Diary Entry # 6

121 4 5
                                    

Woooh! May mga nagtatanong na bat ganon daw si Sonia, parang di dilag, so eto po ang sagot ko. Fiction po ito. And the characteristic of a cast is They are so gross and fiction po ito. which mean may transformation po ito. Tsaka sa fiction po, walang imposible. Kahit bumagsak pa sa eskwelahan ni sonia ang mga bulalakaw at eroplano ay hindi imposibleng mangyari. Fiction po kasi ito, pwede kong isulat ang malalawak kong imahinasyon as long na gusto ko. So sana po nagakakaintindihan tayo. This is dedicated to my readers who's are giving feedback about my story and they inspired me to prove my story. (TOINK! Tama ba yung english ko? HAHA!)

******************************************

DIary Entry # 6

Dear Diary,

Sobra ang pag-aayos ko ngayon sa araw na ito para lang matalbugan ang negrang yun. Akala niya naman, magpaparaya ako sa kalandian niya, sus, meron din ako n'yon. Konti nga lang,Mapapasaakin din yan si Canon Tot.

Taas noo akong pumasok sa school kahit sobrang kapal na nang noo ko diary, suot ang sando kong black na ikalalaglag panga ng mga lalaki dahil sa nakikita ang aking cleavage. Suot ang mahabang gown pero kita ang mga legs kong punong-puno ng scars o peklat. Inubos ko na nga yung isang bote naming Jergens pero wala paring pagbabago. Naka-robber-shoes din ako, Sorry, jeje talaga ako. Ubos din ang mascara ng inay dahil sa inubos ko kalalagay sa mukha ko. Ipagdasal mo na lang sana hindi ako palayasin ni Inay.Naligo rin ako ng maayos, alam mo ba diary, may ibinigay kanina sa akin si inay. PHCare, tinanong ko siya kung para saan yun pero lang ang tanging sagot niya.

"LAHAT PARA BUONG BUHOK NG KATAWAN MO!" sigaw sa akin ni Inay.

So dali-dali akong pumasok ng banyo diary. Kailangan ko nang paghihiganti eh, so ayun, tutal sabi ni Inay para sa lahat ng buhok ng katawan ang paggamint ng PHCare. Kaya walang sabi-sabi. I-shinampoo ko siya sa buhok ko at ginamitan ng bareta ng pampalinis ng kweba ko tsaka dali-daling lumabas ng banyo para makapag-palit ng panty. Wooh! Iba talaga kapag inlove, puro sakripisyo! daming ginagawa.

Kuhang-kuha ko ang atensyon diary, pero ako patay malisya pa rin ako naglalakad sa hallway nila.Bakit ba? Nagpaganda ako para kay Canon Tot hindi para sa kanila, right diary?

Pagpasok ko ng room, aba parang nakakita sila ng dyosa. Ihini-Head-to-toe nila ako pero pagdating ng mga mata nila sa paa ko, agad nagsipaitan ang mga mukha nila diary. Bakit ba? problema nila kung nakarobber shoes ako imitation na converse.

"Blooming ka ata ngayon Ms. Sonia Ina? Inlove ka ata ngayon." Mapagintirgang tanong ni Mr. Tea-tea.

"Sir,Kapag Blooming INLOVE agad? Diba Pwedeng INLOVE NOON,UMASA NOON,NASAKTAN NOON kaya Blooming kase nakapag-MOVEON na ngayon?"tanong ko kay sir.

"Panung umasa noon, eh wala ka naman boyfriend kahit kelan?" Tanong ni Sir na ikinatawa nang buong klase.

"May gusto ka bang ipahiwatig kang Tea-tea ka?" mataray kong tanong, aba diary, sinisira niya araw ko, maaga na nga akong umalis sa bahay para hindi  ako matalakan ni Inay. Tapos pagdating ko dito diary,ganyan ang bubungad?

"Aa--ahh wala naman, Lets start the lesson" makaba-kaba niyang sabi diary.

Dumaan ako sa pwesto ni Negra para pagtarayan siya na mas maganda ako sa kanya pero sa kasamaan palad nga naman, sinong anak ni poisedon ang pumatid sa akin dahilan para masubsob ang mukha ko sa lapag. Utang na loob diary, hindi ko pinangarap makipag-lips-to-lips sa sahig. At ang bruha diary, kung makatawa kulang na lang lagyan mo na flashlight ang ngala-ngala para naman magkailaw yung maitim niyang ngala-ngala. 

Syempre dahil sa mas maganda ako sa kanya. Agad akong tumayo at umupo sa tabi ni Mr. Tot. Ayysyyeteee diary, kinikilig ako. Sa sobrang kilig ko diary, hindi na ako nakikinig sa discussion ni Mr. Tea-tea. Tapos pinagmamasdan ko ang katawan ni Canon habang siya ay nakikinig sa lecture ni Sir. Wow, diary pak na pak ang katawan ni Canon, tapos napahinto ang mata ko sa sinturon niya.Totoo ba'tong nakikita ko? Bukas ang kanyang.......Eeehhh, sasabihin ko ba?

"Ehem" hiningaan ko yung ubo ko diary na sapat na para makuha ko yung atensyon niya, at di naman ako nabigo dahil sa tumingin siya sa akin nang may pagtataka sa akin. Shet diary, kinikilig ako! HAHA :D

"Bukas yung monisipyo" Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Ha?" nawe-weirduhan niyang tanong sa akin.

Toinks! Hindi nga pala fluent tagalog 'to diary. Taga-korean pala 'to -.-

Panu ko ba sasabihin 'to diary?

"Yung rocket ng korea, nakalabas!' sabi ko sa kanya na namumula diary.

'Ha?" 

Ay toinks nga naman talaga diary oh, bat ang bobo naman nito? Hindi marunong makaintindi?

''Ayun oh? May flappy bird!' tsaka ko tinuro yung....zipper niya. Wala na eh, suko na ako eh. Nagmumukha na akong tanga eh.

Bigla tuloy siyang namula diary tsaka tumingin sa ibang direksyon diary,habang inaayo yung zipper niya.

Tapos nakinig na lang siya kay sir. wow di man lang siya nag-thank-you sa akin. Kaasar diary, peor infairness kinikilig ako dahil yung kulay ng brief niya ay flappy brid. Oo ganun talaga katalas ang paningin ko. Ahihi :"">

Pagkatapos noon diary, wala nang masyadong nang nangyari, unless noon nangaway kami ni Negra, panu ba naman nung recess, umuwi ang gaga para lang mapantayan ang kagandahan ko. Inggetera talaga kahit kelan.

Aba ang gagang negra, nagblack din at talagang ginaya ako, ang kaibahan lang ay mas naka-heels siya sa akin. Aba ang gaga habang rumarampa sa Hallway, nakuha pa ako i-chismis.Kapal talaga ng mukha! Keso ginagaya ko siya at keso daw lumalande ako kaya daw ako nagpapaganda ako, Aba diary sa sobrang bait ko, sinabayan ko siya sa pagrampa niya sa Hallway tsaka nag-aksidenteng natumba para matulak ko siya, At ang gaga, ang bilis tumayo a tinarayan ako saka umalis sa harapan ko pero  di kalayuan ay ika-ika na siyang naglalakad papunta sa paroroonan niya diary. HAHA buti nga sa kanya, akala niya maabot niya ang kagandahan ko.

So ayun, diary, umuwi na rin ako bago pa ako patayin nang nanay ni Negra, Bata pa ako para patayin, alam mo na kapag maganda, daming umaaligid-gid. Sorry sila, baet sa akin ni Lord eh, binuhusan ako ng kagandahan.

Di na ako nagpasyang kumain ng dinner diary, syempre maganda ako so dapat diet ako. 

So goodnight na diary ha?

PS: Pasensya ka na kung wala akong masyadong nasabi sayo, alam mo naman na maganda ako di-----

DIARY:  Punyeta naman sonia oh! Ano bang maganda ha? Niloloko mo yung sarili mo. gumising ka sa katotohanan. Wala kang Ganda! P-A-N-G-E-T ka!

Ps. Jejemon ka pa!

Love  

Diary <3

_________________________

Woooooohhh, nagalit si Diary, ANG HARD NI DIARY.HAHA. Lagot kang Sonia ka! Anw, No offense pero hindi ako masaya sa mga cast ko. So pinalitan ko sila. HAHA. and new cover oh? pinaghirapan ko yan. HAHA Keep in Post. Tsaka read my other story. Gusto mong magmaldita? Basahin mo yung Ave Maldita (May Reklamo?) O kung gusto mo nag Faithful Boyfriend? Basahin mo yung Infinite Love (HTTYB) also It'll be nice guys if you vote and have comment. i do appreciate that. Anyway, Goodbye. See you on next UpDate

Diary Ng Jejemon (iK4w Lh4N6 S4p4t n4H)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon