Ara's POV
"Mikaaa! Gising na! Yeye!" umiling-iling lang siya. Hindi parin magising. Ano ba 'tong babae na ito. Alam na may training kami e nagpuyat pa kagabi. Tss.
"5 mins.." Sabay ngiti pero nakapikit parin.
"Babangon ka o ikiki-"
"Oo na! Oo na! Heto na po. Babangon na. Baka mahuli pa nila tayo. Lagot nanaman lalo na sa bullies." sabay bangon at aakmang tatayo na pero hinawakan ko ang kamay niya at napatigil ito.
Mika: "Oh bakit?" nagtatakang tanong nito.
Hinila ko lang siya at inilapit sakin sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Napaupo narin siya sa lap ko. Naramdaman kong yumakap narin siya at mas hinigpitan ko pa ito.
Ara: "Akin ka lang ha?"
Mika: "Che! Gusto mo lang ng kiss e!"
Ara: "Gusto mo gawin ko talaga?" Ngumuso ako at akmang ikikiss na siya.
*knock knock*
Ay bwisit! Panira ng moment! Napatayo tuloy kami ni Mika nang wala sa oras.
Aby: "Babies. Kanina pa kayo dyan. Magbreakfast na tayo. Kayo nalang hinihintay! May training pa tayo."
Ara: "Yes MotherF! Coming po!"
Mika: "Hahahaha! Landi mo kasi e."
Ara: "Mahal mo naman."
Pumasok na si Mika sa banyo at nagayos na. Ganito lang kami palagi. Araw-araw naglalambingan. Asaran. Kulitan. Hay. Sana ganito nalang palagi. I want to spend my whole life with her. Survive life.. together. Forever with her. Sana wala nalang maging problema. Sana wala nalang ang mga yun. Sana panaginip lang yun. Sana hindi nalang siya dumating. Sana nauna ko. Edi sana wala akong pinoproblema ngayon. Edi sana..
Mika: "Oh lalim naman nyan?"
Ara: "Ha.. Ah.. Eh.."
Mika: "Tss. Tara na. Magagalit na si ate Aby."
Ara: "I love you Ye."
Mika: "I love you more."
Nahalata ko namang nagblush siya at ako rin naman. Kiniss ko ang noo niya at inakbayan siya.
Bumaba na kami sa sala at nadatnan ang teammates namin na nakatitig lang sa amin. Mukhang iba to ah. Mukhang may bago. Mukhang..
Kim: "Ang tagal niyo! Kanina pa kami dito naghihintay!"
Carol: "Ano nanaman ginawa niyo dun?!"
Camille: "5 minutes daw. 10 minutes na po. Ano yun late ang orasan niyo?"
Cienne: "Wala man lang bang goodmorning?"
Hay. Sunod sunod na naman sila.
Mika: "Gutom lang yan. Tara na. Gutooooom nakoooo!" Nagtawanan naman ang lahat maliban kay Mika dahil siya yung pinagtatawanan namin. E paano kasi laging nangunguna sa food e hindi pa nga nagpepray. Ayan, napalo tuloy ni motherF yung kamay niya pero mahina lang.
Aby: "MIKA!" Pero pabirong sigaw lang. Nakikitawa rin naman siya e.
Mika: "Sorry po. Ako na po maglealead ng prayer. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, dear God, salamat po sa mga blessings niyo sa team at pamilya namin. Salamat po sa pagkain na nasa harap namin. Salamat po sa lahat ng pagkakataon na binibigay niyo. Salamat po dahil binigay niyo po siya sa akin. Aalagaan ko po siya. Siya lang at sana ako lang. Promise. Amen. Kain na tayooooo!"
Halatang excited e. Pero syempre pasikreto akong ngumiti sa mga sinabi niya. I feel comfortable and gumagaan pakiramdam ko na ako nga lang everytime na sinasabi niyang "Siya lang at sana ako lang." Oo Mika! Ikaw lang. Isang Mika Aereen Marcaliñas Reyes lang ang mamahalin ko.