.

Gusto ko munang matulog, nagbabakasakaling mamuletcha ako ni Canon sa panaginip. Oh diba, ang saya?

Goodnight Diary :)

Love Brief 

Sonia <3 <3

Diary Ng Jejemon (iK4w Lh4N6 S4p4t n4H)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon