"Mommy ayan na po ba yun?" tanong ko kay mommy
"Hindi pa anak pero malapit na anak, Aba't bakit excited kaba?"
Nako nanay ko talaga malamang excited ako e makikita kona ang Taika, makakakita nako ng mga taong mayroong magic. Tsaka kanina pa kami actually sumakay kami ng dalawang eroplano, see ang layo kaloka. Makikita ko na rin si daddy 5 years nadin ang nakalipas. 12 years old ako ng umalis sya para pumunta sa Taika ngayong 17 nako mas lalo ko syang namiss.
Bakit ko alam na mayroong world of magic? Simple lang mahilig ako sa fantasy stories, bata palang ako mahilig na akong magbasa ng mga libro tungkol sa Magic. Napadpad ako sa library ng bahay nun tapos may nakita akong lumang libro nacurious ako kaya pinunasan ko puro alikabok kasi, mas lalo akong nacurious noong nabasa ko yung title.
"TAIKA, WORLD OF MAGIC" Grabe! Wow as in wow ang ganda ng story, kaya simula noon naging favorite ko na yun hanggang sa nalaman ni mommy at sabi nya dadalhin nya daw ako pag tanda ko dun dahil doon din daw nagtratrabaho si daddy. At ngayon pupunta na kami doon super excited nako!
"Nandito na ba tayo mi?" Tanong ko kay mommy ng huminto sya sa isang malaking kahoy na gate.
Nawindang naman ako ng biglang bumukas ang pinto! Jusko naman magkakaheart attack ako neto e
"Baba na anak" nagmamadali akong bumaba dahil sa sobrang excited at lahat ng mga nabasa ko sa libro ay totoo mula sa mga halaman na kulay pink at violet. God! Para akong nasa Korea, Anyeong! Joke hehehe!
"Madam" bati nung isang babae na nakauniform ng parang teacher pero hindi naka slacks kundi palda
"Anya" bati naman ni mommy
"Madam buti at nakabalik na kayo" sabi naman ni miss Anya sabay tingin sakin
"Sya naba si Samantha?" tanong nya kay mommy na ikinabigla ko, bakit kilala nya ko?
"Sya na nga"
"Ang laki na nya madam" Sabay ngiti sakin ni miss Anya
"I-tour mo sya sa buong Taika, Anya. Pagkatapos ay iuwi mo sya sa mansyon" Utos ni mommy sa kanya
"Masusunod madam" sabay bow kay mommy pagkatapos ay tumingin sya sa akin
"Halika na sam"
Umalis na kami kung saan nakatayo si mommy kanina nilibot naman ako ni miss Anya sa buong Taika, diko aakalain na sobrang laki pala ng Taika. Halos lahat ng nakasulat sa librong binasa ko noon ay totoo. Ang Taika ay parang isang lungsod kung saan mayroong paaralan ngunit tungkol sa Magic ang itinuturo. Mayroon ding mga bilihan ng mga gamit tulad ng damit at mayroong kinakainan. Ang sabi ni miss Anya ay ang Taika daw ay parang bansa ngunit sa maliit na bersyon. Ang Taika daw ay mayroong tatlong pangkat ang Elite families kung saan nandun ang mga mayayaman at magagaling sa Magic dito sa Taika. Ang Maige families, kung saan dito ang mga may mga negosyo at kayang pakainin ang pamilya ng tatlong beses sa isang araw. At ang huli ang Mehiddo families, mga mahihirap angkan ng pamilya ngunit kung sa galing sa paggamit ng mahika at palakasan ng kapangyarihan di hamak na mas malakas sila kaysa sa mga Maige.
Napako ang tingin ko sa isang eskwelahan "Hercum de Paaralan" Hercum, ang apelido namin
"Hercum de Paaralan, itinayo pa yan ng great grandfather mo para sa mga elite na gustong magaral ng mahika. Ang mga elite dati ay akala nila porket galing sila sa angkan ng elite ay magagaling na sila kaya hindi na nila pinagaaralan ang mahika nila. Noong sumugod ang mga Brinian ay madaming namatay sa mga elite kaya pinataguyod ng angkan ng mga Hercum ang paaralang iyan upang sanayin ang mga elite sa pakikipaglaban gamit ang mahika"
"Brinian? Ano po ang Brinian?" tanong ko kay miss Anya, sa librong nabasa ko tungkol sa Taika ay walang nabanggit tungkol sa mga tiga Brianian
"Apat na angkan dati ang nakatira sa Taika. Elite kung saan ka nabibilang, Pumangalawa ang Somiferous, pangatlo ang Maige at panghuli ang Mehiddo" sabi ni miss Anya
"Somiferous? Bakit wala po akong nabasa tungkol sa mga angkan nila pati nadin po ang mga tiga Brinian?" Tanong ko sa kanya
"Hindi sinulat ng may Akda ng libro dahil tinalikuran nila ang kanilang mga tungkulin sa mundo ng mahika, kinain sila ng inggit sa mga elite at sa mga Mehiddo sa galing sa mahika at pakikipaglaban gusto ng mga Somiferous na sila lagi ang nauuna kaya sumanib sila sa mga tiga Brinian na unang nagtaksil sa mundo ng mahika" paliwanag ni miss Anya
"Pero kanina sabi nyo ay kabilang ako sa mga Elite, papano po nangyari iyon?" Tanong ko sa kanya ang gulo mas magulo pa'to kaysa sa mga equation sa math
"Ang iyong ama na si Victorious ay apo ng dating namamahala sa Taika si senior Samuel"
Si daddy?
"Si daddy nasan po sya?"
"Nasa masyon nyo na sya kasama si madam Kara" ngiting tugon ni miss Anya sakin
Diko tuloy maiwasang matuwa dahil dun kasama na ni mommy si daddy ibig sabihin ay makakasama kona din sya
"Ang iyong ama ay syang namamahala ngayon sa mga elite" sabi sa akin ni miss Anya
"Si lolo po asan sya?"
"Si senior Samiel na ang namamahala sa Taika ngayon simula ng namatay si senior Samuel, pag dating ng panahon ay ipapasa naman nya sa iyong ama ang nagapamahala ng Taika" sabi niya na may halong ngiti sa labi sa tingin ko ay malapit silang magkaibigan ng mga magulang ko
"Mukhang malapit po kayo sa mga magulang ko"
"Magkaklase kami dati nila Kara at Victorious tulad nila ay galing din ako sa elite family" wow ang galing
"Sya nga pala sa Hercum de Paaralan ka magaaral" sabi sa akin ni miss Anya
Pumasok kami sa paaralan, wala pang mga estudyante dahil sa susunod na linggo pa daw ang pasok dito. Pumasok kami sa isang silid at doon ay mayroong kinuhang isang pares ng sapatos at dalawang pares ng uniform si miss Anya
"Eto sukatin mo" sabi nya sabay bigay sa akin nung uniform
Kinuha ko ito at sinukat. Wow ang ganda! Above the knee yung palda na kulay itim pagkatapos blouse na white naman ang sa taas na pinatungan ng blazer na black at necktie wow! Ang Ganda para akong anime dahil sa suot ko ang cute cute hahaha
Napansin ko naman na may nakatahing mga letra sa left side ng blazer "ELITE" omg elite nga talaga ako hahaha"Halika na Samantha pumunta na tayo sa masyon ninyo" sabi ni miss Anya
Nang makarating na kami sa bahay ay umalis na rin agad si miss Anya at pinakatiwala ako sa katulong
"Seniora dito po" iginaya nya ako sa dinning table at doon ko nakita si mommy at daddy na masayang kumakain agad akong tumakbo at yumakap kay daddy
"Oh anak nasasakal si daddy" natatawang sabi niya sakin
"I miss you dad"
"Namiss din kita, umupo kana at kakain na tayo" sabi nya kaya umupo nako at kumain
Habang kumakain ay nagkwekwento si daddy tungkol sa mga elite at Taika kaya mas lalong dumami ang alam ko. Nakwento naman ako sa araw ko ganon din si mommy.
Pagkatapos namin kumain ay iginaya ako ng is at katulong sa aking silid. Agad akong naglinis ng katawan at humiga sa kama para matulog. Grabe nakakapagod ang pagpapasyal sa buong Taika, sa tingin ko ay dipa buo iyon e kalahati palang yata. Kaya kailangan ko ng energy para bukas. Yey! Excited nako hayss.
YOU ARE READING
Taika, World of Magic
FantasyMagic? Fantasy? Noong bata ako fan ako ng mga fantasy story. Gustong gusto ko yung part na maglalaban laban na sila tapos maglalabas na ng kapangyarihan. Diko alam na ang lahat pala ng nakasulat sa libro na pinapabasa sakin ni mommy ay totoo, di ko...