Mika's POV
Ang tagal naman. Kanina pa ko dito. Hay. Nandito ako ngayon sa starbucks, hinihintay si..
*vibrate*
Ayun. Nagtext narin.
Malapit na ako. Kumalma ka. Order mo na ako ng isang Frappe. Venti ha? Thanks.
Hays. Late na nga! Nautusan pa. -_- Psh. Tumayo na ako para umorder. After naman ng pagorder ko ay umupo muna ako para hintaying tawagin nung kahera yung name na pinalagay ko. Medyo matagal din yun magagawa. Puno ang SB ngayon e. Daming customers.
After nung surprise sa akin ni Vic, medyo naging abala narin kami sa training kaya di narin kami nakapagcelebrate ng monthsary namin. Okay lang. Basta makasama ko lang siya at alam kong ako lang, sapat na yun.
Mahal na mahal na mahal ko ang babaeng yun. Di ko alam kung bakit kailangan pa magkaroon ng hadlang sa pagmamahalan namin. Bakit nga ba? Kailangan bang may ganito pa? Gulong-gulo nako! Di ko na alam..
"For Sir.." Sigaw nung kahera pero naputol ito nung siya na mismo ang kumuha.
Natigil din ang pag-iisip ko nung namalayan kong nandito na siya. Matagal din yung pag-iisip na yun.. matagal sapagkat gulong-gulo na ako.
"Hey.." bati niya at binigyan niya ako ng isang napakalaking ngiti.
"Psh. Bakit mo ba ko pinapunta dito? Hindi mo ba pwede sabihin sa text o tawag nalang? Marami pa kong gagawin. May training pa kami at may exams pa ako. Pinaghintay mo pa ako." Sunod-sunod naman ang reklamo ko at halatang nagulat siya kasi first time naman namin magkaharap talaga e. Hindi kami close friends or kahit friends! Duuh.
Ngumiti lang siya ulit at inabot sa akin ang isang folder na may lamang mga papel. Mukhang alam ko na ang laman nito. "Here. Read it please."
"This contract is bla bla bla bla"
"The bla bla bla bla"
"It should be bla bla bla bla"Nakakainis! Nakakainis! Oo! Nagulat din ako sa ibang nakasulat pero bakit ganun? Ugh. Nakakainis. Bakit ako pa?
Lord, please ayoko na magmaktol pa pero bakit po ganito. Ugh. Nakakainis..
"Naiintindihan mo bang mabuti ang mga nakasulat dyan?" Pagputol niya sa pagbabasa ko.
"Oo naman. Wag kang magulo dyan. Naiinis na ko!" Sigaw ko sa kanya. Sorry siya, inis na inis na kasi talaga ako. Ugh. Oo puro inis lang nasa isip ko at galit lang nararamdaman ko.
"Oopps. Sorry." inirapan ko naman siya at ngumiti lang siya. Oo, aaminin ko. Mabait naman siya e. Pero, no way!
Pagkatapos kong basahin ang lahat ng nakasulat sa mga papel na ibinigay niya sa akin, nabalot lang kami ng katahimikan. Tumingin lang ako sa mga taong naglalakad sa labas. Dito kasi kami nakapwesto kung saan ang tanawin ay mga taong naglalakad.
Hindi pa masyadong nag-sisink in sa akin ang mga nakasulat sa kontrata. Bigla ko namang naisip si Ara. Nagflashback sa akin ang mga clingy moments namin together and even yung mga pag-aaway namin. Masakit pero yun ang nagpatatag samin at nagdala kung nasan man kami ngayon.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o itatago ko nalang sa sarili ko. Parehas lang naman e, kung sasabihin ko sakanya, mahihirapan lang ako. Masasaktan ko siya. Ganun din naman kung hindi ko sasabihin sa kanya, masasaktan din siya dahil nangako kami sa isa't isa na wala kaming isisikreto kahit ano. Kahit yung pinakamaliit na bagay na pwede namang isikreto nalang ay kailangan pa naming ipagtapat sa isa't isa. Ganyan kami ka-honest.
Haaaay, Vic. Nahihirapan na ako. Gusto ko umiyak ngayon hindi dahil sa nabasa ko kundi dahil unti-unti ko siyang sinasaktan. Kung pwede lang sana na..