Chapter 5

334 15 0
                                    

Ara's POV

Ang sarap talaga sa feeling kapag inlove ka no? Thank you, Mika. <3

"Vic.." tawag sakin ni Cienne.

"Oh? May problema ba?" Ang seryoso kasi ng mukha e.

"Pwede ka bang makausap?" Hay. May magagawa pa ba ko? E bestfriend ko to e.

"Oo naman. :)"

Nakita ko naman na medyo nagningning ang mga mata nito.

"San tayo?" Dagdag ko pa.

Ngumiti lang siya at hinila na ko papunta sa parking area ng dorm. Car nalang daw niya gagamitin.

"Uy. Cienney! San ba tayo? Ano ba paguusapan natin?"

"Basta! Tumahimik ka nalang dyan."

Ay. "Psh. Taray."

Nagsmirk nalang siya. Nakukulitan na siguro. E kasi naman di ko alam kung ano ba talaga. Clueless ako. Ang random ng mga naiisip niya.

Kakausapin daw ako pero ano? Ayun! Pupunta lang pala kung saan.

"Dito na tayo."

Hay sa wakas! Pero teka..

"Hoy Cienne! Ano to?"

Nagulat kasi ako. Dinala niya ako sa isang resto na hindi common na puntahan ng barkada namin. Siguro once or twice palang kami nakakapunta dito then matagal na panahon na yun.

"Magtiwala ka lang sakin, Vickylu."

"Hala. Cienne. Bakit? Kakain lang tayo pero kailangan ko pa magtiwala?" Loka talaga e. Kakain lang tas tiwala pang nalalaman.

"Baliw! Hindi! May imi-meet tayo."

"Sino naman?"

"Basta. Go na! Baba na. Ang init dito sa kotse."

"Sabi mo e."

Pagkababa namin ng kotse ay agad naman kami nagpunta sa may entrance ng resto. Binati kami ng crew dito.

"Good afternoon Mam. Any reservation?"

"For Cienne Cruz." Sagot naman ni Cienne.

"Uhm.." Mukhang nagtataka pa yung crew kasi parang walang Cienne Cruz sa list ng mga naka-reserved.

"How about for Ara Galang?" Tinanong ko na baka sakali sakin pala. Para rin hindi na magtagal pa.

Napalitan naman ang expression sa mukha nung crew. "Yes Mam. For Ms. Ara Galang. Table No. 38. Let's go Mam. Assist ko na po kayo."

Sumunod naman kami. Sa di kalayuan ay nakikita ko na kung sino ang sinasabi ni Cienne na tatagpuin namin.. O baka hindi siya? Ewan.

"Hi." Bati ni Cienne sa kanya.

"Hello Cienney!" Uhm... Hm... Don't know what to say nor to react.

"Hello, Victor."

Cienne's POV

Dito na kami ni Ara sa Resto kung saan may imi-meet kami.

"Hi." Bati ko.

"Hello Cienney!"

"Hi Victor."

"Hi." Ganting bati ni Ara sa kanya.

Tama kaya tong desisyon ko? Na punayag sa gusto niya?

"Kamusta na kayo? Ang team? Si Kimmy? Ikaw Cienne? Ikaw Vic? Kamusta dito?" Masiglang tanong niya.

Feeling ko naaawkward si Ara. Ugh! Cienne! Ano to. Bakit ka pa kasi pumayag?

Hold TighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon