Mika's POV
"Kay Mommy lang. Galing London." sagot ni Ara nung tinanong ko kung kanino galing yung box na nakita ko.
"Ahhhh." nagsmile nalang ako.
Parang ang awkward ah. "Baby.."
"Hmm?"
"Miss you!!"
Lumingon siya. Ay nako! Halatang kinikilig. "Miss you too." At nagsmack siya. Hihi. Mas kinilig ako.
"Date tayo?" Tanong niya.
"Weh? Biglaan naman yata?"
"Ayaw mo nun. Mas special kung biglaan. Walang plano plano. Basta magkasama tayo, ayos na yun!"
"Oo nga naman. Sige. Bihis lang ako. :)"
Dumiretso na ko sa kwarto ko.. este namin pala. Nagayos lang naman ako. Medyo haggard lang kanina kasi malayo byahe. Then ngayon aalis ulit.
Simple outfit lang suot ko. Maong shorts, la salle shirt, hoodie, and vans lang naman. Hindi naman ganun kabongga yung date na to although special to.
Humarap muna ako sa salamin bago lumabas ulit. "Psssst!" Sitsit ko kay Ara na nakaupo sa may sofa sa may sala. Nanonood lang siya sa teammates namin na kumakain ng mga pasalubong ko galing kay Mommy.
Mukhang nabighani pa sakin nung paglingon niya ah. Di pa rin umaalis titig sakin mula nung sitsit ko.
"Bilisan mo na dyan Victonara! Mag-5pm na. Dali baby."
"Ay! Sorry. Eto na baby."
Umakyat na muna siya at ako naman ay dumiretso sa may kusina para kamustahin ang mukhang gutom na gutom kong mga kaibigan.
"Nako ate Kimy. Dahan-dahan naman. Baka mahirinan ka nyan. Sige ka." Natawa naman yung iba kasi totoo naman. Sunod-sunod pagsubo dun sa carbonara kala mo naman mauubusan.
"Maawa ka naman sa pasta Kim! Baka maging kakulay mo na yan." Pangaasar ni Ate Cyd.
"Ilang balyena ba laman nyang tyan mo at kanina ka pa hindi nabubusog? Hahahaha!" Gatong pa ni Ate Mowky.
Hindi makasagot si ate Kim pano ba naman, punong-puno pa bibig. Hahaha.
Tawanan na naman dito. Hahahaha. Iba talaga pag sila kasama mo e.
"Maiba tayo. Ba't ka nakabihis Ye?" Tanong ni Ate Aby. Lahat naman sila ay napatingin sa gawi ko.
May bigla namang umakbay sakin.. "Alis lang kami motherf. Date lang po muna kami." Si Ara pala. Siya narin sumagot.
Uhm. Ang bango bango.
"Ah sige. Mag-ingat babies ha? Maggagabi narin."
"Sige po. Alis na kami mothef. Bye guys!"
"Bye guys!"
"Byeeee" sabay-sabay nilang sambit.
"Pasalubong!" Ay sadya namang hindi makakalimot si Ate Kim.
"Ayyyy. Hahaha." Tawanan na naman.
"Oo na! Sige bye alis na kami." At tuluyan na kami lumabas.
Pagkapasok namin sa kotse niya, agad naman niyang binuksan yung radyo.
Pinatay ko.
Binuksan niya.
Pinatay ko.
Binuksan niya.
Akmang papatayin ko ulit, "Hephep! Bakit ba pinapatay mo?"
Nairita ata ah.
"Masama?" Pagtataray ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/14839151-288-k377267.jpg)