Ilang araw na din ang lumipas kaya mas naging mas comfortable ako sa Hercum. Tuwing araw ng martes ang training ko para matututunan ang paggamit ng mga equipments.
Si Ana naman tuwing lunes dapat sya pero nagpalipat sya ng martes para makasama ako tsaka ayaw nya daw nang maagang nagtratraining yun talaga oo.Nasa bayan ako ngayon kasama si Ana para kumain sa isang kilalang kainan dito na pagmamayari nila
"Sam ano kamusta?" tinatanong nya 'tong pasta na kinakain ko
"Hmm masarap" sabi ko sabay ngiti
"Talaga? Matutuwa si papa nyan"
Kumain lang ako hanggang sa maubos ko yung pasta
"Nga pala kailangan na nating umalis may kukunin pa ako sa school" nagmamadaling sabi ni Ana kaya wala akong nagawa kundi tumayo na
Nang nakarating kami dito sa school ni Ana ay agad syang pumunta kay Miss Valdez at kumuha ang isang flute na kahoy isa daw iyon sa mga equipments nya.
Akala ko uuwi na kami pero bigla nya 'kong hinatak papunta sa gym kung saan mayroong nagtratraining. Mga may kapangyarihan na apoy ang nagtratraining sa gym ngayon. Mula kasi dito sa labas ay nararamdaman ko na yung init mula sa kanilang apoy.
"Ahhhh! Tulong" shet ano yun?
Nagmamadali kami ni Ana na pumunta sa gym ng nakita namin si Russel na hinihingal pa. Mukha na syang malalagutan ng hininga kaya binigyan namin sya ni Ana ng hangin.
Ng naging maayos na ang paghinga nya ay bigla syang nagsalita
"Ilock nyo ang lahat ng labasan!" utos ni Russel sa mga lalaking nasalikod namin. Agad naman silang sumunod at lumabas na ng gym.
"So-somiferous" rinig kong sabi ni Russel kaya napatingin ako bigla sa kanya pati na rin si Ana ay nakatingin sa kanya at yung mga tao na nakapaligid sa amin
Somiferous? Anong kailangan nila? Sinusugod ba nila kami ulit? Anong nangyari sa mga Brinian? Aghhhh! Nakakainis bakit ba ang dami kong tanong? Tsk
"Anong ibig mong sabihin President? Anong kailangan ng isang Somiferous dito?" tanong ng isa sa mga studyante na halatang takot na takot ng sabihin ni Russel na Somiferous yung nakalaban nya kanina
"Fire Blending. Ang Somiferous na nakalaban ko kanina ay mayroong kapangyarihan na kumuha ng mga apoy ng mayroong mga kapangyarihan ng apoy. Kung ang kapangyarihan ko ay kayang kumuha ng hangin upang mawalan ng buhay ang isang tao, ang Somiferous na iyon ay mayroong kapangyarihang kumuha ng apoy sa isang elite upang mawalan sya ng kapangyarihan at maging normal na tao nalang" paliwanag ni Russel sa kanya
Ganon pala iyon. Kung ganon ay napakalakas ng Somiferous na iyon dahil kaya nyang kumuha ng kapangyarihan ng iba
"Kung ganon ay nawalan na ng kapangyarihan si Jun at magiging normal na lang sya?" Kinakabahang tanong ng isang studyante at tila kaibigan ito ng Jun na sinabi nya
"Hindi. Kaya sumigaw siya kanina ay natamaan sya ng kapangyarihan ko." Anong ibig sabihin ni Russel pinigilan nya yun?
"Napansin ko na mayroon syang letter S sa kanyang leeg at tinatakpan nya lang ito gamit ang kanyang kapangyarihan kaya naging balat ito. Ngunit ng hipan ko iyon ay nakita ko na tatak iyon ng mga Somiferous. Huhulihin ko na dapat sya ng gamitin nya ang kanyang kapangyarihan kay Jun. Hindi ito napansin ni Jun dahil nakikipaglaban sya. Unti unti na ding nakukuha ang kapangyarihan nya kaya natatalo na sya sa kalaban nya kanina habang nagtratraining." Shit nakakatakot yung Somiferous na yun buti nalang hangin yung kapangyarihan ko
"Hindi na kuha ang kapangyarihan nya dahil ibinalik ko iyon sa kanya, Kaya napasigaw si Jun kanina dahil na rin sa sakit na kuha nya mula sa pagkuha ng kapangyarihan nya at pagbawi ko dito" paliwanag nya pa, grabe kaya pala hingal na hingal sya kanina ang lakas ng kalaban nya
"So ibig mong sabihin kumpleto parin ang kapangyarihan nya?" Tanong naman ni Ana
Tumango naman si Russel dito. Halatang kinakapos pa sya ng hininga dahil sa haba ng paliwanag nya
Bigla namang bumukas yung pintuan ng gym kaya napatingin kami doon
"Nakatakas sya President" sabi ng isa sa mga inutusan ni Russel kanina
"Saan daw sya dumaan?" tanong ni Russel sa kanila
"Mabilis sya kaya hindi namin sya naabutan pero inakyat nya ang dingding para makaalis dito sa Taika"
Ang laki ng Taika kaya papaano nya nagawa iyon ng ganon kabilis?
"Nakilala nyo ba sya?" tanong ni Ana sa kanila
Sabay namang umiling ang dalawa sa kanya
Napatingin naman ako kay Russel na kanina pa hindi mapakali. Bigla syang tumayo at lumabas sa gym kaya agad ko syang sinundan
"President! President wait!" Sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin sya tumitingin sa akin kaya nang abutan ko sya ay hinawakan kona yung siko nya agad naman syang napatingin sa akin
"What?" Emotionless na tanong nya
"May problema ba?"
"Hindi ba obvious, pinasukan tayo ng Somiferous kanina lang at muntik pang may mawalan ng kapangyarihan kanina" sabi nya sa akin pero hindi pa din ako kumbinsido sa sagot nya kanina pa talaga sya hindi mapakali
"Bukod duon ano pa?" tanong ko ulit, alam kong meron pa nararamdaman ko yun
"Wala na" Wala pa ring emotion na sabi nya sakin, tatalikod na sana sya ng magsalita ako
"Yung kanina kilala mo ba yung sumugod na Somiferous?" may kutob ako na mahalaga ang Somiferous na iyon sa kanya kaya hindi nya Ito kinuhanan ng buhay. Kung tutuuisin ay kayang kaya nyang kunin ang lahat ng hangin sa katawan ng Somiferous na iyon upang mawalan sya ng buhay ngunit hindi nya ginawa
"Hindi ko alam ang sinasabi mo" sabi nya sa akin, akmang lalakad na sya pero pinigilan ko ulit
"Kung hindi mo kilala ang Somiferous na iyon bakit mas pinili mo syang kunin kaysa kuhanin ang kanyang hangin sa katawan ng tuluyan na syang mawalan ng buhay" sabi ko sa kanya totoo naman mas gugustuhin nya pang may gawin muna ang isang iyon kaysa patayin nya na agad ng walang kahirap hirap. Nawalan tuloy ng malay si Jun kanina dahil sa sakit na natamo nya at naubusan pa sya ng hininga dahil sa pagbawi ng kapangyarihan ni Jun sa Somiferous na iyon.
"Dahil baka magamit natin sya at may malaman tayo tungkol sa mga Somiferous" sabi nya sa akin pero may halong galit na ang tono nya hindi gaya kanina na emotionless lang sya
"Pero alam mong maaaring mapahamak si Jun pati na rin ikaw pero bakit mas pinili mo iyon!" tumaas na rin ang boses ko dahil hindi ko na kayang magtimpi. Muntikan na syang mawalan ng hininga at mawalan ng kapangyarihan si Jun at maging normal na tao pero mas pinili nya pa yung letse na makukuha nyang inpormasyon kung sakaling mahuli nya ito.
"Ginawa ko iyon dahil iyon ang dapat!" Sigaw nya sa akin
"Dapat? Muntikan ka na ngang mamatay ganon narin si Jun!" Sigaw ko pabalik sa kanya
"Sam tama na yan" ngayon ko lang napansin na nandito na pala si Ana sa tabi ko at hinahatak na ako mula sa busit na President namin
"Wala kang karapatan na pagsabihan at pagtaasan ako ng boses Ms. Hercum" malamig na sabi ni Russel sa akin
Aba't!
"Ano!-" bago ko pa sya ulit masigawan ay hinili na ako ni Ana paalis sa harap nya. Kainis hindi pa ako tapos dun sa letse na Russel na yun!
Ng makalabas na kami ng school ay agad akong pinagsabihan ni Ana
"Dapat hindi mo iyon ginawa Sam! President ng council yun papaano kung parusahan ka nya?!" Tsk! Wala akong paki kung parusahan nya' ko ang point ko is mali yung ginawa nya kanina
Talak pa rin ng talak si Ana hanggang sa makarating kami sa bahay. Buti nalang at nandito nako makakapagpahinga na rin yung tenga ko pati yung bibig nya kung napagod man.
YOU ARE READING
Taika, World of Magic
FantasyMagic? Fantasy? Noong bata ako fan ako ng mga fantasy story. Gustong gusto ko yung part na maglalaban laban na sila tapos maglalabas na ng kapangyarihan. Diko alam na ang lahat pala ng nakasulat sa libro na pinapabasa sakin ni mommy ay totoo, di ko...