Ara's POV
"Ano ba? Lagi nalang bang aksbdjewineie"
"Di ka ba jeoeoejeorjro"
Naalimpungatan ako sa boses na naririnig ko. Nakatulog pala ako galing training kanina. Chineck ko nang mabilis ang orasan ko, 3am na pala. Haba rin ah? Nakauwi kasi kami ay mag-9pm din. Puspusan sa training, lapit na finals e. Pero ano yun? Si Mika ba yun?
Chineck ko rin ang kama niya.
Tama. Si Mika nga yun. Wala siya sa kama niya e. Tatayo na sana ako nang bigla ring sumulpot siyang galing terrace ng kwarto namin sa dorm.
"Ohh.." parang nagulat siya.
"Kanina ka pa ba gising baby?"
Lumapit ako sa kanya at nagsmack ako. Hinug ko siya at bumulong. "Hindi. Kakagising lang. Bakit naman gising ka pa? O bakit ang aga mo gumising?"
Kumalas siya sa pagkakayakap ko at umupo muna sa side ng bed niya. Tumabi naman ako at nagsalita na siya.
"Nagreview pa ako tapos biglang may tumawag. Wrong number lang naman daw."
Wrong number? Bakit parang nakikipagtalo siya? Hindi niya ugaling makipagaway sa mga taong di naman niya kilala kahit medyo warfreak yon.
Ayoko namang isipin na..
"Baby? What's wrong?" halatang nagtataka siya kasi tulala ako.
"Ah wala naman. Tulog kana?" Ngumiti ako sa kanya at humiga na siya. Kinumutan ko siya at pumikit na siya.
Tatayo na sana ako pero hinawakan niya kamay ko. "Baby.. Tabi tayo. Please?" Pero nakapikit parin siya nung sinambit niya ito.
"Baka magalit si Coach." saad ko.
"Please? Please? Please?" nagpout pa ito. Matatanggihan ko pa ba ang ganito ka-cute na babae at mahal na mahal ko?
"Sige na nga baby. Love you." Ngumiti lang siya na parang nanalo sa lotto. Tumabi na rin ako sa kanya at nagside siya ng pwesto pero nakatalikod sakin. It means i-hug ko siya at ginawa ko naman.
5 minutes rin na ganun lang kami tsaka siya humarap. "Vic.." Nagulat naman ako. Bihira lang niya ko tawaging Vic e.
"Hm?"
"Wala lang. I love you. Tandaan mo, kahit anong mangyari, ikaw lang. Kahit saang sitwasyon pa tayo makarating, ikaw lang. Ikaw ang pipiliin ko. Mas mahal kita.." At nagsimula na siyang humagulgol.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Alam kong natatakot siya. Alam kong puno ng sakit ang puso niya. "Tahan na. Ano ka ba. Alam ko naman yun. Tandaan mo, ikaw lang din. I will always hold you tight."
"Hold tighter."
"Yes, baby." Kiniss ko na siya at natulog na siya.
Gusto kong alisin sa isip ko yun. Gusto ko ring makalimutan niya muna ito. Gustong-gusto ko! Oo, unti-unti ko naman nakakalimutan ito pero minsan naaalala ko parin. Pero ngayon, para kay Mika, para sa babaeng mahal ko, kakalimutan ko ang lahat. Kakalimutan ko.. muna. Hindi ko maipapangakong totally ko itong kalilimutan basta pangako, hindi darating sa puntong isusumbat ko ito sa kanya.
"Mika, kahit masakit ay titiisin ko. Kakayanin ko para sayo. Wag ka din sanang bibitiw. Mahal na mahal kita. Starting this day, ayoko muna isipin yun. Let's start the day having no worries, just love. Hold tighter, baby."
Tsaka ko siya niyakap muli at hinalikan sa buhok. Sumubsob narin ako sa leeg niya. Ang bango ng baby ko.. Hay.
* * *
![](https://img.wattpad.com/cover/14839151-288-k377267.jpg)