Chapter 4

428 15 0
                                    

Mika's POV

*Riiiiiing*

Tumunog phone ko. Teka sino kaya to?

Sinagot ko na kahit nagda-drive ako, baka importante e.

"Hello?"

"Ha? Again?"

"For what?"

"No. I'm busy."

"I said no. Bye."

Ughhhh! Siya nanaman. Ayoko na. Lord, please po. I need a break. Ayoko muna ng ganung usapan.

Hay. Medyo nagugutom ako. Makapag-jollibee na nga lang muna.

- - - -

Habang hinihintay ang order ko, naghanap muna ako ng mauupuan dahil medyo maraming tao ngayon kasi lunch.

At ayun! Lumapit ako para ilagay ang dala kong bag pati yung tray na may number at dumiretso muna sa CR.

Habang naglalakad.. Naalala ko nanaman yung gabing nagusap kami ni Vic. Di ko maiwasang maguilty kasi hindi ko man lang masabi sa kanya. Hindi ko man lang magawang maging tapat sa kanya. Haaaay.

Mika.. Ano ba! Ayusin mo yan.

Nakarating na ko sa harap ng CR. Pero teka.. Sino yun?

Sinilip ko yung narinig kong nagsasalita.. nakatalikod. Sexy. Mahaba buhok. Parang si Ara. Pero hindi e. Ang alam ko may klase siya ng 12:30 to 2:00. So impossible.

Pinakinggan ko nalang. Medyo chismosa.

"Dapat makuha mo siya agad."

"Oo. Sa lalong madaling panahon."

"Okay. Thank you. See you. Bye."

At pagtapos nun, humarap siya kaya parehas naman kaming nabigla. Mas nabigla ako nung kinausap niya ko.

"Mika?"

Huh? Kilala niya ko? How? Sino siya?

"Uh-uh. He-hello?" Medyo nauutal ako. Bukod sa nakakahiyang nakita niya kong nakikinig sa kanya, di ko parin alam kung paano niya ko nakilala.

"..kilala mo ako?" Pagpapatuloy ko.

"Ah. No. Kilala ka kasi. Lady Spiker ka diba?" Ah okay. Ang tanga mo Mika. Sikat ka nga pala. Malamang kilala ka.

"Ah okay. Hehe." Medyo pahiya talaga ako. Tss.

"I'll go ahead. Bye."

Tatanungin ko pa sana name niya kaso umalis na agad siya.

- - - -

Ara's POV

Ughhhh! Haaaaay. Nakakapagod. What a day!

May training pa bukas nang umaga tapos di parin ako tapos dito. :(

"Hey." Si Mika pala. Nandito kasi ako ngayon sa sala. Tinatapos yung report ko bukas. Ano ba naman yan. Finals na tapos report report padin. :(

"Hello baby." Bati ko.

Kumandong siya sakin at niyakap ko naman siya. Ganun din ginawa niya. Ang sarap sa feeling. Nakakawala ng pagod at antok. Best reliever!

Nanatili muna kami sa ganoong posisyon bago ako nagsalita. "Ba't gising ka pa?"

Tinanggal naman niya yung yakap niya sakin at ganun rin ako.

"Gawa mo." At nag-pout pa. Kainis. Ang cute! Sarap kurutin. Hehe.

"Sorry na. Ito kasing prof ko e. Sorry na. Sorry baby." Tinadtad ko naman siya ng kiss sa labi niya para di na magtampo. Gumanti rin naman siya.

Nakakakilig. Hihi. Ano ba yan. :")

"Oh tama na. Gawin mo na yan. Tulungan na kita, gusto mo?"

"Wag na. Konti nalang naman to."

"Sige. Ikaw bahala. Kakain lang ako." Nagwink naman siya bago umalis sa pagkakaupo niya sakin.

*

"Sa wakas! After 7 hours! Tapos na ko babe." At napatayo naman ako para yakapin si Yeye sa sobrang tuwa.

"Congrats. Haha. Makakatulog narin."

"Tara na?" Pag-yaya ko sakanya.

"Okay."

Pagkaayos ng sari-sariling kama namin ay natulog narin kami.

-----

Nagising ako sa sinag ng araw. Pagtingin ko sa kama ni Yeye, wala na siya.

Inayos ko muna ang bed ko then dumiretso sa banyo para magayos. Bumaba narin ako pagkatapos.

Huh? Walang tao? Nasan yung mga yun? Tss. Aga naman guys!

Okay. So it means, mag-isa kakain.

*Bzzzzz*

May nagdoorbell. Binuksan ko ang pinto.

"Goodmorning Mam. Delivery po for Ms. Victonara Galang."

"Ako po yun."

"Pa-sign nalang po dito.." tinuro niya kung saan ako pipirma.

Inabot na niya yung box na delivery daw para sakin.

"Thanks Mam."

"Okay. Bye."

Ano kaya to? Pumasok na ko sa loob at ipinatong muna yung maliit na box sa table. Niligpit ko muna yung pinagkainan ko bago buksan yung box.

Tinignan ko kung kanino galing ang delivery box..

Ikinalaki naman ito ng aking mga mata.

To: Victor Luffs

From: <3

Isang tao lang ang tumatawag sakin ng Victor/Luffs/Victor Luffs..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
si Tin.

* * * *

HELLO PO! Pasensya na po kung matagal at matumal mag-update. Di naman po kasi talaga ako writer, reader at listener lang. Wooh. Hahaha! Pasensya na po kung hindi niyo nagugustuhan yung takbo ng kwento. UULITIN KO PO.

THIS STORY DOESN'T HAVE A CERTAIN PLOT.

Which means hindi ko alam kung ano talaga magiging takbo nitong kwento. Hindi ko alam kung sino ang mga karakter na darating. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari.

Wait lang tayo guys! :-)

Salamat sa paghihintay at pagbabasa.

Btw, busy kasi ako sa training namin and malapit na pasukan. Pero promise, dadalasan ko na update. :)

Comments. Reactions. Hates. Suggestions. Critiques.

Tweet me @VicSalasGalang

Update soon.

Hold TighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon